Sa pitong taon na pagsasama natin tinago ko sa dibdib ko ang nararamdaman ko sayo. Sa pitong taon nagtyaga ako na hanggang "kaibigan" lang talaga ako. Sa pitong taon paulit ulit ako sa sarili ko na kahit kailan di mo na ako mapapansin. Sa pitong taon tiniis ko na makita kang magkandarapa sa mga babaeng wala namang pagtingin sayo. Sa pitong taon pinilit kong hindi maiyak sa tuwing umiiyak ka dahil sinasaktan ka ng iba. Sa pitong taon kahit kailan hindi ako nawala sa tabi mo. At sa pitong taon na yun palagi akong humihiling na sana kahit isang beses mapansin mo ko, mapansin mo na nageexist din ako sa mga taong nagmamahal sayo, mapansin mo na kaya kitang alagaan, mapansin mo na wala namang limitation kung sino ang mamahalin mo, mapansin mo na sana kahit isa mabigyan lang ako ng chance..chance na magkaroon ng space diyan sa puso mo.
Kaya lang di ko alam kung sino ang madamot, ang tadhana ba o ikaw.. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong sisihin, ang puso ko o ang isip ko. At di ko rin alam na sa dinami dami ng option sa mundong ito bat mas napili ko pa na magstay sayo.
Hindi ko alam kung may hangganan pa ito, hindi ko alam kung aabot pa ako ulit ng isa pang pitong taon, hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa.
Pero siguro sa ngayon isa lang ang alam ko, mahal na mahal parin kita sa kabila ng pitong taon na yun.
BINABASA MO ANG
What's your Story?
Short Story"We might be the master of our own thoughts, still we are the slaves of our own emotions." - Anonymous