Chapter 8

1.6K 68 11
                                    

Dos

"Shit. Parang ang sakit ng katawan ko. Ano bang nangyari?" Kagigising ko lamang at medyo masakit ang aking ulo. Pumikit muna ako saglit habang yakap ang isang unan.

But not until you behave... and not drunk.

But not until you behave... and not drunk.

Sino bang nagsabi niyan? And not drunk...and not-Shizuka?!

Lalong sumakit ang aking ulo nang maalala ko ang nangyari kagabi. Nawawala na ata ako sa sarili. Humalik ako sa matanda. Ta-Tapos...a-ako pa 'yong nag-initiate at humawak sa kanyang-napakatanga talaga!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil naiisip ko pa lang na nahawakan ko ang matigas niyang-Lintik ka Dos! Ang aga-aga puro kamunduhan na agad ang iniisip mo!

Dahil sa kasisigaw ko ay tinatamad na akong bumangon kahit na may pasok ako. Lintik kasing matanda 'yan. Nag-stay muna ako ng ilang minuto bago tuluyang pumunta sa cr.

Maghuhubad na sana ako nang wala akong makapang suot na damit. Natulala naman ako saglit.

Walang suot na damit.

'Yong nangyari kagabi.

Shizuka.

Dali-dali ko nang binuksan ang shower at nagpakababad sa malamig na tubig na bumubuhos sa aking katawan. Wala naman sigurong nangyaring-ayoko na nga! Napahampas na lamang ako sa pader habang patuloy ang pag-agos ng tubig sa 'kin.

Nagmadali na akong maligo at nang matapos ay nagbihis na agad ako. Habang nag-aayos ako ay may biglang kumakatok sa pinto. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa.

Lalo namang lumakas ang pagkatok kaya inis na akong kumilos. Kinuha ko na ang aking bag at binuksan na ang pinto.

Bumungad na naman sa 'kin ang pagmumukha ni Ryota.

"Señorita Dos, kumain na po kayo. Naghihintay na po ang inyong agahan sa baba."

Hindi na ako sumagot pa at nauna nang bumaba nang bigla niya akong hinila. Nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya.

"Señorita Dos, sumakay na lang po tayo sa elevator. Mahihirapan ka pa mula rito sa fourth floor kung maglalakad ka pa pababa. Ayaw ni Shizuka-sama na napapagod ka," pormal na saad nito at iginiya na ang daan papuntang elevator.

"Baka siya ang napapagod dahil matanda na siya kaya lagi siyang gumagamit ng elevator," nang-aasar kong tugon saka ngumisi kay Ryota.

"Señorita Dos, this way please."

Napailing na lang ako habang siya naman ay kinuha na ang aking bag at sumunod na sa 'kin.

Pagsakay namin ay pinindot na niya ang button pababa.

"Shizuka-sama is only 34. Basically, numbers don't matter but performance do, right, Señorita Dos?" at ngumiti ito nang nakakaloko sa 'kin.

'Di ko naman agad na-gets 'yong sinabi niya. 34? Saka anong performance?

Magtatanong pa sana ako kay Ryota ngunit bumukas na agad ang elevator at nauna na itong lumabas. Magulo ang isip kong sumunod sa kanya.

Dumiretso na kami sa kusina. Nadatnan ko si Ate Yuki na abala sa kusina at 'di ko maiwasang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Malaya ko siyang natitingnan dahil siya'y nakatalikod.

Naka-apron siya at ang tanging suot lang niya ay bra at shorts. 'Di ko tuloy mapigilang mapalunok habang pinapanood siyang inihahain ang mga pagkain.

Ang sexy mo naman Ate Yuki. Ang kinis tapos-shit! Puwede bang ikaw na lang ang ulamin, ate?

My Mama's Bestfriend (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon