Chapter 45

39.9K 669 11
                                    

Bea's POV

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Pagkatapos akong umahon mula sa infinity pool ay may yumakap sa akin and after that ay dinagsa ako ng media! Kung anu-ano ang tinatanong nila.

Miss Alliyah Megan Sy-Steeve, ano pong nangayari sa inyo?

Bakita ka nagtago?

Anak niyo ba ni Mr. Kristan Steeve ang batang babae kanina na kamykhang kamukha niyo?

"Ano po ang masasabi ninyo sa dineklara kanina ni Miss Janine na engagement di umano nila ni Mr. Kristan Steeve?"

"Miss Megan"

Lilong lito na ako kung bakit tinatawag nila akong Miss Megan. Sino ba ang Megan na iyon? Ako ito si Bea?!

Maging ang isang babae at lalaking may edad kanina. Umiiyak sila habang yakap ako. Hindi ko alam kung bakit pero may naramdaman akong kirot sa puso ko habang yakap nila ako.

Pamilyar ang init ng yakap na binigay nila sa akin. Parang hinihiwa ang puso ko na makitang umiiyak sila.

Buti nalang at prinotektahan ako si Kristan matapos akong paulanin ng mga katanungan ng mga taga media. Mabilis na nagtake over ang mga tauhan nito at inilayo nila ako sa mga tao.

Nasa loob na kami ngayon ng van kasama sina Kristan, Celvin, Mark, Brenan at Gab. Si Xian ang kasalukuyang nagdadrive.

Para akong nabibingi sa katahimikan. Ano kayang problema ng mga ugok na ito? Ni hindi ako kayang tingnan sa mata at puro sila nakayuko! Aba! Akala nila nakalimutan ko na ang ginawa nila kanina? Nah! Never! Well it's payback time! Napangisi ako sa naisip.

"Babe....", kunway malungkot na tawag ko kay Kristan.

"Ano iyon babe?", sagot naman nito agad.

"Alam mo ba kanina....pinaiyak ako nina Mark", malaungkot na sabi ko.

Narinig ko namang napasinghap ang apat at tiningnan nila ako na nanlalaki ang mga mata.

"A-ano ka ba naman M-miss Meg- este Bea pala....wala naman ganyanan...joke lang iyong kanina", nauutal na wika ni Mark.

Nagsalubong naman ang kilay ni Kristan.

"What did you do this time?", seryosong tanong nito.

"W-ala boss...niloloko lang namin kanina si B-bea....", kinakabahang sagot ni Gab.

"Liar?! Huwag kang maniwala babe....pinaiyak nila ako?!", nangingilid ang luhang sumbong ko.

"Uy...Bea naman....friends tayo di ba?!", sabi ni Celvin.

"Hmf! Alam mo babe sabi nila hindi mo na ako gusto at ibabalik mo na raw kami sa isla ni Monique..", hindi ko sila pinakinggan at patuloy lang sa pagsumbong.

Tiningnan ng masama ni Kristan ang apat at agad naman silang naglipat ng tingin.

"Tapos hinamak hamak nila ako babe...na hindi raw ako maganda kesyo ang pangit pangit ko raw. Hindi raw ako nababagay sa iyo", nangingilid ang luha kong sabi.

"Tapos mas gusto daw nila si Janine para sa iyo...", pagpapatuloy ko.

"Tapos tinulak tulak pa nila ako. Muntik pa akong mapaupo...", sabi ko saka pinunasan kunwari ng luha ko kahit wala naman.

"Eeehhh? Hoy Bea?! A-anong tinulak?! Hindi ka naman namin tinulak ah!", kontra ni Mark.

"Meron kaya?! Tapos babe....pinapalayas nila ako.",
nagpapa awa effect na sabi ko.

"Dubdidurekdhshdhsh(kainis! akalain mo naman. Namatay na at nabuhay pero hindi parin ito nagbabago)", bulong ni Celvin

"Ano iyon?", tanong ko rito.

"Wala?!"

"B-boss hindi ako kasali jan ah", sabi naman ni Brenan.

"Hoy gago?! Pinagsasabi mo ikaw nga may pakana eh?!", sigaw dito ni Mark kaya naman nanlaki ang mga mata ni Brenan sa sinabi nito.

"Tangina mo Mark?! Pinagsasabi mo?! Ikaw kaya ang nagsimula?! Sinabihan ko pa kayo na magagalit si bosa eh?!", sigaw pabalik ni Brenan.

"Umamin ka na dude.. Ikaw naman talaga nagsimula di ba?", sabi ni Celvin.

"What?! I don't fucking believe this guyz! Gab ikaw nalang ang inaasahan ko dude..Tell boss the truth..", naiiyak ng sabi ni Brenan.

"Pare naman...magkasama tayo sa sarap...dapat sa hirap din...kaya damay damay nato...", bulong ni Gab kay Brenan.

"Tangina niyo sagad mga gago?!", galit na wika ni Brenan.

"Till death do us part dude", sabi naman ni Mark.

At nagpatuloy lang sila sa pagsisihan ng walang katapusan.

"Don't believe them babe...You know that will never happen..I love you so much and you are my life...", bulong sa akin ni Kristan saka ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Telege babe? Ahhehe Anebeyen!..", kinikilig na sabi ko saka ko siya hinampas sa braso.

~

Kinabukasan

Wala ang dalawang bata dahil nasa lolo at lola daw ang mga ito. Hanla pati ang anak kong si Monique ay nakikilolo at lola narin. Naku..napakafeeling talaga ng anak kong iyon. Nagtataka nga ako kung kanina nagmana ang batang iyon. Hindi naman ako ganoon ah...

Weeeehhh?

Ayy! Kainis naman ng konsensya ko! Kukuntra pa talaga?! Wag ka nga?!

Maaga akong bumangon. Sabado ngayon at ang ibig sabihin ay general cleaning day! Iniwan kong tulog si Kristan sa kama at lumabas na ako ng tuluyan. Medyo hindi pa ako sanay na wala na ang costemic ko pero pasasaan ba't masasanay rin.

Pababa na sana ako ng mahagip ko ang nakapinid na kwarto. Kaya naman napahinto ako sa paghakbang.

Nilibot ko ang paligid at wala pang katao kato. Well..maaga pa naman kasi.

"Sagrado ang pintong iyan....Diyan kasi inimbak ni sir ang mga ala ala ni Ma'am Megan...."

"Miss Allijah Megan Sy Steeve..."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para namang may sariling utak ang paa ko at dahan dahang naglakad palapit sa pintong iyon.

Sobrang kinakabahan ako ng mahawakan ko ang seradura ng pinto.

"Sisilip lang ako...promise...", bulong na sabi ko.

Para namang nakiki-ayon sa akin ang pagkakataon at nang pihitin ko ang seradura ay hindi nakalock.

Ito na ata ang pinakamatagal na slow motion sa tanang buhay ko...

Unti-unti kong tinulak pabukas ang pinto at-

BOOOOMMM!!!

Para akong binomba ng makita ang loob nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Para akong natuka ng ahas habang nakatutok parin ang paningin ko sa malaking larawang iyon.

What the hell.....

Bakit kasama ko si Kristan sa larawan? Habang nakasuot kami ng damit pangkasal....

Anong ibig sabihin nito?!

P-posible kayang a-ako at ang asawa ni Kristan ay iisa?!

K-kaya ba nila ako tinatawag na Megan dahil ako nga talaga ang asawa ni Kristan?

Hoomygosh!!! ASAWA KO SI KRISTAN?!

~

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon