Chapter 10

27.3K 560 8
                                    

~

Chua's POV

"Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari..Masyadong naaapektuhan ang organisasyon dahil kay Mr. Steeve",seryosong sabi ng kapatid.

Hindi siya nakapagsalita dahil totoo ang sinabi nito. Ang dating malakas na organisasyon na nag-alaga sa kanya ay unti unti ng bumabagsak.

Wala na ang milyon milyong miyembro nito. Dahil sa karumal dumal na pagpatay halos araw araw sa ibang matataas na miyembro ng Dragon ay marami ang natakot at bumitaw.

Hindi ko makaka-ila na talagang mahirap kalaban si Daredevil lalo pa't nilabas nila ang demonyong nagtatago sa loob nito ng mamatay ang asawa sa aksidente.

Planado ang lahat sa tulong ni Janine...madali sa kanila ang paghihiganti dahil sa babaeng iyon na handang gawin ang lahat makuha lang niya si Mr. Steeve.

"Inaayos ko na ang lahat kuya...sabi ng hawak kong tao na malapit kay Daredevil ay gumagawa na siya ng paraan para mabaling sa iba ang atensiyon nito.", paliwanag ko.

"Malaki na ang perang nawala sa akin...Hindi ko alam kong magsisisi ba akong kinalaban siya o hindi dahil nakapaghiganti tayo sa kanya. Pero humigit pa sa triple ang binalik nito sa atin..."

Napipilan ako sa sinabi nito..

"Tutal papalubog na ako...tayo pala...sisiguraduhin ko namang kasama natin siyang lulubog...Hindi pwedeng umupo na lamang tayo dito habang unti unti niya tayong iniisa isa ..lalaban tayo.."

~

Bea's POV

"Nay...bakit daw ulit kelangan itago mo ang mukha mo?"

Napabaling ang tingin ko sa anak ko mula sa salamin. Nakapangalumbaba ito mula sa pagkakadapa sa papag na nagsisilbi naming higaan habang nakatitig sa ginagawa ko.

Nasa bahay na kasi kami at gabi narin ng makauwi mula sa trabaho. Pagkatapos kumain at lahat ay ginawa ko na ang parati kong ginagawa bago matulog.

Kasalukuyan kong tinatanggal ang ginagamit kong facial cosmetic sa mukha,braces, fake na gilagid para mas kumapal..big glasses at kung anu-anu pang burluloy na dinidikit. Siyempre hindi ko nakakalimutan na linisin ang mukha para iwas germs.

Kahit man lang sa gabi bago matulog ay komportable ako.

wow..sinong makapagsasabi na sa likod ng pangit na mukha ay may nakatagong diyosa ....

Nang matapos na ay napapalatak ang anak.

"You're really beautiful Nanay...like me....",natutuwang sabi nito.

"Haha..syempre nagmana ka sa akin eh....", natatawang sabi ko sa anak saka inayos na ang hihigaan namin.

Pagkatapos maglatag ay himiga na kaming mag-ina at agad akong niyakap ang mahigpit.

"Nay....ano kaya ang feeling ng may tatay ano...",mahinang tanong nito habang yakap yakap ako.

Natigilan ako sa isasagot ko dahil hindi ko alam ang isasagot...

"Ano ka ba anak...pareho lang tayo ng pinagdadaanan. .hindi ko rin alam ang feeling ng may asawa dahil wala naman akong maalala...wag kang mag-alala anak...hindi ka nag-iisa..."

"Hihi ..nanay naman eh ang epal ng sagot mo....ano kasi eh type ko si Mr. Pogi kanina sa hotel na maging-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil hibdi ako makakapayag ...Naku may clown na nga tas isa pa itong anak ko at crush pa ata si Mr. Pogi.. ang bata bata palang...kutusan ko to eh...pigilan niyo ako ...

"Hoy ikaw bata ka...aagawan mo pa ako...akin lang siya ano...ako ang nauna....",nakanguso kong sagot.

"ehhhhh?",tiningnan ako ng anak na parang nalilito sa pinagsasabi ko.

"Ang bata bata mo pa eh may crush crush ka na..hala magcrush crush ka sa iba..wag lang siya...dahil ako naunang nakakita doon....May karibal na nga ako wag ka na dumagdag..."

"Like duh Nanay!!! Wala akong crush ano!!!"

"Eh ano yung sinasabi mo na gusto mo si Mr. Pogi?"

"Ehh .ang assuming mo Nay! Sabi mo gusto ko siya maging Tatay! Kainis!", asar na asar na sabi ng anak ko.

"Magkakasundo tayo jan...hayaan mo anak magiging tatay mo siya..pipikutin siya ni Nanay...."

"Hihihihi...ang landi landi mo Nanay pero susuportahan kita.. hihihi..."

"Nagmana ka talaga sa akin anak ..."

"Goodnight Nanay...I love you po..."

"I love you din anak..."

~

Cynthia's POV

Nasa labas ako ngayon slng silid ng mag-ina. Muntik na akong mapahagikhik sa klase ng pag-uusap nila..

So, nagkikita na pala silang lahat..

Kaunting tiis nalang...malapit na..malapit na tayong bumalik sa pamilya natin...

~

Kinaumagahan

"Lola...sama po ako kay Nanay sa kabilang isla....", sabi sa akin ang apo ko. Kumakain kasi kami ng umagahan.

"Apo..walang kasama si Lola...pupunta pa mandin ako sa bayan..baka atakehin na naman ako ng rayuma..walang mag-aalaga sa akin.",kunwa'y sabi ko with matching pa awa effect.

"Kawawa naman pala si lola Nanay ..saka nalang po pala ako sasama..paki hi nalang ako kay Mr. Pogi..."

Napangiti naman ako sa apo ko..Hindi niya talaga ako matitiis eh.

"Opo mahal na prinsesa...",sagot naman ng Nanay nito.

At iyon nga pagkatapos naming kumain ay nag-ayos kami kaagad para pumunta ng bayan.

"Lola pwede po bang magjollibee tayo ngayon kahit hindi ko po birthday...?"

Napatahimik ako sa hiling ng apo ko. Saka lang kasi siya nakakatikim ng ganoong pagkain kapag birthday niya. Siguro naman walang mawawala kung pagbigyan ko ang hiling nito kahit ngayon lang .

Papasok na sana kami ng jollibee ng magtama ang tingin namin ng lalaki na palabas naman.

Parang tumigil ang mundo at walang nakapagsalita sa amin sa gulat...

"William....",bulong ko.

No....not yet....not now ....

Mabilis ang kilos na hinila ko ang apo palayo sa lugar na iyon.

"CYNTHIA??!!!!!",tawag naman nito at mas lalo ko pang binilisan ang takbo habang hila ang apo ko.

Hindi pa ngayon ang tamang panahon mahal ko....

~

~

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon