Chapter 38

38.3K 759 43
                                    

Hello guyz! Sorry kung super late na ang update! 9:30 na kasi ako nakauwi...Sobrang busy lang talaga this whole week and next week  sa work...Kaka stress...huhu...Sino pa gising guyz?

Mr. William Steeve's POV

[Master...naghihinala na si young master Kristan]

"Hayaan mo nalang Wally at siya na mismo ang makatuklas sa katotohanan.", wika ko rito.

Tumingin si Cynthia sa akin matapos marinig ang sinabi ko. Nasa bahay ko na ito dahil wala naman na ang apo naming si Monique para alagaan nito dahil sinama na ni Megan este Bea sa pinagtatrabahuan.

[Sige po Master]

"Honey,sino iyon?", curious na tanong ni Cynthia palapit sa akin matapos makitang binaba ko na ang tawag.

"Ang private investigator natin honey, si Wally.", sagot ko sa tanong nito.

"Ahh...Ano naman ang sinabi sa iyo..
", ang pang uusisa nito.

"Naghihinala na raw ang anak natin tungkol sa totoong katauhan ng di-nakikilalang mag-ina niya.", pagbibigay impormasyon ko rito.

"Talaga? Sa tingin mo maiintindihan tayo ng anak naten kapag nalaman niya ang totoo?", nag-aalalang tanong ng asawa.

Natigilan ako sa tanong ng asawa dahil maski ako ay hindi ko alam. Pero ipagdadasal ko nalang na sana ay maintindihan ng anak kung bakit kailangang ilihim dito ang katotohanan para rin sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

"Kung makikinig siya sa paliwanag natin ay alam kong matatanggap niya rin ito dahil matalino ang anak natin."

"Sana nga"

"Hayst bakit ba iyan ang prinoproblema mo honey...Hindi mo ba ako namiss? Halika ka nga rito", sabi ko sa asawa at pilit na inabot ito.

"Hay naku tigilan mo ako William! Ang tanda tanda na natin! Wala na sa akin iyang kalandian na iyan!", pagalit sa akin ng asawa.

" Sinong tumatanda? Malakas pa ito! ano?! Kung gusto mo ay subukan natin oh?",pagmamayabang ko rito saka ko siya kinindatan.

"Hahahaha! Ikaw talaga!",natatawang sabi ng asawa.

~

Kristan's POV

Hindi na ako nag-aksya ng oras at dali-daling umalis ulit sa isla pabalik ng Manila dala dala ang mga papeles nakita ko sa library.

Siguro nagpaimbestiga na noon pa si Papa pero bakit hindi niya iyon agad sinabi sa akin?

Nalilito ako sa iba't ibang uri ng damdamin na lumulukob sa akin. Naroon ang galit dahil pinaglihiman nila ako. Naroon ang hinanakit dahil natiis ako ni Mama. Naroon ang saya pero naiiyak rin dahil buhay ang pinakamamahal na asawa at may isa pa pala akong anak. Si Monique. I wanna see them. I wanna hug my wife....I wanna kiss her....Damn! I'm so damn happy and excited! Pero kailangan ko munang sagutin ang mga napakaraming katanungan sa aking isip.

"Nandito na po tayo boss", wika sa akin ng piloto. Dahil sa paglalakbay ng diwa ko ay hindi ko na napansin na nakalapag na pala kami.

Naglakad na ako pababa at dali-daling nagtungo sa master's bedroom ng mansiyon.

Wala na akong paki-alam kung madaling araw pa lang. Kahit pagod at puyat ako ay isinantabi ko muna. Ang importante ay masagot ang mga katanungan sa isip ko.

"Ahhhhhh"

"Aray William?! Mababali ang mga buto ko?! Ahhh!"

"Hindi iyan honey! Ahhh!"

"Ahhh...!!!"

BOOOOGGGSSSSHHHH

[Door opens]

Nanlaki ang mga mata ni Kristan matapos makita ang mga magulang na gumagawa ng milagro! Damn!

"MA!!!! PA!!!!! WHAT THE HECK ARE YOU DOING?!!!!!!"gulantang na sabi nito sa gulat ring magulang.

Tengene! Naka style dog pa talaga sila?!

"TANGINA KRISTAN?! ISTORBOHIN MO NA ANG BAGONG GISING HUWAG LANG ANG TAONG BITIN?! MADALING ARAW PALANG?! ANONG GINAGAWA MO RITO?!", galit na sigaw ng Papa.

"PA?! PWEDE BANG MAGBIHIS MUNA KAYO NI MAMA?! WALA TALAGA KAYONG BALAK MAGHIWALAY?!", inis na tanong ko sa mga ito.

"WAIT FOR US IN THE DAMN LIBRARY?!"

"Hi Anak.....", nakangiti namang wika ni Mama na kahit nakatalikod ay kumaway pa sa akin. Napangiwi tuloy ako saka mabilis na sinara ang
pinto!

"Ahhhhh!!! Tang-inang anak mo honey! Istorbo!!"

"Ahhhh! Bilisin mo nalang jan!!"

Napangiwi nalang ako saka naglakad na papuntang library. Now, I know kung saan ako nagmana.

Tatlumpong minuto na ang lumipas ay wala parin sila. Naiinip na ako! Kinarir na ata nila ang ginagawa. Kainis! Tatayo na sana ako ng biglang bumukas naman ang pinto.

"Tell me what is happening....", agad na sabi ko sa mga ito.

Na agad naman nilang kinuwento ang lahat mula sa simula. Kinumpirma nilang ang asawa ko nga si Bea. Nagtatago lang ito sa likod ng ibang katuhan para sa kaligtasan. Hindi ko mapigilan ang magalit ng malaman kong si Janine ang may kagagawan ng pagkaaksidente ng asawa. Nalaman ko rin na may amnesia pala ang asawa kaya hindi ako makilala na asawa nito. Sisiguraduhin kong magtutuos kami ni Janine! Matapos ko siyang pakitaan ng mabuti sa pag aakalang tunay ang ipinapakita nito. Iyon pala siya ang may kagagawan ng lahat kung bakit nawala ang asawa at ang anak na si Baby Abby. Kahit nakalimutan na ako ng asawa ay ipapa alala ko rito ang nakaraan.

"Anak..patawarin mo ako dahil naglihim ako sa iyo pero kahit nasa malayo ako ay patuloy lang kitang binabantayan sa malayo", naluluhang sabi ni Mama.

Dahan dahan akong lumapit rito saka ito niyakap na agad naman nitong sinagot ng mas mahigpit na yakap.

"I'm so glad you are alive Ma...I miss you so much. Thank you for saving my wife and my daughter.", madamdamin kong pahayag.

~

Mark's POV

"Saan nga po si Tatay?"

"Nasa trabaho nga?! Ano ba iyan Nano?! Paulit-ulit naman ang tanong mo eh!", reklamo ko. Naka isang daang tanong na ata ang batang makulit na ito kung nasaan raw si boss.

"Eh sino pong mag-aalaga sa kanya doon? Dapat sinama niya ako para aalagaan ko siya", sabi ng bata. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng agahan.

"Kaya na niya ang sarili niya", sabi ko rito.

"Eh saan nga po kasi siya? Kung malapit po pwede po ba natin siyang dalawin?", hindi parin sumusukong sabi nito.

"Hindi pwede! Malayo!"

Nakita kong lumungkot ang mukha nito matapos ko iyong sabihin.

"Tsss...Buenavista?! Bakit malungkot ang prinsesa ko?!"

Sabay sabay pa kaming napatingin sa pinagmulan ng tinig na iyon. Hindi kami makapaniwala ng makita doon si Boss. Nagliwanag naman ang mukha ni Monique ng makita si Boss.

"Tatay?!", masayang sabi nito saka tumakbo palapit dito at yumakap kay boss.

"Boss! Ang bilis ng lakad natin ah!", sabi naman ni Celvin.

"Oh babe.. narito ka na pala.", masayang sabi ni Bea na galing sa kusina.

Bigla namang tumayo si Boss at nakangiting naglakad papunta kay Bea na natitilihan.

Ehhh? Problema ni boss? Kami naman ay nanunuod lang kung ano ang gagawin ni boss.

Nanlaki ang ulo namin ng makitang biglang nitong hinapit  ang gulat na gulat nasi Bea sa bewang binigyan ng makapigil hiningang halik?!

What?!!!!!!

"Oo eh..namiss kasi kita", rinig naming sabi ni boss matapos niyang halikan si Bea.

"What the hell is happening.....", bulong ko.

"Magugunaw na ang mundo dude", sabi naman ni Gab.

~

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon