CHAPTER 13

9 3 2
                                    

~
Nagising ako dahil sa ingay na tila may nagsisigawan at nag-iiyakan.

Pagtingin ko ng orasan ay alas dos pa ng madaling araw.

"Pa!", narinig kong sigaw ng kapatid kong si Shawen, at ang pag iyak ni Jeia.

Agad-agad akong bumangon, tila nawala ang antok ko sa mga narinig. Alam ko sa mga oras na ito paniguradong nag aaway sina mama at papa.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa baba.

Naabutan kong ang mga basag na mga flower vase at mga picture frame sa sahig ng sala. Ang mga kapatid ko nasa gilid ng couch nakaupo, umiiyak si Jeia ng nakayakap kay Shawen habang tinatakpan niya ang mga tenga ni Jeia na umiiyak din. Naka pajama na ito, kaya hindi ko magets.

Kanina pa ba nag aaway sina mama at papa?

"Tama na po", iyak na pagsusumamo ni Jeia.

Agad na binalingan ko sina mama at papa. Naluha akong pinag-masdan sila, si mama nasa sahig dumudugo ang bibig, bakas sa mga mata niya ang mga galit na ipinupukol kay papa.  Si papa naman ay nakatayo, mabilis ang paghinga, nakayukom ang mga mata nito na tila nag cocontrol na wag na  muling masaktan si mama.

Agad na nangilid ang mga luha sa mga mata ko, tila nakapako ang mga paa ko sa sahig.

"Bakit?! Bakit Simon? Takot ka, ha? Takot ka na malaman ng mga anak mo na nambababae ka?!", Sigaw ni mama.

Nagulat ako sa narinig ko, tila hindi ako makagalaw. Nasasaktan ako sa mga nakikita ko, umiiyak ang mga kapatid ko, si mama sinasaktan ni papa pero wala na atang mas ikakasakit pa sa narinig ko.

May babae si papa?

Ito naba yun? Masisira na ba ang pamilya namin? Iiwan na ba kami ni papa?

Kaya ba subrang late na niyang umuwi to the point na hindi na kami makapang-abot, kaming mga anak niya? Kaya ba lagi silang nagtatalo ni mama this past few days? Akala ko dahil sa pera lang ang lahat ng iyon.

"tumahimik ka!", akmang sasampalin muli ni papa si mama.

Pero dahil sa adrenaline rush siguro, agad akong tumakbo papunta kay mama para hindi siya tamaan ng mga kamay ni papa.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit, noon man hindi naman niya sinasaktan si mama, eh.

Naramdaman ko ang pagdapo ng mga kamay ni papa sa ibabang bahagi ng ulo ko.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko, subrang sakit ng puso ko maging ang ulo ko. Nakaramdam ako ng hilo at agad ko yung winaksi sa aking isipan.

"ate...", iyak na pag tawag nila Shawen at Jeia.

"Umalis ka jan, Jana! Kung ayaw mong pati ikaw masaktan ko!", sigaw sa akin ni papa.

Umiiyak akong humarap sa kanya habang tinutulungan si mama na tumayo, nakakunot ang mga noo niya. Bakas na bakas ang galit sa mga mata niya.

Pinaupo ko si mama sa couch. 

"Shawen, b-bigyan m-mo n-ng t...tu..big si mama",  pahikbing utos ko kay shawen.

Huminga ako ng malalim para kumalma at muling nagsalita.

"Jeia, go to your room",  utos ko sa kapatid ko.

"A-ate", pagmamakaawang sagot niya sa akin na tila ayaw niyang pumasok sa kwarto.

"Ang sinabi ko pumasok ka sa kwarto!", galit na sigaw ko sa kanya.

Humikbi naman siya dahang-dahang umalis. Pero bago pa iyon binalingan niya muna ng masamang tingin si papa.

Nasaktan ako sa mga tingin na iyon dahil hindi pwede. Oo ganito si papa pero papa parin namin siya, ayaw kong magalit sila Jeia at Shawen sa kanya. Naging mabuti naman siyang ama sa amin, e. Bakit humantong ang pamilya namin sa ganito.

Binalingan ko si papa na ngayo'y nakayuko.

Nakaramdam man ako ng galit ay pilit ko iyong winawaksi.

"Is it true, pa?", Malumanay na tanong ko sa kanya habang nararamdaman ang presensya ni Shawen sa likuran ko. Siguro iniabot na niya kay mama ang tubig.

"Jana, wag kang makialam dito", he firmly answered.

I shook my head.

"No, pa. Anak mo kami, pa! Deserve naming malaman ang totoo", pagsusumamo ko sa kanya.

Total masakit na naman na, eh edi bakit hindi ko pa lubusin.

Hindi sumagot si papa, nakayuko lang ito and minutes later humahagolgol siya and that moment I already know. We already know.

It's true.

"Hayop ka, Simon! Walang hiya ka!", Sigaw ni mama at tumayo ito para lapitan si papa at paghahampasin ito.

"WALANG HIYA KA! P@T@N@G INA MO!", sigaw niya ng paulit-ulit dito.

Hinawakan naman namin siya ni Shawen ng umiiyak, pinipigilan siya.

"Kailan pa ha?! Kailan pa?! Kailan mo pa kami niloloko?!", subrang pag iyak ni mama, napaupo ito sapo ang dibdib. 

Subrang sakit ng mga pangyayaring ito, nanunuot ito sa pinakailaliman. Subrang lalim ng sugat ang idinulot nito sa amin.  I can take it, subrang sakit.

Ramdam ko ang pagsikip ng mga dibdib ko, nahihirapan na akong huminga.

'Wag muna ngayon, please. Wag ka muna umiral ngayon.'

Me talking to myself.

Unti-unti ng bumibigat ang pakiramdam ko, subrang sikip na ng dibdib ko na tila wala ng pagdadaanan ang hangin mula sa aking ilong patungo sa puso ko.

"a-atee.." rinig kong tawag sa akin ng aking kapatid.

Pero di ko na siya kayang balingan pa, napahawak ako sa dibdib, ramdam ko ang pangingig ng aking mga kamay.

"M-m-ma..", tawag ko sa aking ina na ngayon ay napabaling na ang atensyon sa akin.  Alam ko sa mga oras na iyon ay nanghihingi na ako ng tulong.

Gusto ko mang-habulin ang paghinga ko pero hindi ko kaya. Subrang hirap, the more na ginagawa ko iyon ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

"Shawen ! Kunin mo ang nebulizer ng ate mo dali!", utos ni papa kay shawen.

Narinig ko naman ang tinig ni Jeia.

"- ate!", concerned niyang tawag sa akin. Ang tigas ng ulo, sabing pumasok sa kwarto, eh.

"Jeia, pamaypay!", sigaw muli ni papa kay Jeia. Nang akma na akong lapitan ni papa at hawakan ay sinigawan siya ni mama.

"Huwag kang lumapit! Huwag mo siyang hawakan ! Kasalanan mo ito lahat!", sigaw ni mama sa kanya.

"Ito na po, ito na po", tarantang sabi nila Shawen at Jeia ng nakuha ang mga pinag utos sa kanila.

Makalipas ang ilang minuto, bumuti na ang pakiramdam ko although nandoon parin yung sakit pero hindi masyadong naninikip ang dibdib ko.

Nanghina akong sumandal sa dibdib ni mama, wala na ata akong lakas pa.  Tiningnan ko si papa na nasa malayong distansiya, umiiyak ito. Ramdam ko ang mga sakit sa kanyang mga mata, kita ko ang lahat ng pagsisisi doon.

Napahikbi naman akong muli.

"Shhh, tama na. Matulog kana muna", sabi ni mama sa akin habang tinatapik ang ulo ko.

Makalipas ang ilang sandali ay bumibigat na ang mga talukap sa aking mga mata and little did I know nakatulog na pala ako.
~
WORK OF FICTION!

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon