~
Kakababa lang naming ng tricyle sa harap ng gate ng IIS, galing kami ng mga kaklase ko at iba pang education student sa Diplahan National High School, isa sa mga paaralan sa mga probinsiya ng Zamboanga Sibugay.Nag observe kasi kami which is part ng curriculum para e ready narin kami para sa gagawin naming OJT next year.
''Grabe ang panahon, nakisabay sa hotness ko!'', tugon ni andy habang pinapaypayan ang sarili habang nag hihintay na matapos mag log in yung isa naming kasama. Tumawa naman yung iba pa naming kasabay habang kaming mga kaibigan niya ay ngumiwi.
Sanay na kami sa pagiging kalog ni Andy kaya hindi na bago sa amin ito.
''Sana all'', komento ng isang guard na naka bantay sa entrance ng gate. Tatlo ang nakaupo sa entrance habang dalawa naman sa exit, bali sa gitnang bahagi ay ang gate na na dinadaanan ng mga sasakyan.
Pagkatapos naming mag log in ay napagpasyahan naming pumunta sa cafeteria, may isang oras pa naman kami para sa isang klase namin na major.
"Hala, ang mga psychology student!", Puna ni Kiara, naging alerto naman kami at tumingin sa harap.
Mga grupo sila ng studyante, hindi sila familiar sa akin pero lahat naman hindi familiar sa akin. Nag kibit balikat ako at kinuha ang cellphone ko.
"Teka lang, baka nandiyan si Kristof,"tumingin naman ako kay Andy habang kinukuha niya ang mini mirror niya at foundation sa bag.
Atapang-a-tao, di na nahiya sa pathway pa talaga andy?
"andun sila, sa likuran!", Impit ni Mariz, kinurot naman siya ni Chriza at binatukan ni Kiara.
"Ang ingay-ingay mo, marinig ka niyan. Nakakahiya", suway ni Chriza sa kanya.
Ngumuso naman siya at nag peace sign. Lumampas na sa amin ang iba pang psychology student, kaklase pala nila yun? Siguro galing sila sa cafeteria.
Malapit kasi sa gate ang building nila, kaya kung minsan pag may klase sila, or pag pumupunta sa Cafeteria na malayo talaga sa building nila ay nakaka amazed tingnan pag naglalakad sila sa pathway na puro naka puti.
Tumingin ako sa harapan, magkakasama naman silang lima. Di kagaya ng dati sina Sandra at Xander ang nasa ulihan habang nauna naman sina Kristof, Jake at si Yenna.
Nagpanggap akong busy sa phone para kunwaring walang pakialam habang yung mga katabi ko lalong-lalo na si Andy ay tila mangingisay na sa kilig.
Pero sa di inaasahang pagkakataon, unintentionally kong napunta ang mga mata sa kanila na subrang lapit na nila.
"Yow Jana!", bati sa akin ni Kristof habang sumasaludo.
Sa kanilang lima, Hindi ko alam kung paanong siya ang pinili ng mga mata ko. Nagulat naman ako dahil it is very unexpected.
Binati niya ako? Totoo ba? Kilala niya pa name ko kasi from the last time, I remembered I didn't bother to tell my name to him.
Ramdam ko ang pagkatahimik ng mga katabi ko, I know maging sila hindi rin nila inexpect na ang isang Kristof hye ay babatiin ako?
Out of respect ay tumango naman ako sa kanya at ngumiti bilang ganti sa pag bati niya.
Pero traydor ata ang mga mata ko ng dumako ito sa isang lalaking palaging nag bibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Saya. Lungkot. Excitement. Di ko alam. Halo-halo.
Ramdam ko ang mga titig niya, kaya ng dumako ang mga mata ko sa kanya at sa muling pagtagpo ng aming mga mata ay nakaramdam ako ng sakit.
Nakakunot ang kanyang mga noo, tila magkakasalubong na ang mga kilay at ang dating masasarap at malumanay na mga mata ay ngayon ay tila galit na ang mga ito.
Dahil sa hiya ay agad akong umiwas ng tingin at yumuko.
Nang makalampas sila ay agad nag hiyawan ang mga kaibigan ko.
"wahhhh! Ano yun, jan? Close kayo ni Kristof ? Bakit wala ka man lang sinasabi sa amin. Huhuhu crush ko pa naman yun pero sige sayo na. Pero rega-", sunod-sunod na sambit ni Andy. Kahit kailan talaga tong babae to.
"Andy!", Tumigil lamang siya ng sinuway ni Kiara.
"wala lang iyon, tsaka di kami close. Di ko nga enexpect yun, e", paliwanag ko sa kanila.
"Pero namumula ka ibig sabihin kinikilig ka ! Ibig sabihin crush mo siya?!", Pag conclude ni Chriza.
Teka? Wait-
Obviously kung namumula man ako siguro dahil sa hiya hindi dahil sa may Crush ako kay Kristof kaya no way!
Oo gwapo siya pero ng nalaman ko na crush pala siya ni Andy, Auto pass na iyon sa akin. Meaning hindi ko na dapat siya gustohin o kung ano man.
I always value friendships, our friendship kaya kung maaari iiwas at iiwas talaga ako sa mga bagay na pwedeng ikasira namin.
"Crush mo si Kristof , Jan?!", Sigaw ni Andy. Nagulat naman ako sa sinabi niya, nasa pathway kami. Nakakahiya kung may makarinig man baka akalain na totoo.
"Huy!", Agad ko siyang sinuway. Tumingin ako sa likuran ko hoping na wala na sila but to my surprise napatigil sila sa paglalakad and from that moment I already knew they heard everything.
Nakangisi ng loko si Kristof na tila proud na proud, si Sandra naman ay napangiti na tila natutuwa sa mga narinig or baka sa kakulitan ni Andy, si Yenna naman ay tiningnan ako na tila sinusuri ako, oo nga pala mag pinsan sila. Habang si Xander ay napatawa sabay tapik sa balikat ni Jake.
Nagdadalawang isip akong tingnan siya, nakakatakot ang mga mata niya kanina.
At ayaw ko na muling makita ang mga mata niyang ganoon ang pagtitig sa akin. Gusto ko yung mga titig niya noon tila humahaplos sa aking puso.
Gaya nga ng inaasahan ang kaninang kumunot na mga noo ay mas lalong kumunot ito, ang mga kilay na ilang purgada nalang magkakasalubong na. Nag tiim bagang siya at lumunok, nandiyan na naman ang visible niyang adams apple.
Tiningnan ko siyang muli sa mga mata niya, tila nabuhusan ako ng tubig ng mabasa ito.
Disappointment.
Para saan?
Tila nabasa niya ang iniisip ko, dahil umiling ito at naunang maglakad sa kanila, sumunod naman agad ang mga kaibigan niya.
Inirapan ako ni Yenna, wala namang reaksyon si Sandra, tumango lang si Xander at sumaludo naman muli si Kristof.
Hindi ko na iyon pinansin, sabihin na na walang modo pero ayaw ko na iisipin niya na totoo ang conclusion ng friends ko.
"Tara na, guys", tanging sambit ko.
Tumingala ako sa langit na asul na asul. Ngumiti ako.
"Ang ganda mo", sambit ko sa kanya na parang maririnig niya at nagpatuloy sa paglalakad habang ang apat ay marami paring mga tanong na ibinabato sa akin.
~
WORK OF FICTION!
BINABASA MO ANG
Uncovering Peace (On-going)
Roman d'amour~ "In this world of uncertainty there is Jana Marie who will face all the circumstances and accept all the odds with a brave heart.." Do you wanna know more about Jana ? Come and join me to know her better. ~ Started on March 20,2021 End on ______