CHAPTER 5

21 11 10
                                    

~
"welcomeee back !! Namiss ka namin ", bati sa akin ng mga kaibigan ko pagpasok ko ng room. Maaga pa kaya wala pa ang professor.

Loko akong nakangiti sa kanila. Si Kiara may hawak na papel na may naka sulat na "Welcome", si Andy naman sa papel na may nakasulat na "back!", at si Mariz at Crizha ay pumapalakpak pa.

"Baliw...", Komento ko sa kanila.

"Parang di niyo binisita kahapon, ah?", Dagdag ko pa.

Dalawang araw kasi akong absent. Matapos ang insidenteng nangyari sa parke, kinagabihan ay inapoy ako ng lagnat. Mahina lang kasi ang immune system ko kaya madaling madapuan ng sakit.

Nang nalaman ito ng mga kaibigan ko ay nag-alala sila, at binisita ako sa bahay pag free time namin para narin pakopyahin ako ng mga notes.

"kahit na ! Iba parin pag nasa klase ka no? Kasama namin", giit ni Crizha sa akin.

Napangiti naman ako, nangigilid ang luha sa aking mga mata habang nakayuko. Ayaw kong tumingala dahil ayaw kong makita nila ang pagiging emotional ko.

Masaya ako, masayang-masaya ako sa sinabi niya dahil na appreciate rin pala nila ang presence ko. Dahil siguro neutral friend ako, mas close kasi sina Kiara at Andy, si Mariz naman at Crizha kaya minsan nararamdaman ko na parang di ako belong sa kanila.

Ayaw ko ng pakiramdam na iyon pero ang hirap hindi mag overthink lalong-lalo na at yun naman talaga ang forte ko.

"Thank you", whole-heartedly kong sinabi sa kanila.

Saktong pumasok ang guro namin kaya nag siayos narin kami ng upo.

" Get 1/4 sheet of paper ", bati sa amin ng His003 prof namin.

Napaawang naman ang mga kaklase ko, hindi inaasahan ang pa surprise quiz ni ma'am. Buti nalang at wala kaming subject sa kanya nung mga araw na absent ako kaya wala akong na missed sa past lesson namin.

"Janajang, papel",bulong sa akin ni Kiara.

Napatawa naman ako dahil sa aming magkakaibigan siya lang talaga ang hindi bumibili ng papel dahil para sa kanya...

"aanhin ko naman ang papel kung meron naman ang katabi ko".

Agad-agad ko namang binuksan ang aking bag nang makita ko ang maliit na payong doon.

Naaalala ko naman siya. Ang matipunong katawan, ang biceps na tila matitigas, ang mapupulang labi, ang makinis at maputing balat, ang mukhang may mga maliliit na nunal na nag papaperpekto nito, ang mga matang tila nangugusap at kay gandang pagmasdan...

" No. 1... ", sigaw ng aming prof.

" Jana ! Daliii ", takot na sabi ni kiara. Agad-agad ko siyang binigyan at nagsulat ng pangalan habang nakikinig sa question ni ma'am.

"Pakopya ha?", habol ni Kiara.

Tingnan mo 'to. Ako na nga ang nagkasakit na obviously walang aral, sakin pa mangongopya natatawa kong isip habang sumusulat ng answer at hinayaan siyang mangopya habang pinag mamasdan si ma'am. Lagot na pag mahuli, automotic 5 ang grade pa naman.
~
WORK OF FICTION !

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon