Dos
"Uwian na!" excited kong sabi nang makalabas na ako ng room at tatakbo na sana ako nang biglang may humila sa damit ko.
"Ops! Tatakas ka pa ha! May practice tayo ng tennis ngayon!" pigil ni Cami sakin.
"Ha?! Meron?! Akala ko ba wala?! Nakakatamad!" reklamo ko. Parang tinamad na rin akong maglaro at nawala na nga sa isip ko yang tennis.
Si Shizuka na lang kasi ang nasa isip ko araw-araw at nong mga nakaraan pa.
Hindi na rin siya nagpaparamdam.
Ghinost na ata niya ako!
"Tama na ang putak! Tara na magpalit ka at magsisimula na tayo," sabay abot niya ng raketa sakin.
"Di ba namimiss mo na maglaro Dos? Ba't ngayon parang ayaw mo na?" si Jules naman na ngayon hinihila na ako.
Papunta na kami ng gym. May indoor tennis court kaya doon na lang kami.
Ayoko sa labas dahil mainit!
"Nawala na nga sa isip ko maglaro. Parang ngayon mas gusto ko na lang mag-aral. Parang mas mabuting mag-aral na lang muna ako no? Napag-iiwan niyo na ako sa klase eh," katwiran ko sa kanila kasi tinatamad talaga ako!
May hinihintay pa kasi akong bumalik kaso ang tagal naman niya. Sabi ni Mama nong nakaraan, nagbakasyon lang daw si Shizuka kaso di naman na bumalik.
Nagpapamiss ata siyang lalo sakin!
"Nakatulala ka na naman na parang naiiyak. Nagshashabu ka ba?" bira naman ni Cami. "Daig mo pa ang broken. Broken ka ba? Eh wala ka namang jowa!"
"Eh kung ihampas ko tong raketa sayo ha?!"
"Gusto niyong kayong dalawa ang hampasin ko? Dalian niyo na para makauwi tayo agad!" Ang sungit agad ni Jules.
Pagdating namin sa gym ay nagbihis agad kami ng panlaro. Pinahiram ako ni Jules ng damit.
"Tangina Camille! Mamaya ka na magpicture nagbibihis pa ako!" sita ko sa kanya pero ang bruha tawa nang tawa. "Idelete potek ka! Ang pangit ko doon!"
"Pangit ka naman talaga!"
"Kayong dalawang pangit, tara na!"
"Luh ganda ka? Single ka naman!"
Nagsimula na kaming magtraining habang may tensyon sa dalawang kasama ko. Nagpustahan silang dalawa.
Tapos na akong magstretching at warm-up at silang dalawa ay sige pa rin sa pagpapayabangan. Parehas bano naman.
Kaming dalawa muna ni Cami ang maglalaban.
"Ang daya! Dapat si Julianne tanga muna ang kalaban mo eh! Pagod na pagod na ako tapos siya uupo lang! Makakapaghinga siya lugi ako!" reklamo ni Cami pero nagservice na ako. Bahala siya. Putak nang putak.
"15, love," sabi ni Jules dahil siya ang scorer.
"Yuck, love daw! Ew!"
Service ko na ulit at hindi na naman naibalik ni Cami.
"30, love."
"Yes love?" parang tangang sabi ni Cami. Napakasama na ng tingin ni Jules sa kanya.
"Patahimikin mo na nga yang malanding yan!" utos sakin ni Jules. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanilang dalawa.
Naglaro lang kami hanggang sa parehas na kaming habol hininga. Humiga na ako rito sa floor dahil tie na kami ni Cami.
"Bumangon na kayong mga mahihinang nilalang."
BINABASA MO ANG
My Mama's Bestfriend (GL)
Tiểu Thuyết Chung"Ayoko Mama! Dito lang ako. Saka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahati...