Chapter 5

2.3K 80 39
                                    

Dos

Pitong araw na ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidente sa bahay ni Jules. Hindi kami pumasok ni Cami sa pitong araw na 'yon, sa halip ay binantayan at inaalagaan lang namin si Jules. Buti na lang ay nasa maayos na siyang kondisyon at hindi napuruhan. Kasalukuyan siyang nakaadmit at nagpapagaling sa isang private hospital.

Hindi ko na rin alam kung ano na ang balita kay Mama at sa bestfriend niya. Pinabayaan ko na kasi ang aking phone at kina Cami na ako tumuloy at nagpalipas ng mga araw.

Naghilom na rin ang mga sugat ko at tuluyan na akong gumaling. Papasok na kami ngayon ni Cami at iniwan na si Jules na mahimbing na natutulog.

Sakay kami ngayon sa sasakyan ni Cami at siya ang nagmamaneho.

"Cami, alam ba ng parents ni Jules ang nangyari sa kanya? Hindi ko kasi alam ang gagawin kung sakali 'tsaka baka sila ang isunod," nanginginig at kinakabahan kong sambit.

Inihinto muna nito ang sasakyan sa isang gilid at hinarap ako. "Dos, look at me. Wala ng mangyayari, okay? Julianne took care of everything. At ang kailangan mo na lang gawin ay kumalma at maghintay. Nandito lang kami kaya wala kang dapat ikabahala," masuyong sabi sa akin ni Cami habang hawak ang magkabilang pisngi ko 'tsaka ako niyakap nang mahigpit.

Kahit papaano ay kumalma ako nang kaunti at napapikit. Ipinagpatuloy na uli niya ang pagmamaneho.

Nang makarating kami ng university ay dumiretso na agad kami sa aming klase. Pagpasok namin sa room ay siya ring pagdating ng aming prof. Bago pa siya magsimula ay seryoso muna itong tumingin sa aming dalawa.

Nagbigay ito ng quiz sa amin at tungkol sa computer programming na malamang ay tinalakay nila last week. Siguradong mangungulelat kaming dalawa ni Cami. Isinagot ko na lang kung ano ang nalalaman ko. Kahit bulakbol ako ay may stock knowledge rin naman ako.

Matapos magquiz ay nagdiscuss na siya tungkol sa fundamentals of programming. Marami-rami ata ang hahabulin naming topics ni Cami. Hay buhay.

"Dos Uy and Camille Villacorte, to my office now," seryosong sambit ni sir nang matapos ang klase namin.

Napatingin naman kami sa isa't isa ni Cami bago sumunod kay sir Topacio. Nang makarating kami sa office ni sir ay pinaupo niya muna kami 'tsaka hinarap.

"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa sa inyong dalawa. For the past week ay absent kayong dalawa pati na rin si Julianne Red. May idea na siguro kayo kung bakit ko kayo ipinatawag," patuloy ni sir sa amin.

"Wala po kaming idea sir. Ano po ba 'yon?" diretsang tanong ni Cami. Nakikinig lang ako sa kanila habang iginagala ang aking tingin sa opisina. Ang tagal naman. Ba't pa kasi kami kakausapin.

"Alam niyo naman siguro na kilalang-kilala kayong tatlo rito sa Ashford Imperial University when it comes to girls right? Setting this aside, gusto ko lang ipaalam sa inyo na we, your professors received a threat even the university. At ito pa, hinahanap kayong tatlo lalo ka na, Dos Uy." 'Tsaka lang ako napalingon nang madiin na banggitin ni sir ang buo kong pangalan.

Tumingin lang ako kay sir dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Si Cami na ulit ang bumasag sa katahimikan.
"Sir, aayusin po namin ang problema. Pasensya na po dahil sa nangyari at kami na pong bahala," at makahulugan itong tumingin sa akin kaya tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Mabuti kung aayusin niyo agad ang problemang naidulot niyo sa university. We will be giving the three of you a last chance at oras na maulit pa ito ay expulsion na. As a punishment sa inyong tatlo, remedial class at detention for the whole school year at ang membership niyo sa sports team ay pending. Maliwanag ba?"
Tila nabingi naman ako buhat sa huling sinabi ni sir. Hindi ako puwedeng matanggal sa tennis team. 'Yon na nga lang tanging nagpapasaya at dahilan kung bakit ako pumapasok. Syempre iba 'to sa pambababae ko.

My Mama's Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon