A/N: I know it's been awhile, and I'm so sorry for the very late update. But I will try my very best to continue writing. Wish me luck guys.
Chapter Thirty Three: Gone
MARK
"He fell asleep!"
Ang tinig ni Cass ang nagpamulat sa akin mga mata. She was right. Kristofe fell asleep in the sofa. Tinapik-tapik pa niya ang pisngi ng binata, sinisiguro kung magigising pa ito. Subalit mukhang tuluyan nang umepekto sa kanya ang pampatulog na inilagay sa kanyang inumin.
When she told me to keep my eyes on Kristofe, I knew there was something suspicious about him. She don't trust him, and so I. Lingid sa kaalaman ni Kristofe, palihim na inaabot sa akin ni Aling Doris ang kapirasong papel na naglalaman ng mensahe mula kay Cass. At katulad ng instruction sa akin ng dalaga, nagpanggap ako na nakatulog. Bagaman hindi ko alam kung ano ang kanyang pinaplano, iniisip ko na lang mayroon siyang paraan upang mahanap si Jianne. Subalit paano niya ngayon malalaman ang kinaroroonan ng dalaga kung walang malay-tao si Kristofe? Malakas talaga ang kutob ko na malaki ang kinalaman niya sa pagkawala ni Jianne. Siya lamang ang makakapagsabi kung nasaan na talaga ito.
Nakita kong sumenyas si Cass sa dalawang kasamahan at dali-dali binuhat ng mga ito si Kristofe.
"Anong gagawin ninyo sa kanya?" Naisip kong itanong. May bahagi ng isip ko ang gustong tumutol.
"Dalhin n'yo siya sa kabilang kuwarto at bantayan ninyo ng maigi," utos ni Cass na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"What's your plan?" Muli kong tanong habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Kristofe. "Cass, sabihin mo sa akin kung ano ang plano mo. Gusto kong tumulong."
"Wala kang maitutulong!"
"Anong wala?" Patuloy ako sa pagsunod sa likuran niya habang binibigyan niya ng instruction ang kasama na na isa-isang pumasok ng receiving room. Bawat isa sa kanila ay mayroon mga bitbit na aparato na isa-isang ina-assemble sa ibabaw ng mesa.
"Ipaubaya mo na sa amin ng mga kasama ko ang paghahanap kay Jianne." Sa wakas ay hinarap din ako ng dalaga. "Sa ngayon ay tine-trace na namin ang lugar na posibleng pinagdalhan sa kanya. All you have to do is to wait."
"Sa palagay mo ba mapapanatag ako kung maghihintay lang ako? Jianne is still out there in danger. And knowing she's wounded, it's scares me even more. Kahapon pa siya nawawala at maaaring marami ng dugo ang nawala sa kanya. It can lead to a serious complication and worst to death."
Nakamata lang sa akin si Cass, bakas sa mukha niya ang pagkairita.
"You don't still get my point, don't you?"
"Actually I do. But don't you know that you wasted five minutes already by arguing with me? Naiintindihan ko ang pag-aalala mo para sa kaibigan ko pero hindi iyon makakatulong. You're not helping, Dr. Mendoza, so you better back off!"
Nagkipagsukatan ako ng tingin kay Cass, subalit sa bandang huli ay ako rin ang sumuko.
"Hindi mo na kailangan malaman kung anuman ang pinaplano ko at hindi kita bibigyan ng pagkakataon na sirain iyon. Unless you want me to kick your butt to get out of here!"
Darn! She looks scary and dangerous. Wala akong nagawa kundi magmukmok sa isang tabi habang nagmamasid sa kanilang lahat. I felt so useless. Kahit pilitin ko ang sarili na gumawa ng paraan para makatulong, hindi ko magawang makapag-isip ng maayos.
BINABASA MO ANG
COLD HEARTED CUPID (Soon To Be Published)
RomantikDr. Love and Mr. Cupid. Iyon ang bansag kay Dr. Mark Mendoza ng mga kaibigan niya. Ngunit sa kabila ng mga naging kontribusyon niya sa lovelife ng mga ito, nananatili pa rin boring ang kanyang buhay pag-ibig. Cold hearted and Hitler- iyon naman ang...