Dos
2 weeks later
Nakatalumbaba pa rin ako rito sa mansion ng bestfriend ni Mama. Naghihintay na sagutin niya ang tawag ko.
Matagal nang halos tahimik ang buong mansion. Hindi ko na rin nakikita si Shizuka.
Nasaan na kaya yon?
"Señorita Dos, ito na po ang agahan niyo. Wag niyo rin pong kalilimutang uminom ng ga—
"Sabado na ngayon Chiyo! Wala akong pasok!" naiirita kong sabi sa kanya.
Lalo akong nairita nang kalmado pa rin siyang sumagot at nagawa niya pang ngumiti.
"Pasado alas otso na po Señorita. Kumain na po kayo. Biyernes palang po ngayon."
"Sabado na kaya!"
"Biyernes po, Señorita," magalang at mahinahon pa rin niyang sagot. "Ito po ang ipad Señorita katunayan na Biyernes palang ngayon."
Ilang beses akong namalik-mata at Biyernes pa nga lang ngayon. Tangina naman!
Naligo na agad ako at tinapos ko na ang pag-aayos sa loob ng 10 minutes.
"Señorita Dos! Ang pagkain at gamot niyo!" pahabol niya sakin pero malakas ko nang isinara ang pinto.
Wala sina Ryota paglabas ko. Magpapahatid sana ako pero malinis ang buong bakuran.
"Chiyo! Sina Ryota? Malalate na ako! Ikaw na ang maghatid sakin!" at hinila ko na siya.
"Pero cook lang po ak—
"Dalian mo na! Kanina mo pa ako binubwisit kaya ihatid mo na ako!"
Ako naman ang hinila niya pabalik at nagspin the knife muna siya sa mga susing nakapabilog.
"Let's go!" at sumakay kami sa isang tricycle.
"Chiyo, ba't naman ito?! Dapat kotse na lang para mas mabi—woah! Dahan-dahan naman! Mababangga yong van!"
"Kapit ka lang Señorita. Ito kasi ang itinuro ng kutsilyo kaya ito na."
Biyaheng langit kaming dalawa. Nakakapit ako sa likod niya habang siya ay chill lang habang nililipad ang palda niyang pangmaid.
Di ako madasaling tao pero ngayon, natawag ko na ata lahat ng santo.
"Chiyo, yong guard mababangga!"
"Hayaan mo na Señorita! Pinili niyang humarang eh!"
Pahihintuin sana kami ng guard bago pumasok pero dire-diretso lang si Chiyo kaya pati harang ay binangga niya.
"Nandito na tayo Señorita! Mag-aaral kang mabuti!" at pinaharurot na ulit niya ang tricycle. Tumataas na rin ang sidecar nito sa bilis. Pinanood ko na lang siyang umalis.
Sawa na ata siyang mabuhay.
"Cami!" tawag ko rito pagdating ko sa room. Nagmemake-up na naman siya. Hindi ako pinansin.
"Si Jules?"
Niyugyog ko siya dahil di niya ako pinapansin.
"Putangina naman talaga! Nagpapaganda yong tao oh! Wala si Jules mo! May sakit!"
"Bakit? Napano si Jules? Kawawa naman. Kailan pa siya absent?"
"Kahapon lang. Naglaro ng tennis sa ulanan. Wala ka kasi eh. Hinahanap ka rin niya nong nakaraan. Saan ka ba galing? Mula Monday wala ka tapos kung saang Friday na wala na tayong klase saka ka pa pumasok!"
"Bisitahin natin siya mamaya. Bili na rin tayo ng pagkain niya."
Sinalat naman niya ang noo ko.
"Wow, concerned ka ah! Nilalagnat ka rin ba?"
BINABASA MO ANG
My Mama's Bestfriend (GL)
General Fiction"Ayoko Mama! Dito lang ako. Saka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahati...