Dos
"Jules, okay na kahit dito mo na lang ako ibaba. Maglalakad na lang ako papasok. Baka makita ka pa ni Mama sa mansion," pigil ko kay Jules. Pauwi na kami ngayon galing simbahan.
"No. Hindi kita palalakarin pauwi at lalong-lalong hindi kita hahayaang maglakad mag-isa sa dilim," kontra agad niya na ikinairita ko dahil ito na naman kaming dalawa.
"Jules kasi, matanda na ako. Kaya ko na sarili ko saka 'wag mo na akong pagsabihan. Para kang si Mama eh."
"Wala akong naririnig. Blah blah blah," at patuloy lang siya sa pagdadrive. Di talaga nakakaintindi 'tong si Jules kahit kelan. Nakakabwisit.
"Jules, dali na kasi. Kung ganito lang din naman, di na ako sasabay sa'yo!" Doon lang niya inihinto ang sasakyan at pinatay ang makina.
Ngayon ay seryoso na ang kanyang mukhang nakaharap sa'kin.
"Baba," maawtoridad niyang sabi kaya mabilis din akong sumunod dala ang aking gamit.
Iniwan ko na siya at naglakad na ako palayo. Gagawin din naman pala niya, nakipagtalo pa sa'kin. Siraulo talaga.
Tama nga si Jules. Gabi na tapos malamig kaya medyo nakakatindig-balahibo. Sa dami ng poste ng ilaw dito, isa lang ang nakabukas. Patuloy lang ako sa paglalakad nang may marinig akong kaluskos kaya binilisan ko ang paglalakad ngunit parang may sumusunod sa'kin kaya mabilis akong lumingon.
"What? Ba't tumigil ka sa paglalakad? Lakad na," poker-faced niyang sabi habang nakapamulsa sa kanyang jogging pants.
"Jules?! Ba't mo ako sinusundan? Umuwi ka na kasi. Pasalamat ka di ako takot sa dilim kung di baka kumaripas na ako ng takbo!"
"Tara na uwi na tayo. Ihahatid na kita hanggang sa inyo. Anong oras na rin. Baka chop chop ka na kung hahayaan kitang mag-isa. 'Wag ka ng makulit, Dos. Sumunod ka na lang sa'kin."
"Julianne-"
Di ko na natapos ang aking sasabihin nang hawakan niya ako sa kamay at matamang tumingin sa'kin.
"Tara na?" at nagsimula na kaming maglakad ni Jules na magkahawak-kamay. Ang lambot ng kamay niya, halatang walang ginagawa.
"Jules, bitiwan mo nga 'yong kamay ko. Ano bang tingin niyo sa'kin ha? Bata? Hatid-sundo, papagalitan tapos sisigawan o kaya sasaktan. Wala naman akong ginagawa eh, matanda na ako!" reklamo ko dahil totoo naman.
"Bata ka pa naman talaga eh. Di mo lang alam kasi puro babae lang ang alam mo. Nandito naman ako. Saka ayaw kitang bitiwan, dito ka kaya kumakalma at sumusunod," at lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tama si Jules. Kumakalma at madali niya akong napapasunod kapag hinahawakan niya ako sa kamay. Matagal na niyang ginagawa sa'kin 'yon simula no'ng maliliit pa lang kami habang si Cami ay nakasunod lang sa'min.
Di na ako sumagot dahil di naman ako mananalo sa kanya.
"Dos, what if di ako taga-rito?" out of nowhere niyang tanong sa paglalakad namin. Di ko alam kung ilang bahay o tae na 'yong nalampasan namin.
"Di ka naman talaga taga-rito di ba? Doon ka pa sa kabilang subdivision."
Narinig ko na lang ang pagbuntonghininga niya. "Seryoso kasi. Gusto mo ba si Shizuka?"
Doon lang ako biglang napahinto. Biglang nagflash 'yong mukha niya sa isip ko. Cold. Emotionless. Yet...attractive.
"Ba't mo naman natanong? Sa totoo lang, may utang pa ako sa kanya na kailangan kong bayaran," balewalang sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Mama's Bestfriend (GL)
General Fiction"Ayoko Mama! Dito lang ako. Saka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahati...