Chapter Fourteen: Hopeless

73.7K 1.9K 143
                                    

Chapter Fourteen: Hopeless


JIANNE

"Cheer up, sis! Remember, this is your day."

Nakasimangot na sinulyapan ko ang katabi. "Bakit ako ba ang bibinyagan?"

Kanina pa sira ang mood ko dahil sa kapatid. Actually, hindi lang sa kanya kundi pati na rin kay Mark. He's not coming. Mas pinili pa niyang magpasubsob sa trabaho kaysa um-aatend ng binyag ni Jennaira. Ayoko sanang isipin pero baka kasama niya ng mga oras na ito si Joanna. Mabuti pa sa babaing iyon ay may oras siya.

"Honestly, you're beautiful today." Nakangiting wika ni Ate Lara at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Gosh! I feel like crying. Hindi pa rin ako makapaniwala na dalaga na talaga ang bunso ko."

"Ate!" Mabilis kong saway. "Don't make a scene here. Nakakahiya!"

"I don't care!" She snapped. "I'm proud of myself by turning you into a lovely woman."

Yeah right! This is all her idea. She appointed herself to be my make up artist and stylist in one. Wala akong nagawa nang pagkaisahan nila ako ni Trisha. Kailangan ko raw kasing magpaganda nang husto para kay Mark. Kung alam lang nila na hindi naman sisipot ngayon ang binata. Though, I'm satisfied with the result, pakiramdam ko ay ibang tao ako ngayon.

"Siya ba ang sumapak sa'yo?" Tanong ni Cyrhel kay Tyron sabay turo sa akin. Halos hindi ko namalayan ang paglapit nila.

"Cy, stop it!" Subalit mukhang ayaw magpaawat ng dalaga.

"Jianne, right?"

Tumango lamang ako at hinanda ang sarili sa maaari niyang gawin.

"Sa susunod na asarin ka ng boyfriend ko...bugbugin mo na para magtanda! Pasensya na sa pagiging pakilamero niya."

Bago pa ako makapag-react, bigla na lamang hinila ni Tyron ang nobya papalayo. Marahil ay hiyang-hiyang sa ginawa ng kasintahan.

"He's here!" Bulaslas ni Ate Lara na nagpalingon sa akin. Napasinghap ako sa nakita. Akala ko ba ay hindi siya dadalo? Subalit ang mas lalo ko ikinadismaya ay dumating si Mark na hindi nag-iisa. Kasama niya si Joanna.

"Cous?" Lumapit sa akin si Trisha habang karga si Jenaira. "Why she's here? She's not invited."

"It's either Mark invited her or she invites herself," Ate Lara said crossing her arms in her chest.

"Pambihira naman itong si Doc, nagdala pa ng ka-date, eh nandito ka naman," wika ni Tyron na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.

"I don't like her." Komento naman ni Cyrhel at sinulyapan ako. "Alam kong ikaw rin."

Walang kibo na sinulyapan ko ang kinaroroonan ni Mark habang magiliw niyang pinapakilala sa mga kaibigan si Joanna na nakakapit sa kanyang braso. Habang ang binata naman ay nakahawak sa baywang ng babae.

"Hindi sila bagay. I think mas bagay kaming dalawa ni Doc." Napalingon ako kay Cyrhel sa narinig. Hindi ako sigurado kung nagbibiro lamang siya.

"Julianne, if ever you need a help, I'm just here."

"It's Jianne not Julianne," mabilis na sita ni Cyrhel kay Tyron.

"Iyon nga ang sinabi ko!"

Tumigil lang sa pagtatalo ang magkasintahan nang mag-umpisa na ang misa. Halos manigas na nga ang leeg ko na huwag lingunin ang kinaroroonan ni Mark. I tried my very best to ignore him. Pinilit ko ang sarili na hindi magpaapekto pero bakit ganun? Ang sakit-sakit pa rin.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon