Definition

10 0 0
                                    

Ano nga ba ang "The One" para sayo?

Sabi nila ito na yung tao na makakasama mo ng pang matagalan. Yung iba naman yung masasabing "ito na yung pinakaworth it sa lahat" ng nangyari sa buhay mo. Yung iba the best gift na dumating sa buhay nila. At yung iba yung taong di mo aakalain na siya na pala ang "The One" mo..

Marami namang nagsasabi na wala naman talagang makapagsasabi kung ano at sino ang nakatadhana para sayo, yung tipong magugulat ka na lang na nandyan na pala siya sa harapan mo at magsasabihan kayo ng "Vows at I do's" na mapapasabi ka na lang na.. "Wow." Na kung dati pinapangarap mo lang, dati di ka pa naniniwala, dati inaantay antay mo pa, dati hinahabol habol mo pa pero in the end siya pala. Ang saya lang talaga sa feeling kapag ka ganun no? Well, that is a fact.

Pero marami rin ang nagsasabi na akala ko siya na si "The One" pero mali pala kase puro pain naman ang nararanasan ko. Na mali naman ako pagkakakilala sakanya. Na ang hirap niya pakisamahan sa lahat ng bagay. Na sa una lang pala siya ganun pero sa huli wala na. Na napagod din pala siya sakin.

Ang daming taong nagkakamali sa pinaka definition ng "The One" yung mga taong bitter ba..

Pero para sakin, minsan nakadepende naman yun sa mga taong nagmamahal. Kase magkakaiba naman tayo ng pagmamahal at binibigay na pagmamahal. So nasasayo rin kung paano mo madedescribe yung pinaka "The One" mo.

Para kase sakin, lahat ng taong dumarating sa buhay mo at minamahal mo eh "The One" para sayo.. (syempre maraming magrereact diyan, pero sabi ko nga nasasayo rin kung paano mo madedescibe ang para sayo) Why? Because "The One" is a person's destined life partner.

Lahat ng taong minamahal mo/minahal mo nakadestined para sayo. Lahat sila blessings para sayo. Lahat sila lucky one mo. Lahat sila may papel sa buhay mo. Bakit? Dahil kung di naman sila dumating sa buhay mo di mo naman mahahanap ang better sa best na hinahanap mo.

Tayo kase porket nasaktan o niloko or etc. Ang dami ng nasasabi about sa mga taong yun. Doon na nawawala ang tiwala, natatakot na mareject, galit na sa word na love, nagpapakamanhid na sa lahat. Minsan nga nagrerevenge pa sa mga taong nakasakit o nakaloko sakanila. Masyado kase tayong nagpapadala sa mga actions through emotions and feelings. Nawawala na ang "decisions". Love is not just feelings and emotion it is also a decision.

Nasayo naman kase ang sagot kung bat ka nasaktan o naloko. Maybe you're not good enough to him kase nga naghahanap siya ng best kesa sa better, maybe ang daming niyong bagay na pinapalaki kahit na ang dali ng solusyon o kaya naman sumuko na agad wala pa ngang laban.

Napakadaming tao sa mundo para maubusan ka ng taong magmamahal para sayo. 7 billion people ang meron tayo at minsan ang kailangan mo lang ay 1 tao.

Immature, fear, selfish, lack of confidence, bitterness. Isa sa kanila ang dahilan kung bat namamali ang definition ni "The One".

Immature - minsan kase wala pa tayo sa husto kung magisip kaya nakakagawa tayo ng bagay na di naman dapat. Nagiging padalos dalos tayo sa lahat. Akala mo okay pero di pala. Hindi natin maaccept sa mga sarili natin na may mga bagay na di maaari at maaari.

Fear - masyado tayong nagpapadala  sa takot. Hindi tayo nagririsk ng anumang bagay saatin. Every decision you make ay palagi mong kasama si 'fear" kaya palaging may 'what if's' kaya nagsesettle ka na lang sa isang place na alam mo sa sarili ko na walang patutunguhan.

Selfish - minsan nagiging makasarili tayo. Mas iniisip kase ang sariling kapakanan. Walang pakealam sa nararamdaman ng iba. Wala kang sinesettle kundi ang sarili mo.

Lack of confidence - kulang tayo ng lakas ng loob para masabi ang mga bagay na gustong iparating. Imbis na nagiging okay minsan nagiging malala.

Bitterness - masyado daw kaseng nasaktan kaya minsan nagpapakabitter na lang. Sa pagiging bitter imbis na magkaroon ka ng better mind at heart eh nagiging worst. Nawawala na sa tamang decision making.

I don't know if its right but base on my experience and sa mga advices sakin naging ganyan yung pananaw ko.

Ang "The One" eh hindi lang naman siya basta yung makakasama mo sa panghabang buhay. Sila rin yung mga taong nagbigay at nagdulot sayo para magising sa katotohanang merong better na paparating in every pain, every tears that you think you wasted, every heartbreak that you felt and last is doon sa bawat taong dumarating para sayo.

Always remeber na sila ay blessing kase palaging may lesson na dumarating na dapat mong matutunan para makilala mo ang sarili mo at kung ano ang tamang desisyon ang gagawin mo para sayo, hindi lang din para sayo kundi para sa taong sa bandang huli ay makakasama mo. And that is the meaning of "The One" for me..

What's your Story?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon