Chapter 32

34K 710 10
                                    

Anyare sa watty? Nagupdate lang ang whole system nawala na chapters ng The Lost Princess...corrupted?..Di tuloy ako makapag-update doon...Still waiting baka bumalik....Eto update ko guyz! Pambawi! Enjoy reading!!!:)

~

Bea's POV

Kahit gustong gusto ko ng landiin si Babe ay tiniis ko parin siya. Hindi ko siya pinansin. Mamatay matay naman ako sa katatawa dahil hirap na hirap nilang inubos ang pinaglalagay na pagkain doon ng aking anak.

"Hindi ako makatayo! Tang-ina!", pagrereklamo ni Mark na nasa hapag-kainan parin.

"Pare-pareho lang tayo Gago! Next time ayoko ng kumain kapag kasama ni NANO!", sabi rin Brenan. Tumawa lang si Gab habang pinapanuod sila at sinabing-

"Iyan kasi kulang kayo sa work out-"

Pooooooootttt

"Tang-ina Gab!! Ang baho ng otot mo!", reklamo ni Celvin

"S-sige mga tol mauna na ako sa C.R", sabi ni Gab at mabilis na tumakbo.

"Pffffffffttttttttttt...Hahahahahahaha", hindi ko na mapigilan ang matawa sa kalagayan nila.

PPPPOOOOOOOOTTTTTT

Nanlaki ang mata kong tumingin kay Celvin.

"Ang baho!!!!!", sigaw ko rito.

" Walang mabangong otot! Babush!!!Babagsak na!!!!Gab!!! Bilisan mo gago! Ako naman!!!!"

"Hahahha-"

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh"

Natigilan ako sa pagtawa ng marinig ang matinis na sigaw ng anak ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang kabahan. Dali-dali akong tumakbo para puntahan siya. Sabay pa kaming nakarating doon ni Kristan na mas nauna pa eh galing siya sa mas malayong parte ng mansiyon. Nasa ng kwarto ko si Monique at namimilog ang mga mata.

"Anak okay ka lang/ Are you okay princess?",sabay naming tanong.

"Nanay......umulan ng chocolates!!! Tingnan mo! Waaaaahhhh ang astig ng kwarto mo Nay!!! Ang daming chocolates!!!!!",nagsisigaw na sabi ng anak at dahan dahang pumasok.

Nagtataka naman ako kaya naman napasilip ako sa kwarto ko at nakita ko ang tinutukoy ng anak. Namimimilog ang mga mata ko habang pinapasadahan ang mga chocolates sa kwarto ko mula
sa sahig hanggang sa kama.

Tumingin ako kay Babe na curious ding nakasilip. Nang tingnan niya ako ay pumula ang mukha nito.

"H-hindi ako ano...huwag kang assuming...", nauutal na sabi nito.

"Hahahahahaha...wala akong sinasabi...ikaw ata ang assuming eh..", natatawang sabi ko rito pero deep in side ay kilig na kilig ako.

"Ahhhhhhhhh!!!!!!", malakas na sigaw ko.

"Hey! What's wrong?",nag-aalalang tanong nito

"Kinikilig ako!!!!!Ahhhhh", natatawang sabi ko at patalon talon pa.

"Tch. crazy...",sabi nito saka tumalikod na.

"Tse!"

Matapos magsawa sa chocolates ay tinawag ko sina Inday at Isca para iligpit na ang mga chocolates at ilagay sa isang lalagyan. Tuwang tuwa naman ang dalawang katulong sa kabibohan at kadaldalan ng anak ko habang walang tigil sa pagpapak ng chocolates.

"Anak....huwag masyado...baka sumakit ang tiyan mo....",sabi ko rito.

"Opo Nanay...ngayon lang kasi ako nakatikim ng ganitong klase ng chocolates eh. Tig pipiso lang kasi ang natitikman ko dati..Mahal po ba ito Nay?.", sagot ng anak.

"Ewan ko anak....", nakaramdam naman ako ng guilt sa sinabi ng anak dahil nga hindi ko nabibigay ang ibang bagay na dapat ay para dito. Pinag-iipon ko kasi ng future niya. Lalo na't mag-isa lang akong nagtataguyod dito. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huli na binilhan ko ito ng bagong damit
Puro luma narin ang mga damit nito.
Pero wala naman akong naririnig na reklamo nito.

Siguro wala naman masama kung bilhan ko ito. Kaunting kaltas lang naman sa ipon pero tiyak na matutuwa ito.

"Inday saan ba rito ang pamilihan?"

"Ha? Walang malapit na ganoon dito...Kung gusto mo eh SM...Magpahatid ka kay Xian. Iyong driver ni ser Kristan"

"SM? Hmmmm....sige makapunta nga roon bukas.....dadalhin ko ang mga bata"

"Sama naman kami ni Isca oh para may kasama kang titingin sa mga bata.",ungot ni Inday.

"Oh sige....pero KKB ha? Wala akong pera bibilhan ko lang ang anak ko ng bagong damit.."

"Talaga Nay? Yeheyyy!!!!!!"

Nakakatuwang pagmasdan ang nagsasayang anak.

Pagkatapos ng isang oras ay natapos narin kami. Saktong limang kahon ng chocolates. Iyong balikbayan box.

"Nanay...magpapamigay po ako.Ang dami naman eh.", sabi ng anak.

"Sige lang anak."

"Ito po sa inyo.....",sabi ng anak at nagbigay ng marami kina Inday at Isca.

"Naku salamat baby ha? Ipapadala ko nalang ito sa probinsya....",sabi ni Inday.

"Ako rin...tiyak matutuwa ang mga pamangkin ko doon...", segunda ni Isca.

"Ganoon po ba? Sige kunin niyo na po ang isang kahon para ipadala niyo doon", sabi ng anak kaya napangiti ako.

"Talaga?! Naku salamat ha?!", natutuwang sabi ng dalawa.

~

Kristan's POV

Pagkatapos maihatid sa school ang anak ay sa wakas na nakauwi na ako. Napansin kong busy sa pagkain ng chocolates ang lahat. Maging ang mga bodyguards ay gayun din.

"G-goodmorning ser.....", nauutal na sabi nila at mabilis na tinago ang kaninang kainakain.

"Saan niyo kinuha iyang kinakain niyo?", poker na tanong ko.

"Ah eh...si Monique po boss. Namigay po sa lahat ng chocolates. Ayaw sana namin boss pero binantaan niya kami na isusumbong niya kami sa iyo kaya eto",kakamot kamot na wika ng isang bodyguard.

"O-oo nga boss....ma-masarap pala...Hehe",sabi naman ng isa.

"It's okay...nasaan pala siya?", tanong ko sa mga ito.

"Ahh nasa hardin po ata silang mag-ina boss .."

Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa hardin. Iyon ang paboritong tambayan ng asawa noon. Natanaw kong nasa duyan ang mag-ina. Nakahiga si Bea at kandong nito ang anak. Malapit na ako sa kanila ng mapatigil ng marinig na nag-uusap sila.

"Alam mo Nay...may sikretong malupit po kami ni Lola Cyn....."

"Aba....ano naman iyon?"

"Sikretong malupit nga Nay eh bakit ko sasabihin?"

"Syempre Nanay mo ako. Kampi tayo.."

"Hindi pwede Nay..Nagpromise po ako kay Lola"

"Sige walang  pupuntang SM bukas......"

SM? Pupunta pala sila....

"Sige na nga po. .may asawa si Lola Cyn...nakita ko na po siya...ang laki nga po ng bahay nila eh..."

Narinig kong napasinghap si Bea.

"T-talaga anak?"

"Oo Nay..."

Tumalikod na ako para sana umalis pero napatigil ako ng marinig ang sumunod na sinabi ni Monique.

"At alam mo ba Nay. May nakita akong picture mo doon sa bahay ng anak nila. May kasama kang ibang bata. Siya si angel...."

~

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon