~
Kristan's POV
"Hinagis niya ako babe tapos hinampas niya ang ulo ko sa pader tapos tinadyakan niya ako babe tapos sinampal miya ako ng madaming beses tapos-"
"Hey! You're being too exagerated. Kung ginawa ko iyon eh di patay ka na?"
"Oo nga ano?"
Natawa ako sa pagbabalik tanaw. Hindi parin nawawala ang ngiti ko habang nakatingin sa batang babae na ngayon ay nakaupo sa likod ng kawawang si Mark habang nagpupush up.
"Ninety nine, One hundred! Fifty more to go! Very good slave!",natatawang sabi ng bata.
Nakita ko namang napasimangot si Mark pero agad iyong nawala ng punasan ng babaeng empleyado ng hotel base sa uniform nito ang tumutulong pawis nito.
Alam kong sisiw lang dito ang pinagawa dahil ito ang araw araw nilang ginagawa sa umaga.Pero may problema lang kasi kaya medyo pawisan na ang pobre.
"Napapansin ko ilang oras na tayo dito pero hindi naman matapos tapos sa pagbibilang mo?! Kanina 130 na tapos 100 na naman?!",pagrereklamo nito.
"pffffttt", napabungisngis naman ang bata at kinagat ang labi para hindi mapabunghalit sa tawa. Ang cute naman ang batang ito. Sino kaya ang magulang nito?,curious kong tanong sa isip ko.
Habang natatawa nalang kami sa kalokohan ng bata.
"Princess...what is your name?",hindi ko napigilan ang sarili kong tanong dito.
"Nano boss!!Haha-aarrrrayyyy!!!"
"Serves you right! Ikaw si Princess? Bakla ka?", sita ng bata dito matapos siyang batukan.
"Hahahahahha takot sa bata puteekkk!",natatawang kanyaw naman ng grupo kay Mark
"May nakakatawa?",pero nagsitahimik sila ng basagin sila ng bata.
"Ano kayo ngayon? Mga engot!",balik asar naman ni Mark.
"Hoy Nano! Anong bilang na!"
"Ohh sorry I lost count...pwede bang back to zero ulett?"
"What?!!!"
"Hihihi..I'm just kidding... that's enough....I enjoyed the ride.."natatawang sabi nito saka nagpababa sa babaeng katabi ni Mark.
Naglakad putungo sa akin ang bata at nagulat naman ako ng magpakandong ito sa akin.
"I am Alexis Monique Villanueva. I am 3 years old how about you mr. handsome..what is your name?",balik tanong nito sa akin.
"Monique..what a beautiful name...Call me Tito Kristan and tthey are my friends...Gab,Celvin, Brenan and your favorite Mark"
"Where are your parents? Bakit ka pagala gala dito?",nagulat pa kami sa tanong na mula sa tahi tahimik na si Xander. Akala namin ay hindi ito nakikinig dahil sa libro lang ito nakatingin.
"wahhhh! Nagsasalita siya! Akala ko pa naman pipi ka"
"Hmmmmpppp...just answer my question!",supladong tanong dito si Xander.
"Xander...be nice to her son...treat her like a little sister...",pangangaral ko sa anak ko.
"Abby is my only sister....no one else..",matigas na sagot nito saka tumakbo na palayo
"Xander!!!!!",tawag ko sa anak pero nagbingi bingihan lang ito at tuloy tuloy na tumakbo palayo sa amin.
"Hmmmppp..ang sungit naman po niya pero don't worry po dahil kakaibagan ko siya kasi baka malungkot lang siya dahil wala siyang friends..."
Napangiti naman ako sa batang kasalukuyang kandong ko.
"Anyway...tell me about your parents...hindi ka ba hinahanap?", tanong ko dito.
"My mother's name is Beatrie Villanueva and she is currently working at the hotel. Nakatira kami sa kabilang isla. Sinasama po ako dito ni Nanay kapag busy po si Lola at wala pong mag-aalaga sa akin"
"Di ba bawal iyan? Paano kayo nakakalusot?",sagot ni Mark.
"Malakas kasi ako! At saka kaibigan ng Lola ko ang Head Manager dito kaya okay lang na nandito ako.",pagmamayabang ng bata.
Si Tita Delia?
"Head Manager lang ang kilala mo mayabang ka na? Eh kung isumbong kaya kita sa may-ari ng isla na ito. Bawal ang bata dito",hirit ulit ni Mark.
"Hmmmppp...eh sumbong mo?! Akala mo natatakot ako sa iyo? Sa ganda kong ito tiyak na magugustuhan ako ng may-ari ng isla at papayag siya na dito lang ako dahil wala akong kasama sa bahay namin"
"Aba ang yabang ah..."
"Bcoz I am beautiful like my mom....Nagmana kasi ako kanya"
"You said walang mag aalaga sayo sa bahay niyo dahil busy ang Lola mo. Eh asan ang tatay mo?",tanong naman ni Celvin.
"Wala natigok daw po sabi nila Nanay noong pinagbubuntis niya po ako naaksidente daw po sila kaya hindi ko po nararananasan ang magkatoon ng Tatay pero okay lang bcoz I have the best Nanay in the whole world!"
"Malamang pare maganda Nanay niyan..magandang bata eh....",rinig kong bulong ni Gab kay Brenan.
"Tiyak yan pare..."
"Hoy pare nauna ako ha? Popormahan ko",sabi ni Gab
"Gago baka pag nakita ako eh ako piliin kesa sa iyo",sagot naman ni Brenan.
"May the best man win pare..."
Ewan ko pero parang naasar ako sa klase ng pag-uusap nila.
"Leila?! Nasaan ang anak ko?"
Naagaw ang pansin naming lahat sa malakas na tinig na iyon kaya sabay sabay kaming napatingin dito.
"Nanay?!",mabilis na bumaba ang batang kandong ko at nagpunta sa tinawag nitong nanay.
"Fren sorry ha? Hindi na kami nakapagpa alam ni baby girl....",sabi naman ni Mark's girl...Leila ata pangalan non.
Kami naman ay pare parehong gulantang sa nakikita ng mata namin.
"Pare...sayo nalang.....",sabi ni Gab kay Brenan.
"Hindi pare malaki respeto ko sa iyo. Nauna ka eh kaya ikaw nalang dumiskarte jan...",balik sagot naman ni Brenan.
~
BINABASA MO ANG
The Missing Daredevil's Queen
RomansWhat if magising ka nalang bigla na sa loob ng tatlong taon ay nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan... Meet Beatrice Villanueva,28,may isang cute na cute na 3 taong gulang na anak si Alexis Monique Villanueva.. Tahimik ang kanilang buhay kasam...