Dos
Nandito pa rin ako sa bahay ni Jules at hindi pumasok. Masama pa rin ang aking pakiramdam pati na rin ang katawan ko ay humihilab sa sakit. Kasalukuyan akong nakahiga rito sa kwarto ni Jules at iniisip kung anong gagawin.
Paano na kaya ako nito? Wala si Jules tapos di pa ako umuuwi. Bahala na kung ano ng mangyari sa akin.
Iginala ko ang aking paningin sa silid. Isang note sa bedside table ang napansin ko. Kahit hirap na hirap ako sa aking kalagayan ay pinilit kong bumangon para basahin ang note.
Nakasaad sa note ang mga bilin sa akin ni Jules at pati na rin ang mga kakailanganin ko. Napangiti tuloy ako sa pagiging maaalalahanin ni Jules. Thank you, Jules.
Dahan-dahan na akong naglakad palabas ng kwarto habang sapo-sapo ang aking balikat. Dumiretso na ako sa kusina at uminom lang ng tubig. Kumain lang ako ng kaunting pancake na inihain ni Jules para sa akin at uminom na rin ng gamot pagkatapos.
Naghilamos lang ako at nagpunas ng katawan. Matagal pa bago ako natapos sa pag-aayos ng aking sarili dahil sa pagpapalit ko ng bagong benda. Ang hirap kapag may iniindang sakit tapos nag-iisa ka pa. Pero mas okay na ito kaysa ro'n sa mansion ng bestfriend ni Mama.
Alas-diez pa lang ng umaga at heto ako, nakaupo lang sa sofa at nakatunganga. Ang boring, walang magawa. Ayoko namang manood ng tv dahil tatayo pa ako.
Ayoko rin magtingin ng mga gamit dito dahil hindi ko ugali ang mangialam ng hindi naman sa akin. Gusto ko na ulit ng babae. Ilang araw na akong hindi nakakatikim.
Gusto ko ng umuwi sa mansion namin. Namimiss ko na 'yong pag-uuwi ko ng mga babae at pagtakas sa madaling-araw. Ang dami naman kasing alam ni Mama na patirahin pa ako sa mansion ng bestfriend niya at patitinuin. Hindi naman ako bata.
Sino ba kasi 'yong Shizuka na 'yon? Wala akong maalala na gano'ng pangalan. Si Ate Yuki lang ang kilala at pinakaclose ko na kilala rin ni Mama. Minsan ko na lang din makita si Ate Yuki ay naudlot pa dahil sa Shizuka na 'yon.
Ilang minuto pang pagmumuni-muni ay bigla kong naalala ang aking phone. Paniguradong marami ng messages 'yon. Gustuhin ko mang kunin at buksan ay natatakot ako. Connected kasi ang GPS ng phone ko sa intel ni Mama kaya kahit anong gawin ko ay malalaman niya kung nasaan ako maliban na lang kung naka-off ito.
Dahil wala naman akong gagawin dito sa sala at mukhang tengga ako ay bumalik na ulit ako sa kwarto ni Jules. Maingat akong naglalakad baka magcollapse na naman ako at matuluyan na. Huwag naman sanang mangyari 'yong sinabi ni Jules no'ng nasa clinic kami. Hirap kayang mabuhay ng walang natitikmang babae.
Pagpasok ko sa kwarto ni Jules ay dumiretso ako sa couch upang hanapin ang aking phone. Kahit labag sa kalooban ko na buksan ito dahil sa mga posibleng mangyayari ay wala na akong nagawa.
Habang hinihintay itong magbukas ay nagsisimula na akong kabahan at pagpawisan. Napaupo na lang tuloy ako sa couch. Pikit-mata kong tiningnan ang screen at hindi nga ako nagkakamali.
Sabog ng mga messages at missed calls na lahat ay galing kay Mama. Yari na, ito na nga ba ang sinasabi ko. Mas ayaw ko nang umuwi pero hindi naman puwedeng magtatago na lang ako.
Naisipan kong itext si Jules at Cami dahil sabi niya ay bibisitahin niya ako ngayon. Makaraan ang ilang saglit ay tumatawag na si Cami kaya sinagot ko na ito.
"Dos! Kumusta ka na? Huwag ka masyadong nagkikikilos at humiga ka na lang lalo na't wala kami ni Julianne sa tabi mo. Huwag ka mag-alala, sasabay na ako sa kanya sa pag-uwi para bisitahin ka," mahabang saad nito sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
My Mama's Bestfriend (GL)
General Fiction"Ayoko Mama! Dito lang ako. Saka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahati...