Warning: Typo and Grammatical Errors Ahead. Kung Grammarian ka, mag next story ka nalang. ❤️Loveyou😘
A/N: Please Vote and Follow me.Purple POV
Nakaupo ako sa may Bar stool habang pinapanood sya mag hiwa ng mga ingredients. Mukha naman syang sanay na sanay magluto e.
"Tapos na. Lulutuin ko lamang ito saglit" sabi nito sa akin at nagsimula na siyang magluto
Maya - maya pa at natapos na itong magluto.
"Already done. Come, kakain na tayo" tawag nito sa akin habang inihahayin ang mga pagkain sa lamesa. Agad naman akong tumayo at lumapit sa nakahayin na pagkain. Amoy na amoy ko ang mabango at nakakagutom na amoy ng nga pagkain nyang inihayin sa ibabaw ng lamesa."Chicken Caldereta, Pork Steak, and Beef Menudo" sabi pa nito habang itinuturo ang mga putahe ng pagkain
"Wow, why so daming food ay dalawa lang tayong kakain?" Tanong ko rito
"Kaunti pa lamang yan, kundi na nga lang gipit sa oras e. Mas marami pa sana yan. Special someone ang pinagluto ko e." Nakangiti na sabi nito at naupo na rin sa katapat na upuan ko.
"Let's eat" pag aya nya sa akin at nagsimula na kaming kumain. Tahimik kaming kumain, galit galit muna gutom e. Anong oras na rin, di pa kami nag uumagahan halos brunch na to e.
"After we eat let's watch a movie" sabi nito sa akin
"What lalabas na naman? Nakakatamad, napakahabang byahe naman kasi palabas palang ng bahay nyo" maktol ko rito"What? Hahahhaa. Hindi na tayo lalabas, meron akong movie room dyan" natatawang sagot nito sa maktol ko kasi naman napakalayo nitong bahay nya mula sa gate, saka nagtataka ako subdivision to? Bat gate yung nakita ko saka iisa.
"Hey, akala ko ba subdivision to bat isang gate lang nakita ko, tas kahabaan na ulit ng daan yun" tanong ko kay aries
"Hmm. Im not allowed to disclose to anyone ang tungkol sa village namin e im sorry" sagot nito sa akin
"So. Okay i respect that. I guess dito nakatira ang bawat miyembro ng Thirteen disciples." Panghuhula kong sabi sa kanya ang nagkibit balikat na lamang siya. Ewan ko ba masyadong misteryoso ang Thirteen Disciples. Walang nakakaalam kung bakit sobrang powerful ng bawat isa. Bukod sa sobrang yayaman nila wala ng alam ang publiko sa kanila. Ni ultimong pangalan nga nila hindi alam e. Masuwerte pa ako at alam ko ang pangalan ni aries. Nakasalamuha ko na rin si gemini, mukha naman silang mabait but, dangerous man. Nakakapag isip lang din kasi mula sa gate ng village halos isang oras bago marating ang bahay ni vincent, tas gate lang ang makikita then ilang minuto bago matanaw ang bahay nila. Tas sa paligid may mga lalaking nagkalat dinaig pa nila ang presidente ng pilipinas e. Mas nakakapag isip sa mga lalaki sa labas though di naman sila armado or men in black, sinong tao ang magkakaroon ng ganan kalaking tauhan at nasa bahay mo lang sila. It means? Iniisip ko, sino nga ba talaga si Aries? Ano ba talaga ang Thirteen Disciples?
Naputol ang aking pag iisip ng magsalita si Aries
"Ang lalim yata ng iniisip mo" tanong nito sa akin"Iniisip ko lamang, why so myterious. Sino ka ba talaga? Alam ko ang pangalan mo and i know its a previllage but what your surename? Masyado kang misteryoso sa akin" nagtatakang tanong ko dito
"Don't ask me, hindi ko pwedeng sabihin pa sayo. Pag pwede na at alam nila na karapatdapat mo ng malaman, then im going to tell you. I can't risk your safety para lang malaman kung sino at ano kami" mahabang paliwanag nito
Mas lalo akong naguluhan. Risk my safety? Bakit? E pangalan lang naman nila. Anong masama?
Nagkibit balikat nalang ako at pinalagapas ang usapan namin. Masyado na akong nosy, baka nahihimasukan ko na ang privacy nya. But it doesn't mean na satisfied na ako sa sagot nya. Aalamin ko kung sino sila. Sobra akong nacurious sa kanila.Tapos na kaming kumain, nagyaya na sya sa sinsabi nyang movie room, at napamangha na naman ako sa bahay nya, its a cinema room animo talaga ay sinehan to sa laki ng tv at lawak ng lugar. Ang pinagkaiba lang nito ay mga unan ang nakalagay at hindi nga upuan saka may mga mat. Bawat paligid ng movie room ay may mga nakadikit na painting ni Juan dela Cruz mga collection painting nito. Siguro dalhin ko isang painting nito na ilang bilyon ang halaga, sa isang banda may bar stool na may nag display na alak.
"Anong gusto mong panoorin?" Tanong ko rito
" Meron ba ditong Les Mesirables its an old movie" sabi ko rito
"Oo meron ako ibat ibang year released" sabi nito sa akin
"Wow, sige yung latest" at sinabi ko rito at isinalang na namin ang panoorin. Tahimik lang kaming nanonood. Napansin kung titig na titig ito sa akin.
"Bakit?" Tanong ko rito
"Wala ang ganda mo e" sabi nito sa akin at agad na nag blushed ang aking mag kabilang pisnge.
"Sira! Manood kana nga lang" nahihiyang sabi ko dito at napangiti lalo ito
Bigla nalang itong dumukwang at hinalikan ako sa aking mga labi, its a simple kiss at smack lang ito pero mas lalo akong nag blushed.
"Hey" sita ko rito. Padalawang beses na hinahalikan nya ako
"I love you" sagot lang nito sa akin habang mapungay ang mata na nakatingin sa akin at muli na naman akong hinalikan. Its a different kiss kumpara kanina. Its a passionate one, he moved his lips expertly habang nakahawak sa may batok ko and i aswered his kisses. I touch his hair at hindi ko mapigilan sabunutan ang buhok nya sa tuwing kinakagat nya ang labi ko at mas dinidianan nya ang paghalik sa akin.
"Ugh" i moan when he entered his tounge inside my mouth and we fight for dominace. Patuloy ang pagahahalikan namin ng tumunog ang aking cellphone. I try to pushed him para sagutin but mas pinag igi nya ang paghalik sa akin. Dalang dala na ako sa halik nya sa akin. Hanggang sa maputol na ang pagtunog ng cellphone ko at sya ring pagbitaw nya sa pag halik sa akin.
"I love you baby, i really love you" sabi nito sa akin at hindi agad ako nakasagot. This is wrong. Maling mali espicially im taken.
Tumunog ulit ang cellphone konat this time sinagot ko na ito.📞Marianne Calling...
"Hey, M. " Pag sagot ko sa tawag nito
"P" iyon lang ang nasabi nito habang umiiyak.
"Teka hey, M. Calm down please why are you crying? What happen?" Kinakabahang tanong ko rito
"P, lexter is-" nahihirapang sabi nito at patuloy pa rin sa pag iyak"Hey, calm down, tell me what happen? " Natatarantang tanong ko na. Kinakabahan ako sa naiisip ko
"Tell me please" pagmamakaawa ko dito"He's gone" mahinang sabi ni M. Habang umiiyak at unti-unting nagpatakan ang luha ko. Ramdam ko ang pamumutla ko, hanggang sa sunod sunod na ang patak ng luha ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang boung katawan ko. At unti unting nilamon ng kadiliman ang aking kamalayan.
BINABASA MO ANG
The Thirteen Disciples: Aries (Book1) [COMPLETED]
General FictionLabing tatlong taong makapangyarihan o mas kilala bilang Thirteen Disciples those people are known because they have everything including power, money, and wealthy.They can make you suffer in just blink of an eye. If i were you, if you cross path w...