Wahhhh! Grabe! Dumadami na ang ating readers! Sobrang salamat sa lahat ng nagvote at nagcomment! You know yourself guyz! Next time ko na kayo imemention isa isa ha? Madalian lang kasi itong update ko! Isiningit ko lang talaga siya! LOL. Basta super thank you! Babawi talaga ako pag medyo maluwag na ang sched ko. Muwah! I love you all guyz!:) Enjoy reading!
Ms. Valledor's POV
"Goodmorning class", masiglang bati ko mga pupils ko sa grade 1 section A.
Napansin kong bakante na naman ang isang upuan kung saan nakaupo ang anak umano ng importanteng tao. Ikatlong araw palang ng pasok nag-absent na agad. Pero in fairness napakatalino ng bata. Nakikita ko ngang alam na nito lahat ng leksiyon at may times na nababagot na ito.
"Goodmorning Ms. Valledor", bati nila pabalik.
"Alright class for today, we are going to-
Knock knock
"Goodmorning Mrs. Esteban, Welcome to grade one sampaguita! Please come in! Have a seat ma'am!"
Nakatutuwa na nakuha agad ng mga bata ang itinuro ko sa kanila sa unang araw ng pasok na kapag may pumapasok na ibang bisita at mga ibang teachers lalong lalo na sa principal ng eskwelahan ay dapat magbigay galang.
"Goodmorning ma'am",bati ko rin dito. Sa likod ng Principal ay si Xander at may kahawak hawak na cute na cute na mas bata ritong babae. Sa tantiya ko ay tatlong taong gulang ito. Nakasuot ito ng pink na bestida at may bag rin na pink at may hawak na lunch box na kulay pink rin. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Kay gandang bata! Kaya naman ngumiti rin ako pabalik rito.
"Ms. Valledor. I have here Xander together with this little girl. Someone in the higher position asked me to make this little girl sit in in your class.", seryosong sabi ni Mrs. Esteban. Kilala ito bilang isang striktong school administrator. Tiningnan nito ng may pagkadisgusto ang batang babae.
"Ikaw na ang bahala sa kanya. Goodbye Xander hijo. Pakusmustahan mo nalang ako sa Papa mo ha?", nakangiting wika nito kay Xander na hindi naman pinansin ng bata kaya naman nagkibit balikat na lamang ito saka umalis na.
"Goodmorning Ms. Valledor. We arr sorry for being late", hinging paumanhin ni Xander.
"It's okay honey...And who is this pretty girl beside you?", tanong ko na ang tinutukoy ay ang bata na katabi nito. Napansin kong namula ang magkabilang pisngi ng bata sa sinabi ko. Oh My! How Adorable!
"She's someone very important to me"
Ehhhhh? Ano kayang ibig sabihin nito?
"Ah eh ..ahmmm..ang mabuti pa ay pumasok na kayo", sabi ko sa mga ito. Pumasok naman na sila at nagdire diretso na ito sa upuan ni Xander.
"Sit here baby sis", sabi nito sa batang babae.
"Thank you kuyah Xander"
Baby sis? Kuyah Xander? Magkapatid ba sila?
Habang nakamatyag naman ang lahat kay Xander kung paano nito asikasohin ang kasama nito.
"Okay class. You have a new classmate. She is way younger than you. Please be nice to her okay? Teach her sa mga hindi niya alam kasi mas bata siya sa inyo eh. ", tawag ko sa pansin nila.
"Tch. There's no need for that. My lil sis is way better than them", rinig kong bulong ni Xander na ngayon ay nakaupo sa tabi ni Monique.
"What did you say Xander?", tanong ko rito dahil hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nito.
"None"
"Alright..how about you introduce yourself honey?", sabi ko sa bata at agad naman itong tumayo at nahihiyang maglakad papunta sa harap.

BINABASA MO ANG
The Missing Daredevil's Queen
RomanceWhat if magising ka nalang bigla na sa loob ng tatlong taon ay nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan... Meet Beatrice Villanueva,28,may isang cute na cute na 3 taong gulang na anak si Alexis Monique Villanueva.. Tahimik ang kanilang buhay kasam...