Dos
Gumising at nakapasok na ako't lahat-lahat ay tulog pa rin si Shizuka.
Sobra naman ata siyang napagod kung ganon.
Ano bang ginawa niya? Nastressed siguro sa work.
"Kayong tatlo, pumunta raw kayo sa office ni Mr. Topacio ngayon din," sabi samin ng class president.
"Ba't na naman kaya? Hindi naman na ako nambababae saka behave na ako," sagot ko. Wag niyang sabihing may ginawa na naman kaming di maganda.
"Baka may nabuntis ka na raw. Tara punta na tayo." Siraulong Camille talaga. Umalis na kaming tatlo.
"Good morning sir," bati naming tatlo kay Topa.
"Have a seat," at may iniabot siyang papel. "Please read it with comprehension especially you, Ms. Uy."
Nang-insulto pa talaga tong si panot.
Tiningnan ko lang ang sulat habang silang dalawa ang nagbabasa.
"Omg Jules at Dos!" tuwang-tuwa na sabi ni Cami samin at hinampas-hampas ako.
"Congrats sa inyong tatlo. The three of you are chosen to represent our university for the upcoming robotics competition to be held in Tokyo, Japan. Lalaban din kayo sa tatlong tennis tournaments na gaganapin sa U.S at dalawa rito sa bansa natin. Kung hindi ako nagkakamali, sa Zambales at Henderson University. You are fortunate enough na mapili kaya huwag niyong sasayangin ang opportunities na yan."
"Sir, may bayad po ba ito? Mukhang mahal kasi at may cash prize po ba?" tanong ni Cami.
"Yes, may bayad ang paglahok diyan pero sponsored kayo sa lahat ng yan. Everything is covered and will be paid by the university. Wala kayong gagastusin ni singkong duling. Di pa sure ang cash prize sa robotics pero malaki. Ayon sa mga naririnig ko, in dollars ang cash prize na halos katumbas ay isang milyon o higit pa. May walo pa kayong kasama para sa robotics team natin. Dalawa doon ay freshmen and the rest ay seniors na."
"Sobrang salamat po rito sir at pati na rin sa university. Gagalingan po namin. Kailan po kami magpapractice?" tanong ni Jules.
"Kung anong oras matapos ang klase niyo. It doesn't mean na kasama kayo sa competition ay excuse na kayo. Dating gawi pa rin. Goodluck at galingan niyo para sa university. Pwede na kayong umalis."
Nagpasalamat at nagpaalam na kami.
"Tangina! Thank you Papa Jesus! Grabe, biniyayaan tayo! Kasasabi lang natin na wala na tayong tournament look at that, international agad! Ang galing di ba Dos? Makakagala tayo!" Sobrang saya ni Cami at syempre ganon din kami ni Jules.
"Sa wakas, makakapunta na rin ako ng Japan tapos Zambales pa at Henderson University! Alam mo ba kung saan yon Jules?" Pacelebrate celebrate pa ako di ko naman alam yong mga pupuntahan dahil ni isa don ay di ko pa napupuntahan.
"Hindi ko rin alam eh. Ngayon ko lang narinig. Search na lang natin." Nagsearch nga si Jules sa phone niya. "Ay maraming beach!"
"Mag-iimpake talaga ako nang bonggang-bongga I'm so excited na!"
"Cami, ang OA mo. Kina Jules na lang tayo magpractice ng programming. When tayo magstart? Mag-overnight tayo palagi tapos tuturuan niya tayo magcoding! Doon na lang tayo sa inyo wag ka nang umangal ako na ang nagsasabi," at nagpacute sa kanya.
"Okay. Kung bet niyo, mamaya na tayo magstart," simpleng sagot niya sabay akbay sakin. "Cam, magbaon ka ng damit at pagkain."
"Tangina ba't ako lang?! Eh si Dos? Hindi mo ba ako love ha, my Julianne Red. Nakakahalata na talaga ako. Maglalandian lang ka-
BINABASA MO ANG
My Mama's Bestfriend (GL)
Ficção Geral"Ayoko Mama! Dito lang ako. Saka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahati...