Chapter 19

231 11 2
                                    

Dos

Buti na lang pagbaba ko ay naabutan ko pa si Mama.

Pinabalik na ulit niya ako rito sa mansion niya at ngayon din ang flight niya papuntang Japan.

"Morning Ma. Ang aga-aga stressed ka na agad? Anong nangyari?" bati ko kay Mama habang pababa ako ng grand staircase. Sambakol na naman ang pagmumukha niya eh.

"Shut up! Wag ka ng dumagdag pwede? Yang bastardo mong tatay kahit kailan, tumatandang paurong! May ginawa na namang kabulastugan! Wala na talagang ginawang mati-argh! Aalis na ako Dos! Ikaw ng bahala rito!"

"Si Daddy? Patingin nga Ma!"

"Ay hindi! Tumigil ka diyan!" at mabilis na itinago ni Mama ang iphone niya.

"What does he look like? Gusto kong makita kung anong itsura ni Daddy. Pogi ba? Matangkad? Maputi? O matanda na?"

Biglang nag-iwas ng tingin si Mama at bahagyang namula pa. She tried to keep her composure. Tumikhim-tikhim pa siya.

Simpleng maharot din tong si Mama eh.

"Ano na Ma? Ano ng itsura ni Daddy?"

"P-Pogi ang Daddy mo. Matangkad, matipuno ang pangangatawan at m-mayaman."

"Talaga Ma? Buti pinatulan ka! O baka naman Ma...kaya mo pinatulan si Daddy dahil mayama-

"Hoy! FYI, tatay mo ang naghabol sakin noon! At hanggang ngayon, patay na patay pa rin siya sakin! Sa sobrang ganda kong-

"Umalis ka na Ma. Baka maiwan ka na ng eroplano," pananaboy ko kay Mama dahil concerned lang ako sa kanya.

"Marunong ka bang magdrive? Sumama ka sakin sa airport," maawtoridad niyang sabi. Kinaladkad na niya ako at pinabuhat ng mga dala niyang maleta. "Bilisan mo! Ayoko ng babagal-bagal!"

"Pano kayo nagkakilala ni Daddy?" tanong ko kay Mama sa kalagitnaan ng biyahe namin.

"Sa pangalan."

"Napakawalang-kwenta mo talagang kausap Ma."

"May mali ba sa sagot ko? Ikaw eh di ka nag-iisip. You ask stupid questions, you get stupid answers kaya bilisan mo na! Malalate na ako sa flight ko!"

Binilisan ko na nang may pag-iingat. Nang makarating kami ay agad-agad kong kinuha ang mga bagahe ni Mama habang siya ay walang kadala-dala. Akala mo artista kung maglakad sa airport. Halos napapatingin samin ang lahat ng naroroon.

May narinig pa akong nagbubulungan kaya hinabol ko si Mama at sumabay sa kanya.

"Ma, akala ata ng iba magjowa tayo. May nagbubulungan kasi. Sugar mommy daw kita," sumbong ko kay Mama.

"Buti na lang akala nila. Kung tulad mo lang din ang magiging sugar baby ko, kadiri! Mabuti pang tumanda na lang akong dalaga," tila diring-diri na sabi niya.

"Kasi ang gusto mo ikaw ang sugar baby ni Daddy!"

"Mismo! Nadale mo! For the record, ngayon ka lang tumalino!" sabay hampas sakin ni Mama.

Boarding na ni Mama. Ibinigay ko na sa kanya ang lahat ng gamit niya.

"Ma, kailan ka babalik? 24 na siguro ako pagbalik mo," nalulungkot na sabi ko sa kanya.

Matagal-tagal na ulit kami bago magkita. 5 years na naman.

"Ang sabihin mo kung babalik pa ako."

"Hindi na ba?" Pilit akong ngumiti. "Ma," at hinawakan ko siya sa braso. "Pakikumusta mo na lang ako kay Shizuka."

Tuluyan nang umalis si Mama.

My Mama's Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon