Warning: Typo and Grammatical Errors Ahead. Kung Grammarian ka, mag next story ka nalang. ❤️Loveyou😘
A/N: Please Vote and Follow me.Purple POV
"Sa tingin mo, sino ba kaming kausap mo? Thanks to your public announcement, mas marami ang natakot sa amin." seryosong sinabi nito at bigla na naman ulit itong tumawa, para itong baliw. "Hindi ganyan ang nabaril" seryoso at malamig na sabi nito at mabilis na binaril sa kamay si M, at agad naman akong hinila ni Aries papalapit sa kanya.
Napasigaw sa sakit si M. "Aminin mo, Aries ikaw ang dahilan bakit naaksidente si Lexter. Ikaw yung lalaking tinutukoy nya!" Sigaw ni M, habang umiiyak.
"Hindi mo alam, kung anong buong kwento. Ako man ang tinutukoy nya, hindi mo alam ang mga tunay na dahilan." malamig na sabi ni Aries.
Nagulat ako sa mga narinig ko. Ibig sabihin siya talaga ang dahilan. Hindi ko alam pero bigla nalang nanlabo ang aking mga mata, at nilamon na ako ng kadiliman.
-
-
-
-Nagising ako sa isang marangyang silid, napakaraming palamuti sa paligid, at dito sa kamang aking hinhigaan ay napakalambot dahan-dahan akong bumangon sa malambot na kama na aking hinihigaan, nagpalinga linga ako sa paligid, napansin kong nakakandado ang pinto at bintana. Lumapit ako sa bintana, at natanaw ko ang labas, kita mula sa loob ang nangyayari sa labas dahil glass window ito. Kitang kita ko ang dami ng katulong na nagkalat sa paligid na ginagawa ang kanya kanyang gawain sa bahay. Sa hindi kalayuan ay nagtayo ang napakarami ring men in the black at isa pa armado ang mga ito, masyadong secure ang bahay. Sa aking pagmamansid napansin kong nasa bahay ako ni Aries, hindi ko maiwasang hindi kabahan, oo alam ko na hindi ako sasaktan ni Aries, pero natatakot ako. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si aries kasama ang ilang kasambahay at may mga dalang pagkain.
"Kumain kana muna" He said while he gestured to those maid to prepare the food.
"Bakit mo ko dinala dito?" malamig na tanong ko dito
Nanatili lang itong tahimik, walang imik at nakatitig lang ito sa akin."Anyway, aalis rin naman ako. At para matapos na rin ang lahat ng ito, tinatapos ko na ang lahat lahat sa atin. Thankyou for everything" malumanay na sabi ko rito.
Biglang nagbago ang ekspresyon nito, naging malamig habang nag uumigting ang kanyang panga
"What did you say? Tapos na? thank you for everything? What the fuck?" Galit na sabi nito"Look ayaw kitang sisihin sa mga mangyayari pero mas maiigi na maayos tayong maghihiwalay. So let me go" Sabi ko at tumayo na ako para lumabas ng hawakan nya ako para pagilan.
"Dito ka lang sa akin, walang aalis. " Mariing sabi nito sa akin.
Itinulak ko sya hindi ko na mapigilan ang magsumbat at magbitiw ng masasakit na salita.
"Hindi mo ako papaalisin dito? Ano ikukulong mo lang ako sa lugar na ito? Sa totoo lang tama naman si M, hindi nga kita ganon pa kakilala kaya totoo rin na ikaw ang nagpapatay kay lexter? kasi ano? Anong rason? Hindi mo masabi? Kasi walang kwenta ang rason mo. Wala sa moralidad. Nagagalit ako sayo. Kaya pwede ba tama na? Hayaan mo na lang ako? Nasusuka na akong makita! Hindi kona kayang mahalin ang demonyong kagaya mo!"Galit na galit na sigaw ko sa kanya. Ramdam ko na sasabog na ako. Naging mas malamig pa ang hitsura nila. At sa tingin ko ito ang Aries na kilala ng boung mundo."Pag sinabi kong walang aalis. Hindi ka aalis. Dito ka lang." Malamig na sabi nito at tinalikuran na ako.
agad akong umiik para sa pahabol na salita
"P-please, aalis na ako. Pakawalan mo ko please. hindi na kita kayang mahalin please" nagmamakaawang pag susumamo ko sa kanya.He look at me danderously and said
"Akala mo ba ganon kadali ang lahat? Bakit? Sinabi ko sayo, hindi kita hahayaan na makawala sa akin. I love you selfishly. Kaya kong ubusin lahat ng yaman ko makuha lang kita." madilim ang anyong sabi nya sa akin."Gagawin ko ang lahat, palayain mo lang ako" Desperadang sabi ko sa kanya
"Then learn to love me, again. Hahayaan kita" iyon lang ang sinabi nya tuluyang tinalikuran ako. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaiyak nalang ako. I don't know what to do anymore. Hindi ko na mawari, kung ano ba dapat ang mardaman ko. Kasi alam ko sa sarili ko mahal ko pa sya, pero hindi ko sya pwedeng mahalin kasi mali na e. Akala ko noon, malinis ang pagmamahal nya sa akin. Pero hindi nya itinanggi na may kinalaman sya ibig sabihin, totoo lahat ng paratang sa kanya ni M. Totoo yun. At sobrang sakit na malaman na totoo lahat ng ito. Gusto ko na lang mamahinga. Hindi ko na alam at bigla na naman akong nawalan ng malay.
-
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa aking ang napakadilim na silid, lumingon ako sa may bintana at kitang kita ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa labas. Bumangon ako, binuhay ko ang lampshade sa aking tabi, Naglakad ako papalapit sa pinto at sinubukan kong buksan ito and its locked. "Just what i thought" usal ko sa aking sarili. Naglakad naman ako sa may bintana at kitang-kita ang mga tao sa labas na abalang abala pa rin sa kanilang ginagawa kahit gabi na. May ilang sasakyan ang nakaparada. Mukhang may bisita si Aries, sa tantya ko ay mga 8 sasakyan ang nandito ibat ibang klase ng sports car ang nakaparada rito. Sinubukan kung tanawin mula dito sa itaas ang receiving area pero wala sila doon. Dumako ang mata ko sa kabilang banda kung saan nandoon ang garden subalit wala pa rin sila doon, mukhang sa ibang lugar sila namalagi. Babalik na sana ako sa kama ng mapansin ko na bukas ang lanai sa kabilang banda at may ilang pigura akong natatanaw, masyado itong malayo kaya mukha silang maliit kung hindi mo pagtutuunan ng pansin hindi ko mawawari na tao ang mga naroon. Mukhang sa lanai sila naroroon. Bumalik na ako sa kama, at nakita ko ang pagkain na nakahanda para sa akin. Mukhang pinalitan na nila, hindi na ito kagaya ng kaninang tanghali. I assume na dinner na itong dinala sa akin. Napagdesisyonan ko na kainin na lamang ito, kasi sigurado ako na hindi talaga ako paalisin ni Aries. I know how tight his security. While i was eating inisip ko ang mga sinabi nya kanina. There's might be a reason kung bakit nya ito ginawa. Minadali ko na ang aking pagkain at after eating, pinindot ko ang intercom, nakkonekta ito sa ibaba, at marerecieved ito ng mga maids."Please tell him that i am awake and i want to talk to him" Iyon lamang ang aking sinabi at tahimik na ulit na naupo sa ibabaw ng kama para mas makapagisip.
A/N: Next chapter will be Epilogue and Aries Point of View so be ready fellas 🥰❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
The Thirteen Disciples: Aries (Book1) [COMPLETED]
General FictionLabing tatlong taong makapangyarihan o mas kilala bilang Thirteen Disciples those people are known because they have everything including power, money, and wealthy.They can make you suffer in just blink of an eye. If i were you, if you cross path w...