Chapter 25

29.2K 596 11
                                    

Bea's POV

Mula ng umalis kami ay hindi na ulit umimik si Kristan. Hindi ko na siya kinulit dahil mukhang seryoso ang iniisip nito. Nakakatakot pa man din. Mahirap na baka iwan niya ako eh.

Dumiretso na kami sa port at binigah ni Kristan ang susi nito sa isang lalaki saka kami naglakad papunta sa yate. Pagdating namin  sa AMSS ISLAND ay may lalaki ulit na sumalubong sa amin at nag abot ng ibang susi kay Kristan.

Nakakalula naman si babe. Grabe panis na panis na ang laway ko. Wala akong makausap. Napakaseryoso naman kasi si babe eh.

Habang papasok na kami sa gubat ay parang familiar na sa akin ang daan. Posible kayang nakapunta na ako dito?

"Mama.....I love you Mama..."

Napapikit ako ng mariin ng may marinig na naman ako.

Shit..not now.....

"Mama....mine is bigger....",tining ng isang batang babae

"No...mine is more beautiful ..",tinig naman ng isang batang lalaki.

"Hahahahaha..twin you have the same...."

"Hey?! Are you alright?", nag aalalang tanong ni Kristan sa akin.

"A-anong nangyari?", naghahabol ng hiningang tanong ko.

"Sabi ko nandito na tayo pero wala kang reaksyon at ng tingnan kita ay nakapikit ka ng mariin at pinagpapawisan ka..", kunot noong sabi nito.

"Ha?! P-pasensya ka na babe...hehe....Andito na pala tayo. Baba na tayo....", yaya ko dito pero bago ko pa mabuksan ay hinawakan nito ang isa ko pang kamay kaya napatingin ako dito.

"Are you sure you're okay?", naninigurong tanong nito.

"Yes babe...", sabi ko dito saka kumindat dito.

"Boss?! Grabe and aga natin ah!", sarkastikong sabi ni Gab sa amin pagbaba namin sa sasakyan.

"Tch. Paki mo?!", supladong sagot ni Kristan dito.

"Sabi ko nga boss. Eh ano ngayon Gab kung late si Boss? May magagawa ka? Boss siya eh. Pakialamero ka talaga Gab?!",sagot ni Gab at kinagalitan ang sarili? Ngeks may tupak ata ito.

Habang busy sila sa pag-uusap ay nakatingin naman ako sa mansiyon. Wow ang laki parang nakita ko na ito ah kaya naman napaisip ako.Tama! Ito yung bahay na nasa panaginip ko!

"Tch. Where's Xander?",rinig kong tanong ni Kristan.

"Nasa taas na po Boss. Kayo nalang ang kulang ni Bea.", sabi ni Gab.

"Okay. Let's go then...", sabi nito at tumalikod na.

"Bea...let's go na raw....", tawag sa akin ni Gab.

"Ehhhh? Wait lang...naiihi ako. Mauna na kayo at susunod nalang ako...", walang babalang sabi ko saka tumakbo na papasok sa loob ng mansiyon. Narinig ko pang sumigaw si Gab pero hindi ko na ito pinagka abalahang tingnan dahil puputok na ang pantog ko. Ihing ihi na ako. Nang makita ko ang C.R. ay agad akong naghubad ng pang ibaba at nilabas na ang ihi.

~

Gab's POV

"Hoy!!!!!! sandali!!!!"

Ilang sandali kaming hindi nakakibo ni boss.

Napanganga nalang ako ng makitang kasing bilis ng hangin na nawala na ito sa harapan ko at pumasok na nga sa loob ng mansiyon.

Nagtataka namang tumingin din si boss sa akin na kagaya ko ay nagulat din  sa babaeng tumakbo sa loob ng mansiyon para umihi daw.

"Sasabihin ko sanang samahan na kita dahil malaki ang mansiyon baka mawala ka eh....", mahinang sabi ko.

Naglakad namang pabalik si Boss sa kinatatayuan ko.

"Ang mabuti pa ay sundan mo na siya baka mawala pa iyon sa loob.",kunot noong utos nito.

"Yes boss....", sabi ko saka papasok na sana sa loob ng sakto namang lumabas mula sa loob si Bea.

"Oh..bakit nandito pa kayong dalawa? Di ba sabi ko mauna na kayo at susunod na lamang ako?", nagtatakang sabi nito.

Pero pareho lang kaming gulat na gulat ni boss dahil nakabalik ito kaagad mula sa loob.

"Paanong? Paano mo nahanap ang banyo?", wala sa sariling tanong ko dito.

"Ahh iyon ba? Eh dun ako dinala ng paa ko eh. Malapit sa kusina...", bale walang sabi nito.

Ilang araw pa kaya bago ko namemorize ang pasikot sikot ng mansiyon kasi talagang napakalaki ng mansiyon.

"First time mo bang makapunta dito o nakapunta ka na noon? Di ba bawal dito ang empleyado?", tanong ko dito habang matamang nakikinig lang sa amin si boss.

"First time kong makarating dito.."

"Sabi mo mauna na kami..bakit alam mo ba ang daan papuntang helipad?", tanong ko.

"Oo nga ano? Bakit di ko iyan naisip?", napaisip na sagot nito.

"Pero kung nauna kami...saan ka dadaan?", tanong ni boss na pinagtaka ko.

" Iikot sa likod at sasakay sa elevator?", wala sa sariling sabi nito.

" Anong elevator? Walang elevator dito shunga?! Buti nalang pala hinintay ka namin. Kung nagkataon eh nawala ka na nga?! Tara na nga! Maghahagdan tayo!", sabi ko.

"Ehhh? Buti pala hinintay ninyo ako. Hehe..",natatawang sabi nito.

Nagsimula na kaming maglakad ni Bea ng mapansin kong hindi kumilos sa kinatatayuan ni boss kanina at naroroon pa rin.

Problema ni boss?

~

Kristan's POV

"Babe..nakakatamad naman ang dumaan sa hagdanan papuntang helipad eh! Buntis kaya ako! Ang yaman yaman mo! Bakit hindi nalang palagyan ng elevator sa bandang likod!"

"Tch. Oo na babe....bukas na bukas rin ay palalagyan ko na para hindi kayo mahirapan ng mga anak natin"

"Yehey! Thanks babe! Dapat sikreto lang babe ha? Para maloko ko minsan sina Celvin. Maguunahan kami. Sila maghahagdan at ako naman mag eelevator para manalo ako palagi..Hahahaha".

Paano niya nalaman ang tungkol doon? Kami lang ng asawa ko ang nakaka alam ng sikretong daaanan na iyon.  Maging sina Papa ay wala pang ideya doon. Maliban kay Xander dahil doon kami dumadaan na buong pamilya noon kapag bumibisita kami sa isla.

Who are you Bea?

Dali-dali kong nilabas ang cellphone ko at nagdial.

[Hello young master]

"Wally....kailangan kailangan ko ang tulong mo. I want you to gather all information about Beatrice Villanueva....

[Yes young master]

"as well as Monique Villanueva..she is 3 years old..ang sabi nila ay anak daw niya ito..Maaasahan ba kita Wally?", tanong ko dito.

[O-ofcourse young master. Kailan niyo po kailangan ang resulta?]

"As soon as possible", sabi ko saka binaba na ang cellphone.

Beatrice Villanueva...Ano man ang tinatago mo...sisiguraduhin kong malalaman ko rin iyon...

~

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon