Mixtape

16 0 0
                                    

Natulala ako sa mga lumang gamit ko na nakatambak sa bodega ng condo ko.

Ngayon ko lang napagtanto na masyadong madami na pala ang mga gamit ko at nagmukha ng sardinas tong bodega ko.

Hinihiwalay ko ang mga itatapon, ipapamigay at itatabi. Masyado pala akong sentimental at pati mga notebook ko ng HS ko at Elementary eh nandito pa. Natawa na lang ako, lalo na sa penmanship ko.

Nang matapos kong ayusin ang ilang mga gamit ko eh nahagip ko ang isang box na kulay dilaw. Ito yung binigay mo sa akin bago ako umalis, tanda ko...

Nagtatalo ang isip ko kung kukunin ko ba at bubuksan o kukunin para itapon.. Mga limang minuto ko ata tinitigan at pinagisipan.. in the end kinuha ko at binuksan ko, tutal nakamoved on naman na ako.

Nang buksan ko eh, bumungad agad sa akin ang picture natin, mga nene at totoy pa tayo dito halos gusgusin pa ang mga mukha. Kung natatandaan ko eh ito ang una nating picture nung naging tayo..Nahihiya pa nga tayo parehas dahil di natin alam kung ano ba ang dapat gawin eh ngingiti lang naman tayo at titingin sa camera and then poof okay na. Napakamemorable nito kase ito yung time na hinalikan mo ko sa pisngi na sobrang kinagulat ko kaya ang itsura ko ay gulat at ikaw ay nakangiti. Halos magtalo pa tayo dahil sa kinalabasan ng picture. In the end pinabayaan ko na lang dahil kinilug naman ako.

Sunod na bumungad sa akin ang mga resibo at balat ng kung ano anong pagkain (balat ng candy, resibo ng mga kinainan natin etc.) wala akong pinalagpas ni tipong resibo nga lang ng tinakeout mong pagkain para sa akin nasama ko pa. Naalala ko palagi mo ko tinatanong kung bakit ko kinukuha yung mga resibo at balat ng mga pagkain tuwing magkasama tayo pero ang lagi ko lang sagot sayo eh ngiti, tapos nung first anniv natin pinakita ko lahat sayo ng resibo na to na ginawa kong hugis 'heart'  na sobrang kinagulat mo kase ishinape ko siya sa 'I love you, Happy First!' naalala ko rin na sobra kang naamaze sa ginawa kong yun na para sa akin di naman ganung maeffort, kaya nilibre mo ako ng limang large fries na sobra ko namang kinasaya.. Natawa na lang ako ng alalahanin ko yun.

Tinanggal ko lahat ng resibo at mga balat, ang sumunod na tumambad sa akin eh ang mga love letters ko, naalala ko noon araw araw kitang sinusulatan walang araw na wala kang letter na natatanggap sa akin dahil di naman din tayo magkaklase. Ako na ata ang pinakadesperadang babae nung mga times na yun, kase naiisip ko pa lang na may mga umaaligid sayo umiinit na ang ulo ko. Pero ang ginagawa mo lang sa akin eh palagi mo ko hinahalikan sa cheeks sa harap ng maraming studyante at ipinagsisigawan sa akin na ako lang ang mahal mo. Ang saya sa puso nun no? Ipinagmamalaki ka ng taong mahal na mahal mo sa harap ng maraming tao.

Bago pa mapunta sa iba ang mga iniisip ko eh tinanggal ko na lahat ng letters at sa sobrang dami di ko na alam kung may kasunod pa akong makikita.

Akala ko hanggang sa letters lang pero akala ko lang pala yun dahil bumungad sa akin ang Jersey T-Shirts nating dalawa. Natawa ako sa pangalan natin, yung sakin "Stupid" tas sayo "Idiot" hindi ko alam kung may pinagkaiba ba yan pero sabi mo para maging unique tayo eh ganyan ang pinalagay natin. Basketball player ka at ako naman eh Volleyball player. Ang daming nagkakandarapa sayong babae, at natatandaan ko pa noon eh halos parehas tayo ng oras ng game medyo una ka lang ng onti at ako ang sunod, manonood sana ako nun kaya lang pinagbawalan ako ng captain namin kaya di kita nabantayan nun, at sa sobrang asar at inis ko eh binuhos ko sa paghampas ng Bola ang nararamdaman ko. At dahil nakafocus ako sa paghampas ng bola eh di ko namalayan na pinapanood muna pala ako. Pagkatapos ng game namin eh nilapitan mo ko at pinunasan ang pawis ko. Halos magtilian ang mga kateam mate ko na di ko alam kung kinikilig ba sa ating dalawa o sayo lang. Pero halos lahat ng bad vibes ko nung time na yun eh nawala dahil sa kasweetang ginawa mo.

Last na bumungad sa akin eh isang sobre. Dilaw na sobre. Kinuha ko at binuksan at iniluwa sa akin ang dalawang disc na sa pagkakaalam ko eh Mixtape. Pumunta ako ng sala at inilagay sa player ang isang CD.

What's your Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon