~
"Nakakapagod..."Kakarating ko lang sa bahay galing sa skwela at masasabi ko talagang na drained ang utak ko sa raming mga activities na ginawa namin, at may mga assignments pang ibinigay.
Nandito ako sa aking kwarto, nakahiga na nakatingin sa kisame.
Ito na naman ako, iniisip na tama ba? Tama ba ang kursong kinuha ko? Nasa tamang field ba ako? Nasa 3rd year college na ako sa kursong BSED major in English and hindi ko alam kung ito ba talaga ang gusto ko.
Noong una akala ko matutunan kong mahalin, pero bakit hanggat ngayon nagdadalawang isip parin ako? Bakit hindi ako masaya ?
"Anak, mag education ka. Yung ang kunin mo pag naging college kana, gusto kong may anak na guro", sambit ni mama sa akin habang nasa hapag kainan kami.
Napatitig ako sa kanya.
Education? Guro? Pagtuturo ? yung ba ang gusto ko?
"Ma, g-gusto ko sanang ..." Di pa man ako tapos sa aking sasabihin ay sumabat na si papa.
"Tama, yung nalang nak. Wala tayong pera, mas okay na yun Hindi masyadong magastos", sabi ni papa sa akin pagkatapos uminom ng tubig.
Napatitig ako sa mabasaging baso na wala ng laman na tubig. Mahirap lang kami, 3 kaming pinag aaral at ako ang panganay. Matanda na sila papa at mama, at kita kong nahihirapan na rin sila sa pagtaguyod naming magkapatid.
Magiging masaya ba ako sa pagiging guro? Oo at minsan ko na itong pinangarap noong bata pa ako, pero ito pa rin ba ang gusto ko hanggang ngayon? Bahala na. Matutunan ko rin naman sigurong mahalin yun, para kina mama at papa
"Jana ! ", Bumalik ako sa aking ulirat nang narinig kong tinatawag ako ni mama.
" Ano ba! Kanina pa kita tinatawag ah !", Sigaw ni mama.
"Opo, lalabas napo"
Paglabas ko ng aking kwarto, galit na tumingin sa akin si mama.
"Mag luto kana!", utos ni mama habang nasa sala at nanonood ng tv kasama ng 2 ko pang kapatid. Agad naman akong pumunta sa kusina at nagluto.
Iniisip ko kung anong gagawin at uunahin ko sa mga assignments ko na bukas rin agad ang pasahan ng biglang pumasok si papa para uminom ng tubig.
"Kakauwi mo palang pa?", tanong ko sa kanya. Tricycle driver si papa habang si mama ay nakatuka sa maliit na sari-sari store namin na nasa tabi rin lang naman ng bahay.
"Oo, may isda sa refrigerator nilagay ko. Lutuin mo nalang " utos ni papa. Tumango naman ako.
Pagkatapos rin ng gabing iyon ay ginawa ko lahat ng assignments ko at natulog.
~
WORK OF FICTION !
BINABASA MO ANG
Uncovering Peace (On-going)
Romance~ "In this world of uncertainty there is Jana Marie who will face all the circumstances and accept all the odds with a brave heart.." Do you wanna know more about Jana ? Come and join me to know her better. ~ Started on March 20,2021 End on ______