CHAPTER 4

28 12 5
                                    

~
Ang sama ng panahon na tila nakikisabay sa sakit na aking nadarama.

Nandito ako ngayon sa parke,kahit madilim na ang ulap at tila ay uulan pa umalis ako sa bahay dahil nakakabingi pakinggan ang pag-aaway nila mama at papa.

Pera. Pera nalang ba talaga palagi ang rason ng pag aaway?

Ano ba meron sa pera? Bakit napaka importante nito? Bakit palagi itong pinagtatalunan nila papa at mama ?Isa ito sa mga tanong na lagi kong iniisip noong bata pa ako, pero habang lumalaki ako naiintindihan ko na.

Sabi nila hindi batayan ang pera para maging masaya, pero nagkakamali sila. Oo mas masaya pag kompleto ang pamilya, pag marami kang kaibigan, pero importante parin ang pera. Isa ito sa mga primary need ng mga tao, para sa pagkain, panggastos, pambili ng lahat ng mga gusto mo at... para sa pagtupad ng pangarap.

Napangiti ako ng malungkot.

Kung mayaman lang siguro kami, hindi siguro mag aaway sina mama at papa palagi. Kung mayaman lang sana kami, hindi mag papagod si papa sa pamamasada at hindi sasakit ang ulo ni mama dahil sa mga utang. Kung may pera lang sana kami, sa gustong kurso ko sana ako nag aaral.

Ilang minuto akong nakatunganga sa parke ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan.

Ito na nga ang sinasabi ko, e. Hays !

Gaya ng ibang mga taong nasa parke, tumatakbo ako para maghanap ng masisilungan . Basang-basa na ako, buti nalang naka black loose shirt ako kaya hindi na ako mangangamba na bumakat ang aking panloob dahil di naman makikita.

Habang tumatakbo ay may biglang mainit na palad ang humila sa aking braso.

Gulat akong napaharap at nabangga sa matitipunong bisig ng isang... Lalaki ?

May dala mang payong ay makikitang basa na rin ang kanyang mga braso. Napalunok ako ng laway ng makita ang kanyang biceps, napakaganda at sarap nitong tingnan halatang nag g-gym ang lalaki. Ang adams apple niyang nag taas baba,ang labi niyang hugis puso na mamula-mula, ang kinis at puti ng mukha namay mga nunal kahit saang parte na napakaperpekto paring tingnan, ang tangos ng ilong na wala man lang pores ... Wow sana all ! At ang mga matang nakakabighani at tila nangungusap. May nababasa akong emotion na Hindi ko mawari kung ano.

Nagulat ako, siya iyon ! Ang lalaking lagi kong nakikita na tinitingnan ako na tila binabasa ang katauhan ko. Siya yun ang palagi kong napapansin na kasama sa mga grupo ng psychology student.

"Ahhh.." utal kong sabi. Tiningnan ko siya na tila nagtatanong kung anong Kailangan niya.

"sumilong ka, basang-basa kana", sabi niya na tila nakuha ang gusto kong ipahiwatig.

Tumingala ako sa hawak niyang payong na kulay itim, maliit lang ito at halatang pang isahang tao lang. Basa narin siya dahil mas prinarioty niya ko kesa sa sarili niya.

Nakatitig lang ako sa kanya na hindi alam ang sasabihin. Hinawakan niya ang kamay ko na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam! Tila may humaplos sa puso ko, ang mainit niyang mga kamay ay tila nakakapaso. Kinuha niya ang kamay ko ipinahawak sa payong.

Teka...

Nakuha ko ang ibig sabihin nun !

Magsasalita na sana ako pero agad siyang umalis patakbo. Nagpabasa siya ng ulan dahil binigay niya sa akin ang payong niya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Habang tinatanaw ko ang likod niya na unti-unti ng nawawala sa kawalan, heto ako sa gitnang bahagi ng parke, sa ilalim ng napakalas na ulan dinaramdam ang emosyong nagsasabing

"Sana makita kita ulit... Salamat".
~
WORK OF FICTION !
~
Sorry sa mga typos guys ha? Hindi na kasi ako nag pro-prof read hihi ^_^

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon