Ms. Valledor's POV
Natigil ako sa pagsubo ng pagkain ng mapansin kong nagkakagulo ang mga tao sa labas.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dali daling lumabas. Nakita kong nagsisitakbuhan na ang mga mag-aaral.
"Hija. Anong nangyayari? Bakit kayo nagkakagulo?", tanong ko sa isang grade vi pupil na nahagip ko.
"Ma'am! May magkakaroon po ata ng isang digmaan?! May mga nagsidatingan pong mga malalaking mama at may hawak na baril!", takot na takot na sabi nito.
"Ano?!",gulat na gulat naman ako.
"Paanong nangyari ito?!", nanlulumong tanong ko.
"Mayroon po silang hinahanap ma'am", sabi pa nito
Natigil ang pag-uusap namin ng mapansin namin ang dalawang helicopter na umaaligid sa taas.
Dali-dali akong lumabas naglakad at halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat ng makita ang sunod sunod na nagsisidatingang sasakyan. Bumaba ang mga lalaki roon at may dala dala silang mga baril.
Pero bakit ang gugwapo nila? Ehhhh?
"Hi miss beautiful! Wow ano yan? Pagkain? Penge!Thanks!"
Hindi pa halos ako makapagsalita ng walang babalang kinain ng mamang gwapo na may hawak na baril ang kwek kwek ko! Ngayon ko lang napansin na dinala ko pala ang kakainin ko sanang kwek kwek! Pero wala na! Kinain na ng engot na pogi sa harap ko!
"Hmmmm...ang sarap...anong pangalan non?", tanong niya.
"K-wek kwek....", nauutal na sagot ko.
"hmmm..mapaluto nga iyan sa chef ni boss. Anyway highway, alam mo ba kung nasaan sina Xander at Monique? Hinahanap kasi namin eh."
Si Xander at Monique na pupils ko ba ang tinutukoy niya?
"B-bakit? A-anong meron sa kanila?"
"Ahh. Hindi rin namin alam eh. Oh anjan na pala si Boss eh"
Napatingon ako sa tinutukoy nito at nakita ko ang napakahot at pinakagwapong nilalang na nasilayan ko.
Pero dumuble pa ata ang panlalaki ng mata ko ng makitang nakasakay ito sa isang TANGKE?!
"Oh my gosh! What is happening?!", rinig kong sambit ni Mrs. Esteban.
"M-mr. Steeve. M-may I ask what is happening here?", tanong nito.
"Where are my kids! Xander and Monique!", galit na galit na tanong nito.
"A-nak mo din iyon isang-
"Damn! Just answer my fucking question?! Sinong nanakit sa mga anak ko! I can't allow this!", galit na galit na wika nito pati ako ay nanginginig narin.
"M-ms. Valledor. W-where are the kids?", nauutal na sabi ni principal.
Anak niya ang dalawang iyon?
"Ahhhh!!! Kuyah!!!!"
Lahat kami ay napalingon sa pinagmulan ng sigaw na iyon.
"Damn! Kapag may nangyari sa mga anak ko! Ipapasara ko ang buong eskwelahan na ito?!", pagbabanta nito na ikinaputla ni Principal at tuluyan na itong umalis kasama ang mga tauhan nito.
Nang matauhan kami pareho ni Ma'am ay agad kaming sumunod sa mga ito.
~
"Kuyah!!! Mamamatay na ba ako! Bakit may dugo?", umiiyak na tanong ni Monique.
" Baby Lil sis...malayo naman iyan sa bituka mo kaya hindi ka pa mamamatay. At isa pa nagasgasan lang ang noo mo kaya dumugo. Magiging okay ka rin. Tinawagan ko na si Daddy para sunduin tayo.", sabi naman ni Xander.
![](https://img.wattpad.com/cover/32539012-288-k515393.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Daredevil's Queen
RomanceWhat if magising ka nalang bigla na sa loob ng tatlong taon ay nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan... Meet Beatrice Villanueva,28,may isang cute na cute na 3 taong gulang na anak si Alexis Monique Villanueva.. Tahimik ang kanilang buhay kasam...