Bea's POV
"Tapos ka na bang magalit? Pwede na ba akong umalis?", matapang na sabi ko at pilit pinaglalabanan na huwag bumagsak ang luha ko habang titig na titig ako sa mga mata niya.
Nabagya itong natigilan sa sinabi ko pero saglit lang iyon at dumilim na muli ang mukha.
"Mabuti pa nga umalis ka na muna dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan kita...", maasidong sabi nito saka lumapit kay Janine at inalalayan itong tumayo.
"Mas mabuti pa nga na sinaktan mo nalang ako kaysa husgahan mo ako na hindi mo manlang inaalam ang totoong nangyari...", mapait na wika ko rito saka tumalikod na pero yakap ng isang bata ang pumigil sa akin.
"Nanay..huwag mo po akong iwan....dito ka lang po..", umiiyak na sabi nito.
Hindi ko na napigilan ang maluha ng makita ang basang mukha nito dahil sa luha.
Pumantay ako rito saka pinunasan ang mukha nito.
"Listen baby...remember Monique?", tanong ko rito at umiiyak pa rin na tumango ito.
"Alam mo bang nasa Manila narin sila? I have to visit her today...kaya aalis muna si Nanay okay? Namimiss ko na rin kasi siya kaya dadalawin ko siya.....Babalik parin naman ang Nanay eh kapag lumamig na ulo ng Daddy mong engot..", umiiyak na rin na wika ko.
"Sama nalang po ako Nanay...tutal palagi namang wala dito si Daddy eh...", pagsusumamo ng bata.
"Xander what are talking about? Go to your room! Hindi ka aalis!", pagalit na wika nito sa anak.
"I hate you Daddy!", sigaw ng bata saka nagtatakbo na palayo.
"Xander!!!!!/Xander!!!!!!", sabay pa naming sigaw.
"Masaya ka na? Eto aalis na ako pero eto lang masasabi ko sa iyo kapag nagsink na sa utak mo na mali ka ng kinampihan!!! Kahit mahal kita hindi kita mapapatawad agad!", sabi ko dito sabay walk out pero hindi man lang nito ako pinansin.
Bago pa ako makalayo ay may pumasok sa isip ko kaya lumingon ulit ako pero nagulat pa ako dahil nakatingin pala ito sa akin.
"What? May nakalimutan ka pa?", pasuplado nitong tanong.
"Oo! Bakit may angal ka? Kapag nagtatampo ako chocolate lang ang katapat..just so you know...yung madaming madami ha? Sige babush!", sabi ko saka nagmartsa na palabas.
~
Kristan's POV
"Unbelievable....", naiiling na sabi ko ng tuluyan na itong makaalis.
"Sinasabi ko na nga ba Heart may tinatagong masamang ugali ang pangit na babaeng iyon eh!", nagpupuyos na wika ni Janine
"Are you alright?", tanong ko dito.
"Hindi....nagulat talaga ako sa ginawa niya sa akin..."
"Ang mabuti pa magpahinga ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala kay Xander....", sabi ko rito.
"S-sige heart...."
Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Xander pero napabuntong hininga ako ng nakalock pala ang pinto ng kwarto nito.
"Xander...let's talk......", sabi ko saka kumatok.
"Go away!!!! I only want Nanay Bea!!!"
Napapikit ako ng sumigaw ito mula sa loob.
"Let me in son....pag-usapan natin to..."
"You've hurt her!! Baka iwan na niya ako!!! Kaya kasalanan mo Daddy!!!"

BINABASA MO ANG
The Missing Daredevil's Queen
RomanceWhat if magising ka nalang bigla na sa loob ng tatlong taon ay nabubuhay ka pala sa isang kasinungalingan... Meet Beatrice Villanueva,28,may isang cute na cute na 3 taong gulang na anak si Alexis Monique Villanueva.. Tahimik ang kanilang buhay kasam...