CHAPTER 8

21 6 0
                                    

~
"explain", sabay sabi ng apat. Nakatitig sila sa akin na punong-puno ng kuryosodad ang mga mata.

Nasa bakanteng room kami ngayon, agad ko kasi silang tenext kung nasaan ako at agad-agad naman silang pumunta.

Nakaupo ako sa upuan habang sila ay nasa harapan ko na nakatayo animoy mga mean girls at binubully ako.

Binigyan ko sila ng pampaawang tingin.

Inirapan ako ni Mariz at umupo sa katabi kong upoan.

"Hindi yan uubra, Jana. Ano? Ano yun?", Tanong niya sa akin.

Umiiling naman ako bilang sagot tsaka ngumiti.

"Hindi ba kayo nagugutom, tara kain tayo?", pag-iiba ko ng usapan. Alam ko namang wala lang iyon, nahihiya lang ako mag share.

Naaalala ko kasi yung mga araw noong nasa high school palang ako, lahat ng nangyayari ko sa buhay ko ay ibinabahagi ko sa mga kaibigan ko, akala ko okay lang, akala ko tama yun pero isang araw iba na tingin nila sa akin, nalaman ko na lang pinag uusapan na nila ako behind my back na puro negative, na lahat nalang daw sinasabi ko kahit di naman importante, na ang oa ko, ang drama ko at sinasabi rin sa iba ang dapat sa kanila ko lang pinaalam.

I felt betrayed that time, subrang nasaktan ako to the point na nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko even sa mga kaibigan.

Pero takot akong mag-isa gustohin ko man na wag nang makipaghalubilo pero di ko kinaya.

Noong first year college ako naging aloof ako sa mga kaklase ko, akala ko makakasurvive ako pero di pala. Ang hirap to the point na araw-araw akong nag ooverthink na baka pinag uusapan nila ako, pag nakikita ko silang nag tatawanan tumataas yung anxiety ko, nawalan ako ng gana, lumala insomia ko. Wala akong makausap, wala akong mapagtanungan sa mga lessons, bobo ako pero ayaw kong bumagsak iniisip ko lang yun nag ooverthink na naman ako.Gabi-gabi umiiyak ako, lumala pa na pakiramdam ko pabigat ako sa parents ko. 

Doon ko na realize sa college di lang pala talino dapat Kailangan mo ring makijoin sa iba. Hindi ka dapat makipag compete sa mga kaklase mo, dapat e enjoy mo lang, magtulungan dahil ang pagiging college ay hindi sa kung sino ang matalino at magaling, it's all about survival.

Kaya sa second sem. ginawa ko ang lahat, tinuruan ko ang sarili kong magtiwalang muli, nakipag kaibigan muli, I catch up with them and luckily may tumanggap sa akin. Pero dahil natuto na ako, mas pinipili ko nalang na manahimik kaysa magsalita.

"Wag kang mag change topic diyan Jana ! Ano ba yan, pa chika lang e", ngumusong sabi ni Andy.

Tiningnan ko sila isa-isa, hindi naman siguro big deal yung ginawa ko? Hindi naman siguro ako mapapahiya nito if ever ipag kalat nila? Yes. Even with them na bago kong mga kaibigan wala pa rin akong tiwala.

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Wala iyon. Di naman importante, isinauli ko lang payong niya", pagpapaliwanag ko.

"PAYONG? KANINONG PAYONG?!", sabay na sagot nila.

Nagulat naman ako sa naging reaksyon nila. Hindi ko ma gets kung bakit parang big deal yun?

Dahil sa atat na atat silang malaman ang totoong nangyari, sinabi ko na rin sa kanila lahat ng nangyari mula sa parke ng araw na iyon.

Kung ang high school na Jana siguro ang nagsasalita ngayon siguro mula sa simula sinabi niya kung ano ang dahilan kung bakit nandoon siya sa parke, details by details. Pero natuto na ako, hindi na ako kagaya ng batang Jana, alam ko na ang limitasyon ngayon, alam ko na kung ano ang dapat at hindi Kailangang e share.

"You don't know them, no?",tanong ni Kiara pagkatapos kong magsalita. Tumingin naman ako sa kanya, iiling na sana ako ng magsalita si Crizha.

"Malamang! Si Jana pa, observant yan pero wala namang pakialam", napatawa ako.

Tama naman, mahilig akong tumingin sa mga tao to observe them hindi para maghanap ng mali kundi sa mga emosyon na pinapakita nila. Sa tuwing tumatawa sila, totoo bang masaya sila? Sa bawat galaw na ginagawa nila, sa bawat disisyon nila tinitimbang ko iyon sa aking isipan, kung tama ba o mali ng walang panghuhusga.

Pero kahit na ganun wala parin akong pakialam. Nakakalimutan ko lang after.

"Innocent bebe natin to uyy !", Habang tinatapik ni Mariz ang balikat ko. 

Minsan di ko rin gets pinag sasabi nila about sa akin.

"Lutang kamo!", dagdag naman ni Andy. Napatawa naman kaming lahat sa sinabi niya, di ko ikakaila na maraming mga oras na lutang talaga ako.

Pero napaisip ako sa sinabi ni Kiara, I don't know them? Oo hindi ko sila kilala aside sa nakikita ko sila minsan, pero di ko alam mga names nila. Tumingin ako sa kanya, sa kuryosodad ay nagtanong ako.

"Bakit kia ? U knew them?", Kumuha naman siya ng isang upuan at umupo sa harap ko.

" Beh, alam mo bang mga sikat iyon dito? May nakikita kabang lumalapit sa kanila ? Kung sa bagay, mamahalin yun beh! Babasagin!", Explain ni kiara. Napangiwi naman ako.

Talaga ?di ko alam iyon ah.

"Ako na ang mag papakilala sa kanya!" Excited na presenta ni Andy.

Told yah, marami siyang alam, marami siyang kilala. 

"Naalala mo si mala koreano?", tanong ni Andy sa akin. Binalingan ko siya, naalala ko ang tinutukoy niya. Yung pinakamataas sa grupo na playboy ang dating kaya agad naman akong tumango.

"Crush ko 'yon", dagdag niya sabay tumawa.

Baliw.

"Seryoso iyon si Kristof Hye, half-korean yung mama niya pinay pero dids na pero mabait yun mukha lang playboy", Paliwanag ni Andy. Agree naman ako sa mukhang playboy.

"Tapos, tapos di pa tapos ! Yung mataas na girl? Si Yenna Juan pinsan niya sa side ng mama niya. May gusto iyon kay JM, kaya wag kang lumalapit dun dahil war freak iyon, mataray at GGS gandang ganda sa sarili! Palibhasa mayaman kaya spoiled", dagdag niya pa. Halata namang mataray iyon, tinarayan nga ako ng wala namang ginagawang masama e.

"tapos si Jake Markjude Enriquez, haysss", may halong pagpapantasyang sabi.

"crush iyon ni Mariz", Pagbubuking niya. Nagulat naman kaming lahat maging si Mariz, hindi niya inaasahan ang Pagbubuking sa kanya ng kaibigan.

I felt cringe, tama bang sinabi niya iyon na walang signal?

Hinampas naman siya ni Crizha.

"Gago ka wuy! Noon pa iyon first year", depensa niya. Nagtawanan naman silang lahat.

Stop, Jana. Wag ka mag overthink. Kalma. Halatang okay lang kay Crizha ang ginawang biro ni Andy. Kalma.

Pinapakalma ko ang aking sarili. Na trauma ata ako ha?

Nagpatuloy naman akong nakikinig sa kanila.

"Eh, bakit? May sinabi ba akong hanggang ngayon ha? Defensive mo teh", sambit ni Andy. Umirap naman sa kanya si Crizha at binilatan ito.

"So, iyon nga. Anak iyon ng President ng IIS beh. And kung naaalala mo na alam ko namang hindi, siya yung partner ko na nanalo sa Mr.& Ms. IIS", paliwanag sa akin ni Andy. 

Talaga ? hindi ko alam iyon ah. Si Andy lang naalala ko sa lahat ng mga candidates.

Pero napaisip ako, wow. Anak ng President ng school? Yamanin. Pero bakit kaya siya nasa parke ng araw na iyon? Bakit niya binigay sa akin ang payong niya sa dami-daming mga taong tumatakbo doon maging ang mga bata?

Bago pa ako mag overthink ay yinaya ko na silang mag early lunch na agad namang sumang-ayon dahil gutom narin daw sila. Buti di na pumasok ang next prof namin.

Pinag patuloy naman ni Andy ang pagpakilala sa dalawa habang naglalakad kami,yung medyo maliit ay si Sandra Kianni Matzuka, Bestfriend ni Yenna tapos yung lalaking seryoso na tila walang pakialam ay si Xander Andrew Cruz, medyo seryoso rin sya pero mabait. Sa kanilang lima siya lang ang scholar student kababata nung Jake, sila talaga daw dalawa talaga ang mag kaibigan mula pa noon.
~
WORK OF FICTION !
~
Share me your thoughts pls ♥️

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon