CHAPTER 15

14 1 2
                                    

~
Pagkababa ko ng tricyle ay agad kong tiningnan ang aming tindahan hoping na nandoon si mama nagbabantay.

Bumuntong hininga ako ng makitang open ito, meaning lumabas na si mama sa kwarto.

Natatakot kasi talaga ako na baka hindi niya kayanin ang pag-alis ni papa.

Lumapit ako doon at sinilip kung sino ang nagbabantay, nang makitang si Jeia iyon ay pumasok na ako sa bahay.

"Andito na ako", sigaw ko to aware them.

"Ate! Nandiyan ka na pala. Snack gusto mo?", bati sa akin ni Shawen.

Tiningnan ko siya, maaliwalas ang mukha niya tila walang problema.

Nilibot ko ang paningin sa bahay saka bumalik ang aking mga mata sa kanya.

"Si mama?", kabadong tanong ko.

"Lumabas ate, bibili daw siya ng ulam natin", sabi niya sa akin ng nakangiti pero alam ko, bakas sa kanyang mga mata ang sakit roon.

Naluluha naman ako.

"S-si papa?", umaasang tanong ko. Na sana bumalik na siya, na sana umuwi na siya, na sana namamasada lang siya.

Yumuko naman ang kapatid at umiwas ng tingin.

"H-hindi umuwi ate, eh", sagot niya sa akin sa mababang boses.

Tumango naman ako at mapait na ngumiti.

"Magbibihis lang ako", paalam ko sa kanya.

Napasandal ako sa pinto ko nang na isarado na ito, agad namang tumutulo ang mga luha ko.

Mabigat pala sa pakiramdam pag alam mong may kulang sa bahay, pag alam mong pag-uwi mo wala yung taong inaasahan mong makikita mo pag-uwi mo. Mabigat pala sa pakiramdam pag alam mong ang dating kompleto niyong pamilya ay natibag na.

"Nasaan ka na papa?", tanong ko sa kawalan.

Alam kong nandoon siya kina lola gaya ng sabi ni Shawen, sa Zamboanga City naka tira sila lola malayo sa amin.

"Sana umuwi kana pa", sabi ko hoping na dalhin ng hangin papunta sa kanya ang mga sinabi ko.

Dahil sa pagod- mentally, physically and emotionally maaga akong nakatulog ng hindi man lang kumain at cheneck ang mga notes ko for a review.

Bahala na.

Alas otso na ng umaga at nandoon ako sa kusina kumakain ng breakfast ng pumasok si mama.

Walang nagsalita sa amin, parang ang awkward, parang nakikiramdaman kami sa isa't isa.

Nagtitimpla siya ng kape at naka side view siya sa akin. Tinititigan ko ang mukha niya iniisip kung kumusta na siya at kung anong mali sa kanya.

Hindi kami subrang close ni mama to the point na magsasabihan ng problema. Kita sa mga mata ni mama ang puyat, maging ang eyebags nito ay malaki na.

Nakaramdam ako ng kirot habang tinitingnan siya, babae rin ako kaya alam ko ang nararamdaman niya.

Nasaktan ako bilang anak at alam ko nasaktan rin si mama bilang asawa. Ang daming tanong sa isip ko,gustong-gusto Kong makakuha ng sagot pero ayaw kong magtanong.

Natatakot ako.

Kasi what if totoo? What if ang iniiwasan kung sagot ay iyon talaga ang sagot?

"Ma?", Tawag ko sa kanya.

Tumigil ito sa paghahalo ng kape niya at tumingin sa akin saglit saka bumalik sa ginagawa.

"Bakit?", sagot niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon