Chapter 6 ♈

52 5 0
                                    

Warning: Typo and Grammatical Errors Ahead. Kung Grammarian ka, mag next story ka nalang. ❤️Loveyou😘

A/N: This chapter is dedicated to my best friend Margielyn Amurao, thank you bibs I loveyou ❤️
Please Vote and Follow me.♈❤️

Happy Reading! ❤️

Purple POV

Maaga akong nagising para makapaghanda ako ng mga dadalhin ko. Since malayo ang aming pupuntahan magaling na yong may dala akong mga extrang damit and garments. Naglagay lang ako ng isang short and croptop then isang summer dress. Then mga toilet things ko. After ko mailagay sa isang back pack naglabas naman ako ng isusout ko, i just wear White shorts and Croptop, then Flops naman sa paa since medyo mabuhangin ang pupuntahan namin at iyon ay tabi ng dagat.

We are planning  na magtayo ng beach resort and beach bars. Para sa mga nag book  kung gusto nilang mag bar hindi na sila lalabas ng resort.

Habang Inaantay ko si Aries, bumaba na muna ako para mag agahan. Nadatnan ko si daddy, na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.

"Good Morning dad" bati ko kay daddy
Binati ko na sya since okay na naman ako. Ganon talaga ako e, once na naitulog kona okay na ako. Kung baga masama lang loob ko pero kaya ko ng kausapin ang isang tao ng hindi nakakapagbitaw ng masasakit na salita at isa pa napalipas ko na kaya ganon.

"Are you not mad?" Tanong ni daddy
"Im okay dad, though sumama ang loob ko but im fine. " Nakangiting sagot ko "manang, patimpla naman po ako ng juice then pahayin na po ng agahan, hard breakfast po ako ngayon" tawag ko sa aming kasamabahay

"Nga pala daddy, someone send death treats kay lexter. Mga two weeks ata syang nakakatanggap ng ganon then day ng aksidente nya. Sabi daw layuan daw ako kung ayaw daw nitong mawala." Pagkukwento ko kay daddy

"Oh? May lead na ba kung sinong may gawa? Nakareport ba sa police ito?" Sunod- sunod na tanong sa akin ni daddy

"Hindi pa daddy, walang matukoy sila M. Kasi wala naman kasing nanligaw sa akin noon or wala naman akong nasaktan noon para gumanti or what. Wala kasi kami daddy na matukoy na motibo at isa pa daddy, noong araw na naaksidente si lexter, sabi nya kay M, may humahabol daw dito. " Dagdag kwento ko pa

"Mag-iingat ka anak, ibig sabihin lang konektado sayo ang nasa likod ng pangyayari kay lexter. Hanggat maari lagi mong buhayin ang GPS mo para naman incase alam o malalaman namin agad kung nasaan ka. Mahirap na ngayon anak ang panahon, lalo na at hindi natin alam kung sino ang kalaban at ano ang dahilan." Nag aalalang paalala sa akin ni daddy

"Oo naman daddy lagi akong mag iingat at saka isa pa mukhang hindi naman ako hahayaang mapahamak ng kung sino man may gawa non kasi ako ang target e" Sagot ko kay daddy

Magsasalita pa sana si daddy ng mag salita ang isang maid.

"Young Lady, nandyan na po si Mr. Aries sa labas, hihintayin nalang daw po kayo sa sasakyan. " Magalang na pagbibigay alam ng aming isang kasambahay.

"Sige po" Magalang kong sagot sa kasambahay at bumalomg ako kay daddy para mag paalam "dad, aalis na rin po ako. Check namin yung site e." sabay halik ko sa pisngi

"Ingat iha." Paalam ni daddy sa akin. Agad na tumalikod na ako at nagdiretso palabas. Nakita ko agad ang sasakyan an dala ni Aries its Montero Sports Car Color Blue, mukhang bago pa ito e. Sumakay na ako at binati sya

"Good Morning!" Masayang bati ko
"Good mood ka ata" puna naman sa akin ni Aries.
"Hindi naman. Masarap lang talaga ang tulog ko." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Nga pala Vincent, pag medyo nasa kalagitnaan na tayo ng byahe daan tayo ng convenience store gusto ko ng finger tips na pagkain" masayang sabi ko sa kanya

Pansin nyo may pagkamoody ako? Hahaha minsan mukhang okay kami, minsan magkababag.
"Sige, kung gusto mo matulog ka muna at maaga pa ang byahe natin" sabi nya sa akin kaya agad akong nagbukas ng stereo para makinig ng mga music sa radyo. Habang nakikinig ako sa mga kanta hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

--- ----

Nagising ako sa dahil sa ingay ng hampas ng alon ng dagat at magisa nalang ako sa kotse. Lumabas ako at nakita ko na naka upo si aries sa tabi ng dagat habang nakatanaw sa ganda ng karagatan. Andito na rin kami ngayon sa Laiya San Juan Batangas. Dito ang lokasyon kung saan kami magtatayo ng resort and bar. Nilapitan ko si Aries.

"Hey," bati ko sa kanya
"Oy, gising kana pala" bati nito sa akin.
"Yes, you didn't wake me up. Kanina pa ba tayo nakakarating?" Tanong ko dito
"I don't have any braveness para gisingin ka e parang ang sarap ng tulog mo kaya hinayaan muna kitang magpahinga" paliwanag nito
"Infairness maganda ang place sobrang nakakarelax, yung tubig sobrang linaw nu? Maganda pala talaga dito sa laiya" namamanghang pahayag ko habang na a- amaze ako sa paligid

"Oo napakaganda talaga dito, mayroon akong beach house malapit dito, doon tayo tutuloy para mananghalian anong oras na rin malapit lang naman, kayang languyin" Sabi nito sa akin

Natawa ako, lalanguyin?  Seryoso ba yun?

"Seryoso ba yang lalanguyin? Hahaha You can be funny rin pala Vincent " Natatawang pahayag ko

"Pero seryso, sa kabilang isla kasi yun. Mayroon naman ditong speed boat kaya ayos lang. Mararating na natin. Ano tara na muna? Anong oras na rin kasi" pag yayaya nito sa akin

Agad na tumayo naman ako at sumakay kami sa speed boat.
"Kumapit ka ng mahigpit okay" paalala sa kaon ni Aries

Agad naman akong kumapit sa kanya ng mahigpit pero hindi ito nakuntento at inilagay nya ang kamay ko sa bandang tyan na kaya ang style nakayakap na ako sa kanya. Aalisin kona sana ng pinigilan nya ako "kung ayaw mong mahulog, kumapit ka" sabi nito sa akin. Kaya naman hinayaan kona. Ayoko rin namang mahulog at wala namang malisya ito.
Ramdam ko ang init ng katawan ni Vincent pati na rin ang init ng panahon, buti nalang at may dala akong sumbrero at shades.
Ang lakas ng hangin ay sumasampal sa akin at malayang nalilipad ang aking mga buhok. Maya -maya pa ay natanaw ko na ang isang bungalow type na bahay.

Tumigil na ang speed boat at dahan dahan na akong bumaba.

"Wow ang ganda" ang aking tanging nasabi sa sobrang pagkamangha sa  nakikita ko sa aking paligid.

The Thirteen Disciples: Aries (Book1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon