CHAPTER 3

31 14 3
                                    

~
Kiara : wer na u ? here na us.

Binasa ko ang message ni Kiara, isa sa mga kaibigan ko. Dali-dali naman akong kumilos dahil late na talaga ako. Alas otso ang klase ko pero pasado alas 6 na akong nagising, buti nalang ginising ako ni mama.

Me: omw. (On my way)

Reply ko sa kanya.

"Ma! Alis na ako ! ", Paalam ko sa aking mama habang palakad-takbo.

Putcha naman ang mga tricycle oh, ngayon pa talaga wala. Paniguradong wala rin si papa para maihatid ako dahil mamaya pa yong alas nyebe makakauwi.

"Manong, para .. . sa IIS po" tawag ko sa tricycle driver at agad sumakay sa tricycle.

"Kumustang marathon?", biro sa akin ni Kiara ng umupo ako sa tabi niya.
Agad naman akong sumimangot.

"Oh ! Ayusin mo yang sarili mo.", Binigay ni andy sa akin ang isang suklay at salamin. May 10 minutes nalang ako para mag ayos bago mag bell, buti nalang mataas ang mga binti ko at malalaki ang hakbang ko kaya hindi ako masyadong na late.

Nag-kwekwentuhan naman sila habang inaayos ko ang sarili ko at kinakalma ang sarili dahil nakakapagod tumakbo galing gate papuntang room na may kalayuan din.

Nang pumasok ang professor namin ay nag-sitahimik naman kami at nakinig.

" Gala tayo? May 3 hours pa tayo bago ang klase ", yaya ni Andy samin. Tumingin naman ako sa kaniya at sa panahon, mainit.

"Kayo na muna,pupunta pa akonh library eh", sagot ko sa kanya. Umirap naman siya.

"Ano ba naman yan, palagi ka nalang may excuse Jana. Library ?! Ano gagawin mo dun? ", singhal niya sa akin. Napangisi naman ako, totoo naman dahil sa tuwing may galaan ay hindi talaga ako sumasama at nakakasama dahil sa busy ako minsan rin ay tinatamad ako.

"Mag pa pa aircon ", ngisi ko at kinindatan siya.
"Bye guys ! Enjoy !", Dagdag ko at umalis na.

Habang nagbabasa ay may pumasok na grupo mga BS- Psychology students. Naramdaman ko naman ang galak ng makita sila maging ang uniforms nila. Naka all white sila na parang pareho sa mga Nursing student, ang mga babae ay naka skirt na white at plain na blouse na may bulsahan sa ibabang bahagi sapat na malalagay ang kanilang dalawang kamay. Habang ang mga lalaki naman ay all white din, pants, top maging ang mga sapatos nila.

Naramdaman ko naman ang lungkot at panghihinayang sa puso ko, mula sa nagagalak na ngiti ay biglang lumungkot ang nadarama, biglang nangilid ang mga luha sa aking mata.

Isa sana ako sa kanila ngayon, kasama rin sana nila ako ngayon. BS- Psychology, ang kursong gustong-gusto pero dahil sa Education ang gusto nila mama at papa, wala akong nagawa. Bago pa tumulo ang mga luha ko ay agad naman akong yumuko at iniwas ang tingin. Pero ng pag angat agad ng akin tingin, ay nakita ko na namn siyang naka titig sa akin...

Di ko man siya kilala pero alam ko dahil napapansin ko ang lagi niyang pag mamasid sa akin.
~

WORK OF FICTION !

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon