CHAPTER 7

16 6 2
                                    

~
Tinatanaw ko sila habang magkakalapit ang aming mga landas. Limang grupo rin pala sila. Dalawang babae at tatlong lalaki. Hindi ko sila kilala lahat ngunit familiar ang mga mukha dahil lagi ko silang nakikita noon pa man.

Pinagmamasdan ko sila, habang naglalakad.
Ang isang babae na nasa unahan siyang pinakaliit sa kanila siguro ay nasa 5"0 inch ang height, color brown ang kulay ng buhok hanggang dibdib na bagay rin sa kanya dahil maputi. Bilogan ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, maliit ang mga labi at matataas ang mga pilik mata at manipis na kilay, para siyang anghel kung tingnan dahil sa ganda ng kutis nito at soft rin ang feature ng kanyang mukha at mukhang mabait rin.

Katabi naman nito ang isang lalaking moreno, hindi masyadong mataas ang kanyang ilong pero nababagay naman sa kanyang mukha. Gwapo ito, hugis square ang kanyang mukha, may mga maliliit na pimples doon, may kapakalan ang kanyang mga kilay at naka messily slicked back hairstyle rin sya. Nasa 5"4 ata ang height. Seryoso at mukhang responsible naman ang kanyang awra.

Ang isang lalaki naman ay maputi rin, hugis puso ang kanyang mukha na naka  messy shaggy bangs, napatawa ako sa ideyang fan siguro ito ng kpop. May katangosan rin ang kanyang ilok, medyo singkit ang mata niya, maputi at makinis ang balat. Mataas siya na parang may lahi teka.... Tama! Para nga siyang koreano dahil sa kanilang lima ay siya ang pinakamatangkad. Kwela at palabiro ang kanyang awra, tila maloko ito masaya kasama at mukhang playboy rin.

Sa likod naman nila ay ang hinahanap ko ang isa pang-babae. Nakahawak ito sa mga braso niya at subrang magkalapit sila na  kung titingnan mo ay parang may relasyong higit pa sa magkaibigan. Bigla naman akong nakaramdam ng disappointment.

Disappointment? Para saan iyon?

Mataas ang babae dagdagan pa na naka heels ito. Hanggang leeg ang kanyang buhok na halatang pinakulot at pinakulayan ng light gold blonde. Matangos na may kaliitan ang mga ilong nito na siyang nagpapaliit rin ng mga butas nito,magkaibang sa akin na matangos rin naman ay medyo heart shape rin ang butas nito ng katulad ng kay Anne Curtis. Subrang soft rin ng feature ng mukha niya ngunit di katulad ng sa isang kaibigang babae, mas suplada at maldita ang dating ng awra niya. Makapal rin ang hugis ng bibig nito na hugis puso ngunit nababagay rin naman sa kanya. Bilogan ang kanyang mga mata, magaganda ito. Naka light make up rin siya na sa siyang nagpapaganda lalo dito.

Matagal ko silang pinagmasdan hanggang sa dumako ang tingin ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang kakaibang emosyon sa aking sarili sa tuwing nahuhuli ko siyang tinitingnan ako.

Noon paman ay matagal ko na siyang nakikitang pinagmamasdan ako ngunit isinawalang bahala ko nalang iyon, baka may iniisip lang siya at saktong sakin nakatingin ang mga mata niya pero hindi ang isip niya.

Ngunit iba ngayon, madilim ang tingin niya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo, ngayon ko lang napansin na  naka slanted sweep pala ang kanyang hairstyle, maitim na maitim ito.May kataasan rin, pangalawa siya sa may pinakamataas na height sa kanilang grupo.  May dimples rin pala siya, isa sa mga major turn on ko sa lalaki !

Pero di pwede dahil may girlfriend yan! Paalala ko sa aking sarili. 

" Ah, hi!", Bati ko sa kanila ng nasa harapan na nila ako.

Nakakunot naman ang mga noo ng tatlong nasa unahan, tila nag tataka kung ano ang Kailangan ko. Ang babae naman na nakahawak sa braso nung lalaki ay masungit akong tiningnan, nakataas ang isang kilay nito at halatang naiirita .

Yumuko naman ako dahil nakaramdam ng hiya, gusto kong umalis nalang ngunit nandito na ako at Kailangan ko ng isauli ang payong dahil nakakahiya na rin. Tumingala ako at sinulyapan ang aking mga kaibigan na nandoon parin sa aming pwesto kanina. Malayo man ay kitang-kita ko ang kanilang mga reaksyon na gulat, hindi siguro nila enexpect na totoo ang aking sinabi na pupuntahan sila. Kilala nila akong mahiyain, kaya subrang out of the blue ang ginawa ko ngayon.

"Pwede ba kitang makausap?", tanong ko sa lalaki na madilim parin ang tingin sa akin. Napalunok siya na siyang nagpagalaw ng kanyang adams apple at paglabas ng kanyang dimples. Nagtiimbagang siya, hindi ko alam kung anong iniisip niya. Forte ko rin ang mag obserba at magbasa ng ibang tao pero ang hirap niyang basahin.

" At bakit? Anong Kailangan mo sa boyfriend ko?", Tanong ng babae sa kanya.

So, totoo nga boyfriend niya ito. May relasyon sila, bigla naman akong nakaramdam ng sakit ng Hindi ko alam kung bakit.

Tiningnan ko ang lalaki, mula sa madilim at parang galit na mga titig ay tila lumambot ito.

Ang kasama naman niyang parang may lahing koreano ay biglang ngumisi na parang nang aasar,habang binabalingan ako ng tingin. Yung isang girl naman ay binigyan ako ng apologetic look dahil siguro sa ginawang katarayan ng isang kaibigan at ang isa naman ay tila parang walang pakialam.

Agad-agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang payong doon.

"Ah ito, isasauli ko. Hindi ko kasi nasauli ito noong araw na iyon dahil di na kita naabutan and kakapasok ko rin lang sa skwelahan", paliwanag ko habang nilalahad ko sa kanya ang payong. Kinuha naman ito noong isang lalaking na nadoon parin ang lokong ngisi nito. 

"Ah sige, miss. Salamat dito. Kristof nga pala",kunot noo naman akong nakatingin sa kanya, nagtataka ako kung bakit siya ang kumuha gayong hindi naman sa kanya iyon.

Ngumiti nalang ako as a response sa pagpapakilala niya. Hindi na ako nagpakilala dahil mukhang di naman na kailangan at dahil parang awkward na ako sa position ko ay nagpaalam na ako sa kanila.

Wala namang reaksyon ang lalaki at inirapan ako ng kasama niyang babae.

Dali-dali akong lumakad at nilampasan sila. After 20 steps ay huminto ako at tiningnan sila, wala na sila sa paningin ko. Nakahinga naman na akong maluwag.

Hinawakan ko ang dibdib ko sa may bandang puso. Grabe! Nakalimutan ko atang huminga kanina dahil sa kaba.
~
WORK OF FICTION!

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon