Chapter 14

416 19 11
                                    

Dos

"Ma!" tawag ko pero walang sumasagot. It's been almost two weeks na pero naninibago talaga ako at lagi akong nahihilo every time na nakikita ko yong certain picture na kumupas na.

Dito na ako nagsstay sa mansion ni Mama for the meantime.

Hindi na rin ako pinapansin ni Jules simula nang ipakita ko sa kanya yong dalawang picture. Isang kupas kung saan may dalawang taong malapad ang ngiti. Kamukha ng bestfriend ni Mama yong isa na may kasamang batang babaeng maliit. Maikli ang buhok na may isang hair pin. Yong maliit na bata ay nakasuot ng pang-Japanese at tsinelas habang yong kamukha ng bestfriend ni Mama, mahaba ang itim na buhok at nakasuot ito black slacks at black coat saka nakablack heels.

Ang isang picture naman ay picture ulit nong batang babae at may kasama ring isa pang batang babae na maikli rin ang buhok.

Nakangiting nakapeace sign habang nakaakbay ang batang babae sa batang nakahair pin.

Kinuha sakin ni Jules ang picture na yon at naiwan sakin yong isa.

Iniiwasan niya ako sa klase at umuuwi na kaagad sila ni Cami. Hindi ko alam kung ba't niya kinuha yong isang picture. Gusto ko lang sanang ipakita yong dalawang picture na yon na nahanap ko sa isang kwarto sa ilalim ng kama dito sa mansion ni Mama.

Hindi ko alam kung bakit big deal sakin ang dalawang picture na yon pero nahihiwagaan talaga ako. May nakasulat din sa likod ng dalawang picture pero di ko mabasa. Sulat intsik kasi.

Bukod doon, may mga sulat pa at photo album na nakalagay sa box kung saan ko nakita yong two pictures. Ang tangi ko lang nababasa ay mga date. Ang mga taong nasa picture ay hindi ko kilala.

Tinanong ko rin kay Jules kung kaya niyang itranslate yong nakasulat pero hindi niya raw alam yon.

Ngayon, papasok na ulit ako at kukunin yong picture sa kanya. Ni hindi niya pinapansin yong chat ko kahit na tungkol sa code na inaaral namin.

Dahil walang mga katulong at bodyguards, I decided na magcommute na lang.

Nang makarating ako sa room, nadatnan ko na kaagad sina Jules at Cami na kumakain ng cup noodles.

"Jules, Cami!" tawag ko sa kanila kaya sabay silang napatingin sakin.

"Uy Dos! Kumain ka na ba? Halika, kain!" alok sakin ni Cami kaya sinubo ko yong noodles.

"Jules, akin na yong picture."

"Anong picture? Sinunog ko na," walang pakeng sagot niya at patuloy lang sa paghigop ng sabaw.

Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Ang cold na sakin ni Jules at ilang araw na siyang ganon.

"Ba't mo sinunog?! Ano bang problema mo Jules? Pinakita ko lang naman sayo yong picture tapos bigla mong kinuha tapos ngayon sinunog mo na?! Tangina ka Jules!" gigil kong sabi sa kanya.

"Ano bang pake mo don? May maganda ka bang mapupulot sa picture na yon? Eh kung nasunog ko na. Hayaan mo na lang. Di naman importante yon."

"Gago ka pala Julianne Red! Sobrang gago mo! Alam mo di ko alam kung anong problema mong hayop ka. Gusto ko lang ipaalam yon pero kinuha at sinunog mo! Gago ka na rin lang, bahala ka na sa buhay mo." Inawat na kami ni Cami pero bahala silang dalawa.

"Bitiwan mo nga ako Camille!" at nilayasan ko sila. Umupo at tumabi ako sa iba, kay Joy. Dito na lang ako kay Joy na sexy, mabait at malaki ang dede. Hindi tulad ni Julianne na gago.

"Hi Dos," malanding bati sakin ni Joy nang makatabi ako sa kanya. Malandi talaga si Joy pero never pang nagkaboyfriend.

"Joy, taas mo nga yang dede mo I mean yong damit mo, luwa na eh." Di naman ako umiiwas ng tingin. Tinititigan ko nga eh. Nakakatanggal kasi ng init mg ulo at stress.

My Mama's Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon