Chapter 9♈

30 5 0
                                    

Warning: Typo and Grammatical Errors Ahead. Kung Grammarian ka, mag next story ka nalang. ❤️Loveyou😘
A/N: Its been a long time, Sorry sa late update dami ko ginawa e, at medyo busy rin po sa Feasibility Study
Please Vote and Follow me.

PURPLE  POV

It's been  two weeks  mula ng makabalik na kami ngayon sa manila mula sa batangas at iyon ang huling pagkikita namin ni Aries. Pero mula ng manggaling kami sa Batangas hindi pumapalya ang pagdadala nito ng bulalak sa akin, minsan may kasamang breakfast o kaya coffe. Kagaya ngayon, nadatnan ko na naman sa opisina ko n may bulalak at coffe na may note nakalagay

"i miss you" -Aries
Napangiti nalang ako sa note, pero agad din akong napasimangot.

"Tsk, anong klaseng manliligaw to? Bulalak? Puro ganito nalang? Hindi naman nagpapakita" usal ko sa aking sarili

"Gusto mo na ba syang makita?" Tanong ng isang boses sa akin

"Oo gusto ko na makita. Miss ko na rin naman sya e" sagot ko

"Talaga?" may masayang tinig na sabi nito

"Oo naman----" naputol ang aking pagsasalita ng marealize ko na may kausap ako. Pag lingon ko sa aking likuran ay nakita ko ang isang lalaking ilang linggo ko nang hindi nakikita. Ewan ko ba pero napaka gwapo nya sa paningin ko ngayon. Pero agad akong napabalik sa aking sarili ng maalala ko ang kahihiyan kong ginawa. Did i just say na namiss ko ang lalaking to? Sabi ko sa aking isip.

" Hey, wala man lang ba akong hug dyan? Namiss kaya kita. Sabi mo namiss mo ako?" Nakakalokong sabi nito sa akin habang nakangiti ng malapad

"Heh, ewan ko sayo" yun nalang ang nasabi ko dahil sa aking kahihiyan at umupo na sa aking vistors area dito sa aking opisina.

"Come on!  Lexxanne, you miss me right? Give me a hug" nakangiti pa ring sabi nito hindi ko ito pinansin kaya lumapit sa akin at bigla nalang akong niyakap

"Are you upset because i didn't show up morethan two weeks?" Malambing na tanong nito habang nakayakap sa akin

"Tss" iyon nalang ang nasabi ko, hindi naman ako galit e. Medyo naiinis lang saka para makaiwas na rin sa kahihiyan ko kanina so i pretend na galit ako

"Hey, baby" malambing na tawag nya sa akin kaya napatingin ako.

"Baby, sorry. Kinailangan ko kasing magpunta ng business conference akala ko 3 days lang kaso ang daming nangyari e. Kaya kailangan kong magstay ng mas matagal. E ang hirap ng signal sa venue. " Paliwanag nito sa akin

"Hmm??" Yun lang ang naging sagot ko

"Let's date. Pwede mo naman i cancel ang appointment mo diba?" May pagsusumamong tanong nya sa akin

Hindi agad ako sumagot, pinagkatitigan ko sya. "Sige na nga" pagsuko ko. Para makabonding narin kami ang tagal na rin naming di nagkikita e.

I pushed the button on my table, para makavoice message sa secretary ko.

"Hey. Cancel all my meetings and hindi ako kamo tatanggap ng any transaction today okay. No emergency calls. Pag kailangan kailangan tawagan nyo si daddy. Okay?" Bilin ko sa aking secretary

"Yes, Miss." Sagot lang nito binitawan kona ang button at tumingin ako sa nakangiting si Vincent  "what?" Tanong ko dito dahil masyadong nakakaloko ang kanyang mga ngiti. Malapad parin ang mga ngiti nito.
"Wow, special na ba ako sayo? Effort ng pagcancel ng mga meetings ha." He grinned while saying those.

"Mangarap ka. I also wanted to relax, ilang linggo na rin akong stress." Pagtatanggol ko sa sarili ko

"Sige, kunyare naniwala ako." Tumatawang sabi nito

"Tsk. Sabi nga na yun ang dahilan e. Gusto mo hindi ako sumama sayo?" Inis na tanong ko dito

"Hahaha, sige na baka di ka pa makasama. " Utas ang tawang sabi nito sa akin

"Eh, bat ka kasi tumatawa" mas pikon ko na tanong sa kanya pero sya patuloy ang pagtawa. Hinampas ko sya sa kanyang braso

"Ano ba! Wag ka ngang tumawa!" Inis na sabi ko

"Hahaha sorry na. Hahaha" tawang tawa pa rin ito

"Bahala ka nga dyan!"  Inis na sabi ko at nauna na akong lumabas sa opisina ko. Agad naman akong hinabol nito.

"Hindi na baby. Im sorry i just can't help it to laugh. You are so adorable" pigil na tawa na sabi nito  sa akin.

"Hmmp. Wag mo kasi akong tawanan" sabi ko dito
"Hindi na po" nakangiti pa na sagot nito.
Nag lakad na ako papunta sa parking lot at hinanap ang kotse ni vincent. He opened the door  for me at umupo na ako sa unahan. Umikot na rin ito para maupo at magmaneho

"So where do you want to go?" Tanong nito sa akin

"I don't know, maybe kahit saan." Sabi ko rito

"Ah alam ko na." Yon lang ang sinabi nito at nagmaneho na. Tahimik lang ang naging byahe namin at maya-maya pa ay natanaw ko na ang isang Subdivision. Disciples Subdivision ang nakalagay sa trangkahan. May matataas na pader pumasok kami at makikita ang mga mahogany na nakatanim sa baybay kalsada. Napakalayo pa ng pagdrive nya may isang gate kaming nadaanan,  ewan ko ba bat gate lang yon. Maya - maya pa ay pumasok kami sa isang kulay Asul na gate. Mataas din ang bakuran. May mga nagkalat na mga bantay siguro, nagmaneho pa sya ng mahigit tatlumpung minuto bago matanaw ko ang napakalaking bahay. Walang masasabi ang malacañang sa laki at taas ng bahay na natatanaw ko. Bago kami makarating sa may parking area ng bahay nato, napakaraming tao na nagkalat sa paligid mga lalaking nakatayo lamang at ilang mga maid na abala sa paglilinis. Nakakamangha ang bahay na ito. Sumisigaw ang karangyaan. Pagdating namin sa Parking area, na hindi ko alam kung Car shop ba ito o parking dahil sa dami ng magaganda at mamahaling sasakyan at may ilang motor din. Bumaba na ako biglang humilera ang mga kasamabahay at agad silang nagsibati

"Welcome home, sir" sabay-sabay na bati ng mga kasambahay nito na hindi ko mabilang sa dami.

"Welcome to 13th House Madam" sabay-sabay ulit na bati ng kasambahay

"13th house? Anong ibigsabihin noon?" Takang tanong ko kay aries

"Hmm, its the number of my house kaya ganon"  alangan na sagot nito sa akin
Sinangayunan ko nalang at nilibot ko nalang ang tingin sa paligid at iniwasang magtanong. Nagkadisplay sa paligid ang ibat ibang uri ng magagandang painting na alam kong milyon o kaya bilyon ang halaga.

"So this is your house?" Tanong ko dito

"Uh yup" he just answered

"Let's go sa kitchen, ipagluluto kita" sabi pa nito at ni guide ako papunta sa kitchen nito

The Thirteen Disciples: Aries (Book1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon