Message

21 0 0
                                    

Okay na sana, ang saya saya ko na. Kinuha mo kase number ko plus may bati ka pa sakin san ka pa? Total kilig na diba? Nung kinuha mo number ko, syempre binigay ko kaagad syempre pagkakataon na eh. Matagal na kitang kilala di tayo masyadong close ng una at FB lang ang contact natin. Super naging crush kita at feeling ko ganun ka din sakin..

Inaantay kita magtext, nagpaload pa ako para kung sakaling magtext ka makakapagreply kaagad ako.

1min. 5mins. 30mins.

Wala ka pa ring text, magkakalahating oras na ako nakatunganga sa phone ko pero ni ha ni ho wala pa rin.

Gusto ko na nga matulog kase may pasok pa ako bukas pero baka pag natulog ako baka magtext ka edi di na kita marereplyan.

Mahigit 1 oras na nakalipas nganga pa rin ako... Sumuko na ako, inisip ko baka di mo balak ngayon magtext.. Inaassume ko na baka bukas ka magtext sakin..

Ready na ako sa pagtulog ng mag vibrate ang phone ko, dali dali akong umupo at kinuha ang phone ko.

May natanggap akong text galing sa unknown number ang sabi..

Hi still up?

Nagreply kaagad ako, kase inassume ko na ikaw yun. Wala pang 2mins ng nagreply ka.. Dalawang message pa. Binasa ko yung una.

"Sorry babe kung ngayon lang ako nakapagtext dami ko pa ginawa eh. :*"

Langya halos tumalon na puso ko sa sinabi mo, gumulong gulong pa ako sa kama sa sobrang kilig!

Sunod kong binasa yung pangalawa... na sana di ko na lang binasa.

"Sorry! Wrong send! Yup ako nga to. :)"

Halos madurog naman ang puso ko..

Parang gusto kong mainis sayo. Parang gusto kitang sabihan na "Ang bobo mo naman! Magtetext ka na nga lang wrong send pa" pero syempre di ko na lang sinabi. Nawalan na ako ng gana. Di na lang kita nireplayan ng gabing yun, at umiyak ako na parang ewan. Dahil lang sa message mo umiyak na ako.. Langya ang hirap talaga pag nagassume ka.

Kinuha lang ang number feeling crush ka na.

Never expect, never assume, and never demand. Just let it be. Para sa susunod di ka na umiyak.

What's your Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon