~
" Ang doga talaga ni ma'am, di man lang nag inform na may suprize quiz pala !", reklamo ni Andy.Nandito kami ngayon sa ilalim ng punong mangga nakaupo sa bench sa harap ng soccer field ng paaralan namin.Kakatapos lang ng aming klase at dali-dali kaming pumunta dito para tumambay.May isang oras pa kami bago ang susunod naming klase, block section kami kaya pare-pareho lang kami ng schedule lahat.
"tanga ! kaya nga surprize quiz dahil surprize.", sagot ni Crizha sa kanya at binatukan ito.
'' WOW ! talino ka? ilan ba score mo, ha?!", panghahamon ni Andy sa kanya.
Ngumuso naman si Crizha habang kami ay naiiling at natatawa. Sila talaga ang palaging nag-aaway sa amin, wala namang kaso dahil alam naming biro-biroan lang naman.
"sabi ko lang surprize quiz kaya dapat surprize ! Wala akong sinabi na score ha?", tampong saad ni Chriza.
Napatawa naman kami lahat. 2 lang kasi ang score niya out of 20 items, Si Andy ay 5 gaya ni Mariz at 15 naman kami ni Kiara. Ganun talaga mas effective pag dalawang utak ang gagamitin pag may quiz.
Napalinga-linga ako sa pathway maging sa ibang bahagi ng paaralan na makikita mula dito sa pwesto namin, umaasa na sana'y makita siya at maisauli itong payong na naiwan niya.
''Ang gwapo talaga nila, no?'', rinig kong sabi ni Kiara. Di ko naman sila binalingan dahil busy ako sa paghahanap sa kaniya.
'' Akala ko nga mga Nursing students e, BS-Psychology pala''.
Agad akong bumaling kay Mariz ng marining ang kursong iyon, tiningnan ko naman ang tinutukoy niya nagbabakasaling ang hinahanap ko ang tinutukoy niya.
Umusbong na naman ang kakaibang nararamdaman sa puso ko ng makita siya. Kakalabas lang nila ng library, bakit di ko kaya agad naisip iyon na posibleng nandoon rin sila.
'' Ang studious nila ', wala sa sarili kong komento.
Binalingan ako ni Mariz habang ang tatlo ay nakapokus ang mga mata sa kanila.
''Talaga !", pagsang-ayon ni Mariz sa akin. '' Balita nga na araw-araw sila may quiz at activity sa lahat ng subject, eh", dagdag niya pa. Umusbong naman ang kuryosidad sa aking sarili.
Kung sakaling nandiyan rin ako sa field na yan, paniguradong ma e-stress ako di panaman ako mahilig mag-aral. Napatawa ako sa kaisipang mas mabuti narin pala na di ako natuloy.
''mukha kang baliw, Jana", saad ni Crizha sa akin. Ngumuso naman ako at yumuko, napahiya sa pahayag niya. Nahuli pala nila ako.
Hindi nila alam na pangarap ko ang ganyang kurso dahil natatakot akong ma judge at sabihan ng feelengira dahil alam ko naman di ako matalino para diyan kaya tumahimik nalang akong nakikinig sa kanila.
''Kakapagod naman nun!'', komento naman ni Kiara. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Nag-uusap pa sila, habang ako ay iniisip kung paano ko siya mamalapitan para ibigay ang payong niya.
Sikat pala sila sa campus ? Di ko alam iyon, ah. Napailing naman ako.
'' Wait lang girls ha?" , paalam ko sa kanila sabay tumayo at naglakad palayo. Sasalubungin ko sila dahil iyon lang ang paraan para magawa ko ang plano ko.
''Huy! Saan ka ?!'', sigaw nila sa akin. Ngumiti lang ako at tinuro sila, ipahiwatig na pupuntahan sila.
Ngumiti naman sila Crizha at Mariz ng nakakaloko tila nang-aasar samantalang si Andy at Kiara ay matalim ang mga tingin na tila may kasalanan akong nagawa at kailangan kong mag-explain.
~WORK OF FICTION !
BINABASA MO ANG
Uncovering Peace (On-going)
Romance~ "In this world of uncertainty there is Jana Marie who will face all the circumstances and accept all the odds with a brave heart.." Do you wanna know more about Jana ? Come and join me to know her better. ~ Started on March 20,2021 End on ______