CHAPTER 14

12 3 0
                                    

~
Yung feeling na bigla ka nalang magising at mapamulat sa iyong mga mata habang nag fla-flashback sa iyo ang pinaka masakit na nangyari  sa buhay mo.

Si mama. Si papa. Ang pamilya ko.

Agad-agad akong bumangon,nilibot ko ang mga mata ko. Nasa kwarto na pala ako, tiningnan ko ang oras, alas syete na ng umaga may three hours pa ako bago para morning class ko. 

Dali-dali akong bumaba sa sala, ramdam ko ang kaba sa aking dibdib.

Naabutan ko si Jeia at Shawen na nag-lilinis sa mga bubog, subrang tahimik ng bahay. Tila nakikisimpatya ito sa amin.

"Jeia ! Shawen! ", tawag ko sa kanila while nag ha-half-run.

"Bakit nandito pa kayo? Mag prepare na kayo at pumasok na sa school!", sabi ko sa kanila.

Narinig ko ang paghikbi ni Jeia.

"Pwede bang absent muna kami kahit ngayon lang,a-ate?", pakiusap niya sa akin.

Nakaramdam naman ako ng awa para sa mga kapatid ko. Agad namang nangilid ang mga luha ko sa mata, tumango ako dahil naiintindihan ko sila.

"Ako na lang diyan, magpahinga na muna kayo", pag che-change topic ko at kinuha kay Jeia ang walis saka lumapit kay Shawen. 

"S-si papa?",bulong ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumigil sa ginagawa niya, yumuko siya bumuntong hininga.

"Umalis na siya, ate. Kela lola muna daw siya", sagot niya sa akin which I doubted? Kela lola ba talaga or sa iba niya?

"How about mama?", Tanong kong muli.

"Nasa kwarto, ate. Hindi parin lumalabas", nakaramdam ako ng kaba sa narinig ko.

Wala naman sigurong gagawin si mama na ikapapahamak niya diba?

Ito na naman ako sa negative thinking ko. Bago pa ako malunod sa pag iisip at sa nararamdaman ko, nagpatuloy na ako sa paglilinis.

I keep myself busy doing the household chores para e divert ang pag-iisip ko. After doing the chores ay mag ha-handa na ako para pumasok.

"Shawen, ikaw muna bahala kay mama at Jeia ha? Papasok lang muna ako", sabi ko sa kanya habang nararamdaman naman ang pangigilid ng luha sa aking mga mata.

"You sure, ate? Mag pa hinga ka muna ate. Sa bahay ka na muna", concerned na sambit sa akin ng kapatid ko.

Umiling naman ako.

"Hindi pwede, may long quiz kami ngayon e.", Explain ko habang pinipigilan na tumulo ang mga luha.

Totoo naman may long quiz talaga kami ngayon at sana lang maalala ko ang mga lessons na nireview ko simula pa nung isang araw.

Agad akong pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Punong-puno ng luha ang mga mata ko, kahit gusto ko silang pigilan, ayaw paring sumunod. Magang-maga na ang mga mata ko pero hindi ito ang makapag-papatigil sa akin para pumasok sa klase.

Nasa pathway na ako ng school ngayon, tawang-tawa ako sa sarili ko dahil kahit sa tricycle hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko buti naman at hindi ako napansin ng driver. Sinadya ko talaga na sa backride umupo para walang makapansin sa akin.

Nang malapit na ako sa room, agad kong pinahid ang mga luha sa aking mga mata at tiningnan ang sarili gamit ang camera sa cellphone.

Ngumiti ako.

"Kaya mo ito, Jana! Strong girl ka. Naniniwala ako sa iyo", pag che-cheer up ko sa aking sarili.

Nang pumasok ako sa room ay nandoon na ang mga friends ko at iba pang mga kaklase ko, busy sila sa pag rereview.

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon