CHAPTER 11

15 3 0
                                    

~
"ate, pakibantayan muna tindahan ha? Wala si mama, e. Namalengke tsaka may practice kami sa basketball", tawag sa akin ng aming ikalawang kapatid na si Shawen.

Nasa Senior High School na siya at varsity player siya sa school namin, sa Senior high department.

Tumango naman ako, naiintindihan ko dahil palagi talaga silang may practice kahit na tulad ng araw na ito na sabado, malapit na kasi ang kanilang inter-high tournament kaya todo bigay sila sa pag eensayo.

"Si Jeia nasaan?", tanong ko sa kanya habang siya nakaupo sa couch at nagtatali ng shoe lace niya.

Si Jeia ang bunso namin, Grade 10 na siya ngayon at sa IIS rin nag aaral. Mula Junior Highschool to College kasi ang inoofer ng school, at ito ang pinakamalaking school sa aming lugar.

"Nasa kina teptep, ate. May gagawin daw na school project", sagot naman niya sa akin at saka tumayo para mag handa ng umalis.

Si teptep ang Bestfriend niya, na kapitbahay namin at kaklase niya.

Nagpaalam na si Shawen sa akin para umalis. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pumunta sa maliit naming tindahan.

Lumalaki na ang mga kapatid ko, noon pinapaligoan ko pa sila dahil sa subrang busy ni mama. Hindi niya rin maiwan-iwan ang tindahan namin ng walang nagbabantay dahil hindi natin alam kung anong iniisip ng ibang tao.

Naka-upo ako sa upoan habang kumakain ng stick-o. Patay naman ako nito ni mama, kaya hindi niya ako pinapalagi sa pagbabantay dahil ika niya ako lang daw ang makakaubos sa paninda.

I opened my phone and pumunta ako sa Facebook app. May tatlo message iyon na puro lang naman gc at limang notifications. Ganito ka boring ang social media life ko.

Nag scroll ako sa Fb feed at nakita ko ang mga post ni Kiara na mga pictures. Mga pictures namin iyon nung pumunta kami sa Tara cheers!

Hindi ako tinag which is mas gusto ko naman dahil baka makita ng mga kapatid ko at isumbong ako kina papa.

Wala ngang Facebook sila mama pero nandiyan naman kapatid ko na reporter.

Matapos ang ilang minutong pag e scroll, umalis na ako sa fb app at pumunta sa twitter. Ang katuwang ko sa buhay, ang napaglalabasan ko ng lahat, ang naging comforter ko.

Dahil nga boring ang social media life ko, kahit sa twitter wala akong notifications. Himala lang sa isang buwan ang meron, madalas talaga ay wala.

Nag tweet ako.

@itsjnmr: ang saya :))))))

Kahit kabaligtaran naman talaga ng nararamdaman ko.

Ilang minuto rin ng may isang notification.

"Wow", saad ko dahil isang himala talaga.

Exited naman akong tingnan ito.

@enriquezjmj liked your tweet.

Namilog naman ang mga mata, naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mga dugo sa aking kalamnan habang naaalala ang nangyari noong nakaraang gabi sa bar.

Active liker sa twitter ? Napatawa ako sa naisip ko. Tinurn-off ko nalang ang cellphone ko at binuksan ang radyo para makinig ng F.M.

-
Heto ako ngayon tumatakbo para sa future ko.

Shuta naman kasing nakalimutan kong may P.E class pala ako at 5:00 am iyon ng umaga.

Yes, medyo na late ako sa P.E may health problem kasi ako noong first year ako, siguro dahil narin sa stress kaya yung asthma ko pa balik-balik kaya hindi ako masyadong makakaperform pag need ng physical activities. Kaya na isip kong e drop muna ang subject na iyon at balikan nalang.

Thankfully, God. Bumubuti na ang pakiramdam ko kaya ngayon although yung mga kaklase ko ay mga freshmen talaga.

Hingal na hingal ako ng pumasok sa Gymnasium. Nandoon na ang mga kaklase ko at si Ma'am, gosh! 25 minutes late ako beh!

"Good morning, ma'am. I'm sorry I'm late", hinging paumanhin ko sa teacher ko.

"Soccer field." sabi niya sa akin. Kinabahan naman ako dahil alam kong may punishment, malapit lang ang Gymnasium sa soccer field mga 200 steps ata.

"5 rounds." Napaawang ang bibig ko maging ang mga kaklase ko.

Imagine, patatakbuhin ka ng professor mo sa soccer field ang lawak-lawak non beh.

Kung alam ko lang na patatakbuhin lang parin pala ako hindi na sana ako nagmadali para mas sulit.

Dahil estudyante ako and terror ang professor talaga namin. Sumunod nalang ako.

Sana umabsent nalang ako.

Sa isip ko habang tumatakbo, pero sayang naman kasi ang attendance. May points kay ma'am, iyon kaya sa klase niya wala talagang umaabsent.

Pagod na pagod na ako, nahihilo na ako, naka tatlong round na ata ako, gusto ko mang mandaya Hindi pwede dahil may pinasama si ma'am magbabantay sa akin. Imagine, natakot ako sa freshman?

"Time out", sabi ko sa kanya habang papalapit sa pwesto niya.

Basang-basa na ang P.E shirt ko, ang dugyot-dugyot ko na.

"may isang round ka pa ate," paalala niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. Kung si Andy siguro nito ay tinarayan na siya dahil obvious naman, ako ang tumatakbo kaya syempre alam ko.

"oh nga pala ate, may nagpapabigay", inabot niya sa akin ang bimpo at isang mineral water.

Kumunot naman ang noo ko. Kanino naman galing to?

"Kanino galing to?", Tanong ko sa kanya dahil sa kuryosodad.

"Yung gwapo ate, yung Famous sa school, Si anooooo-," sagot niya sa akin na halatang kilig na kilig habang inaalala ang pangalan ng lalaking nag abot sa kanya ng tubig at bimpo.

"Ah ! Oo nga, si Enriquez ate", sabay palakpak niya at patalon talon. Ang saya niya ng naaalala niya ang lalaking nagpabigay nito sa akin.

Si Enriquez? Si Jake?

"boyfriend mo siya ate? Ilang taon na kayo?", agad namang kumunot ang noo ko at imbis na sagutin ay nagsimula na akong tumakbo para tapusin ang isa ko pang round.

Nilagay ko sa leeg ko ang bimpo habang hawak sa right hand ko ang tubig.

Agad namang nabuo ang kakaibang pakiramdam sa aking sarili ng mag sink in sa akin kung kanino talaga galing ang bimpo at tubig.

Nararamdaman ko naman ang kakaibang pakiramdam, sa tuwing nag tatagpo ang aming mga mata. Sa tuwing naiisip siya at yung mga oras na nagtatagpo ang aming landas ng hindi sinasadya.

Bakit? Bakit mo ito ginagawa? Mula sa payong ngayon naman bimpo at tubig? Ganyan kaba talaga kabait ? Ganito rin ba ang ginagawa mo sa iba pang babae ?

Bago pa ako malunod sa aking pag iisip ay tinawag na ako nung freshman.

"Ate! Lumagpas kana sa akin. Isang round lang ang tatakbuhin mo!", Sigaw niya sa akin.

Napabalik naman ako sa aking ulirat. Ginanahan ata akong tumakbo at mukhang gusto pang dagdagan ang round ah.

"Lutang ka te? Ganyan ka pala pag kinikilig?", Pang aasar sa akin ng bata.

Inirapan ko naman siya at niyaya ng pumunta sa gym para makaabot pa kami sa lecture.

Kawawa naman, nadamay pa dahil sa akin.
~
WORK OF FICTION !

Uncovering Peace (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon