Kristan's POV
"Hayy grabe si boss. Dahil sa kalasingan ay ginapang na si Bea"
"Tangna dude. Eto pala nagagawa ng lasing. Kung kagaya ni Bea rin lang, ayoko ng maglasing dude"
"Bakit po nandito si Tatay Pogi?"
"Huwag kayong maingay lagot tayong lahat kapag nagising si boss"
"Shhhhhhh"
"King ina dude videohan mo!"
"Gago kung sawa ka na sa buhay mo ikaw nalang! Gusto ko pang mabuhay!"
"Damn! Ang ingay!", inis na sabi ko.
Shit! Ang sakit ang ulo ko! Parang binibiyak!
"Hmmmmmmm"
Teka? Ungol ba iyon? Bakit may yakap yakap ako? Ang lambot!
"Hayan na nagigising na sila!"
"Umalis na kaya tayo mga dude!"
"Hindi dude tingnan natin ang reaksyon ni boss. Malamang priceless! Pustahan tayo! 100k sakin!"
"Ako 200k pupusta akong malalagot tayo kay boss!"
"King ina! Ang nega mo dude!"
Unti unti kong minulat ang mga mata ko dahil natutulili na ako sa mga nag-iingay dagdag pa rito ang masakit na ulo ko.
Para lang mainis ng makita ko ang mga ugok.
"Anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko! Ang aga aga nambubulabog kayo! Alis nga! Natutulog ang tao eh!",saway ko sa mga ito.
"Weehhh? Hindi mo naman kwarto ito boss eh", nakalabing sabi ni Gab.
"Tch. Pinagloloko mo ba ako?", inis na sabi ko rito.
"Oo boss! Este hindi boss! Kwarto naman talaga nina Bea ito eh! Ginapang mo boss! Grabe ka! Ang kapal ng apog mo boss!", sabi pa nito.
"Aba't tarantado-
"Goodmorning Tatay Pogi!!!!",nakangising bati sa akin ni Monique.
"Goodmorning princess",kaya naman awtomatikong lumapad ang ngiti ko at binati ko rin ito.
"Hmmm...gising ka na pala...Goodmorning babe...", nakangting sabi ni Bea na katabi ko pala sa kama.
"Goodmorning babe-"
"What the fuck are you doing here in my fucking room!!!!!", matapos mag sink in sa utak ko na katabi ko ito ay tinulak ko ito palayo kaya naman nahulog ito sa kabilang parte ng kama.
BOGGGGSSSSSHHH!!!
"Ouchhh!!!!", daing nito.
"Shit! Bakit nakabrief lang ako!!!!", sabi ko saka dali daling kinuha ang kumot at tinakip sa katawan.
"Masakit babe!!!! Bakit ka nanunulak ha?! Matapos mo akong ginawang parausan ng madaming beses nanunulak ka na ngayon!!!", inis na sabi nito saka paika ikang tumayo.
Nanalaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Y-you're kidding right? Walang nangyari satin diba?", tanong ko rito pero iba ang nararamdaman ko sakaibigan ko sa ibaba.
"Pppppffffffttttt Hoy! Nano! Doon ka sa labas! Rated SPG ito! Patnubay ng mga magulang ay kailangan!", sabi ni Mark at saka hinila na palabas si Monique.
"Anong wala?! Madaming beses kaya! Ang sakit pa ng hiyas ko dahil wala kang kapaguran!"
Pwedeng masuka?
"Iwwwwwwww bosss....", kantyaw naman nina Celvin.
Dali-dali akong tumakbo sa banyo at hindi ko na napigilan ang masuka.
"Hoy! Anong nangyayari sa iyo! Ako amg babae diba? Ako dapat ang magsusuka diyan! Pero ang bilis mo namang mabuntis! Kagabi lang may nangyari satin ah! Masyado ka namang overacting babe!"
"Damn! Just leave me alone first will you!!", inis na baling ko rito. Ang sakit ng ulo ko at wala akong maalala!
"Ayst! Sungit!!"
~
Nasa hapag na kaming lahat pero sobrang tahimik ng lahat. Nagtataka tuloy si Xander.
"Baby Xander....kumusta naman ang unang araw ng pasok mo kahapon?", tanong ni Bea rito.
"Okay lang po Nay! Pero ang boring kasi alam ko naman na lahat ng tinuturo ng teacher namin. Syempre ako ang pinakamagaling!"
"Wow! Ang galing naman ng baby Xander ko!"
"Nay! Gusto ko rin pong pumasok sa school ni Kuyah Xander", ungot ni Monique.
"Ahh? Anak grade one na si kuya xander mo..hindi ka pwede doon. Tatlong taong gulang ka palang!", wika ni Bea sa anak.
"Sige po Nay! Gusto ko rin pong pumasok! Hindi po ako magpapasaway doon! Makikinig lang po ako", pilit ng anak.
"Nay okay lang naman eh. Aalagaan ko po siya. Hindi ko po siya pababayaan doon sa school", sabi naman ni Xander.
"Hayst! Pero may patakaran nga sa school sa age requirement! Kung gusto mo talagang pumasok eh di sa Kindergarten ka muna anak."
"P-pero gusto ko po kasama si Kuya Xander Nay"
"Hayst! Monique! Huwag matigas ang ulo!", pagalit na wika ni Bea sa anak.
Lumungkot ang mukha ng bata at para na itong maiiyak. Hindi naman nakayanan Kristan na makita ang nalulungkot na bata.
"Maybe I can talk to the school para payagang mag sit in ang little princess ko", sabi nito.
Nasisiyahan namang tumingin si Monique kay Kristan.
"R-really Tatay?", namimilog ang mga matang sabi nito.
"Why not for my little princess?", sabi niya rito saka kinindatan ang natutuwang bata.
"Yehey!!! Thank you Tatay!!"
"Why not get ready now and let's go shoping today to buy your things in school?", wika ko rito.
"Yehey!!!!!", sabay na sigaw ng bata.
"Hep! Paano si Xander eh may pasok na iyan sa school?", tanong ni Bea.
"Tatawag nalang ako sa school para makapaghalf day siya o kaya naman baka bukas na. Depende sa lakad natin"
At iyon nga. Pagkatapos kumain ay naging abala na kami sa pagbihis kasama sina Inday at Isca na tuwang tuwa dahil isasama namin. Kasama rin sina Celvin,Mark,Brenan at Gab. Kaya naman van nalang ang kinuhang sasakyan ni Kristan para isang sakayan nalang daw sila. Sobrang excited ang dalawang bata. At syempre ako din!
~
Kumusta kayo readers? Haha...hinga muna! Akala niyo magkaka alaman na ano? False alarm!:) Pero malay niyo sa susunod....iyon na talaga! ;) Don't forget to vote and comment! :) Loveyah!

BINABASA MO ANG
The Missing Daredevil's Queen
RomanceWhat if magising ka nalang bigla na sa loob ng tatlong taon ay nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan... Meet Beatrice Villanueva,28,may isang cute na cute na 3 taong gulang na anak si Alexis Monique Villanueva.. Tahimik ang kanilang buhay kasam...