A/N: I'm back! Sorry, ngayon lang ulit gumana ng matino itong utak ko. Akala ko nga ay maaga akong magre-retire sa pagsusulat. Pero naisip ko hindi ko pwedeng pabayaan si Mark at siguradong maraming magagalit sa akin kung ibibitin ko ang lovelife niya ;) Anyway, sana mapag-update ulit ako. Not so sure kung kailan... pero pipilitin ko maging madalas. Thanks for waiting.
Chapter Nine: Old Friend
JIANNE
Dahan-dahan akong sumilip sa pintuan. Akala ko ay madadatnan ko siya subalit nabigo ako.
"Hi!"
Mabilis na nag-angat ng mukha si Valjean at ngumiti nang makita ako. "Hello there. Come in." May kahirapan siyang tumayo mula sa pagkakaupo dahil medyo malaki na ang kanyang tiyan. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa second trimester na siya nang kanyang pagbubuntis.
Atubili akong pumasok ng klinika at pasimpleng nilibot ang mga mata sa paligid.
"Nandyan ba si Doc?"
"He's not here. May pinuntahan siyang seminar. But don't worry, mamaya lang hapon ay nandito na ulit si Mark."
Lihim akong nanlumo sa nalaman. Hindi ko na mahihintay na bumalik ang binata.
"Oh god! What happened to you?" Doon lamang napansin ni Valjean ang duguan kong kamay na nakabalot ng puting tela.
"N-nadisgrasya ako sa talyer."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Hinila niya ako sa bakanteng mesa at maingat na ineksamin ang aking kamay. Sa pagmamadali ay hindi ko na naisip lapatan ng paunang lunas ang natamong sugat. Basta ko na lamang iyon binalot ng nahagip na t-shirt sa loob ng pick-up.
"Tsk! Mukhang malalim ang sugat mo. Jianne, kailangan mong tiisin ang sakit."
Bago pa ako makatugon ay agad niyang binuhusan ng alcohol ang kamay ko. Halos umangat ang puwetan ko sa silya. Pinigilan kong mapasigaw sa sobrang hapdi. Ngunit sa umpisa lang pala masakit. Di-hamak na magaan ang kamay ni Valjean kung ikukumpara kay Mark, na kung minsan ay may kasama pa na panenermon. Subalit sa kabila ng pagiging malupit ng binata, siya pa rin ang gugustuhin kong gumamot ng aking sugat.
"Kailangan ko na sigurong magpa-set ng appointment para matiyempuhan ko si Mark," naisip kong sabihin.
"Siguro nga," nangingiting tugon ni Valjean. "Nitong mga nakaraang araw ay naging sobrang abala si Doc sa maraming bagay."
"Katulad ng?" Pag-uusisa ko.
Ngumiti lang siya sa halip na sumagot. Hindi ko na rin siya pinilit. Bilang staff ni Mark ay naiintindihan ko ang pagsasawalang kibo niya. Gayunpaman ay hindi ko maiwasang ma-curious tungkol sa 'maraming bagay' na kanyang binanggit. Bukod sa trabaho ano pa kaya ang pinagkakaabalahan ng binata?
"We're done." Halos hindi ko namalayan na tapos na pala niyang gamutin ang sugat ko at nabalutan na rin niya benda ang aking kamay.
"Valjean, salamat."
"Anytime." Gumanti siya ng ngiti at iniligpit ang mga ginamit.
"Kailangan ko pa bang bumalik bukas o sa mga susunod na araw?"
"It's up to you. Pero kung talagang gusto mong makita si Mark, kailangan mong bumalik dito araw-araw," may himig ng pagbibiro na wika niya.
Napanguso ako. "Alam mo ba kung anong karaniwang oras siya naglalagi dito sa clinic niya?"
"Hindi ko masasabi. Mark's schedule is unpredictable. Sometimes he's here but most of the time he's not."
"Dahil parati siyang nasa medical mission?" At sana lang ay hindi niya kasama ang mestisang hilaw na iyon!
BINABASA MO ANG
COLD HEARTED CUPID (Soon To Be Published)
RomanceDr. Love and Mr. Cupid. Iyon ang bansag kay Dr. Mark Mendoza ng mga kaibigan niya. Ngunit sa kabila ng mga naging kontribusyon niya sa lovelife ng mga ito, nananatili pa rin boring ang kanyang buhay pag-ibig. Cold hearted and Hitler- iyon naman ang...