Chapter 59

35K 652 12
                                    

Wahhh!!! Sabi ko 2 chaps nalang kaso bakit ang hirap ko bitawan!! Mamimiss ko ang TMDQ!!! Huhu! Thanks sa lahat nga nagbabasa. Sa mga walang sawang nagvovote at comment...Loveyou guyz!

Kristan's POV

"Anak ng teteng naman oo!"

Kung saan saan na kami nakalayo para lang maghanap ng lintik na palaka na iyan!!

Nakalabas na kami ng Maynila! At ano ang napala namin! Eto!

"Haru Diyosmio! Sino kayo! Mga budol budol gang kayo ano!", histerikal na sigaw ni Inday matapos kaming mabungaran.

"Huwag mo akong binibwisit Inday! Ganitong mainit ang ulo ko!", sabi ko rito saka binigay ang hawak hawak kong lalagyan ng mga palaka.

"B-boss kayo ba iyan? B-bakit puro putik kayo?", nakangiwing sabi ni Inday at agad kinuha ang binibigay ko rito.

Oo! Tangna nagdive kami sa putikan pala lang manguha ng mga palaka! Kainis!

"Nagtanong ka pa?! Nasan na ang Ma'am mo?! Kumain na ba siya?", tanong ko rito.

"Oo sir...kumain na.Anong oras na kaya oh ala una na ng madaling araw. Tulog na rin po si Ma'am"

"Tingnan mo ang babaeng iyon! Sabi niya hindi siya kakain hanggat hindi palaka ang kakainin! Sabi niya sabay kami!", naiinis na sabi ko

"Boss! Baka gusto mong maligo na tayo! Aba nangangati na ako! Gusto ko ng matulog!",reklamo ni Brenan.

"Tch. Tara na nga!"

At iyon na nga naglakad na kami sa kanya kanyang kwarto para makaligo na rin.

Pero nainis ako ng hindi ko mabuksan ang kwarto namin! Tangna! Nakalock! Kung minamalas nga naman oh!"

Tok tok tok tok!!!!

"Misis ko! Buksan mo ang pinto! Andito na ako!"

"Babe!"

Tangna talaga! Kanina pa ako rito pero hindi parin ako pinagbubuksan ng asawa.

"B-boss..."

Nagtataka naman ako ng mapansin si Inday.

"Inday penge nga ng master key! Hindi kasi ako pinagbubuksan ng asawa ko", kunot noong sabi ko rito.

"Ahh ehhh sir nakay Ma'am Megan kasi ang masterkey eh..pinapasabi niya pala na sa guest room daw po kayo matutulog! Bye sir! Goodnight!"

Pagkatapos sabihin ay kumaripas na ito ng takbo.

"Kung minamalas nga naman oo!", naiiling nalang na wika ko at naglakad papunta sa isang guest room.

~

Kinaumagahan

"Goodmorning Philippines!!!", ubod lakas na sigaw ni Monique pagkagising sa umaga.

"Goodmorning little princess", bati naman ng mga katulong dito.

"Hello po! Happy New Year!!!!!"

"Eehhh? Ah iha..hindi naman New year ngayon eh", natatawang wika ng isang katulong.

"Hindi po ba? May narinig kasi akong putukan kagabi eh!"

"Ahehehe....Wala iyon...Ano..kase...ah ehh...may fireworks nga kagabi tama! Doon sa kapitbahay natin"

"Ahhh!!! San po si Nanay?"

"Nasa kusina na hija"

Pagkatapos ng sandaling pakikipag-usap sa katulong ay nagdiretso na pababa si Monique.

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon