Chapter Thirty: Trust
JIANNE
Bago umuwi ay naisipan kong dumaan ng 7-Eleven. Bibili lang sana ako ng maiinom nang madaanan ko ang sandwich section. Haist! Halos kakakain ko lang pero nagugutom na naman ako.
Kumuha ako ng isang sandwich bago dumiretso sa fridge. Pag-abot ko ng pocari sweat ay may isang kamay din ang sumunggab doon. Handa naman sana akong magpaubaya pero pagpihit ko ay bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Joanna. Kahit siya ay nagulat nang makita ako.
"This is mine. Ako ang nauna," sabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa bote. Nag-iisa na lamang iyon at hindi ako makapapayag na mapunta ang inumin sa kanya.
"But I saw it first." Nakipaghilahan sa akin ang si Joanna ngunit wala siyang panama sa puwersa ko. Kung magpupumilit pa siya ay talagang makakatikim na siya ng uppercut mula sa akin.
Pagkatapos magbayad sa counter ay puwesto ako sa bakanteng mesa sa isang sulok. Na-freeze ako sa pagkagat ng tinapay nang bigla na lamang umupo si Joanna sa bakanteng upuan sa mismong harapan ko. Nananadya ba talaga siya?
"Hindi maganda sa katawan ang madalas na pagkain ng junk foods," aniya habang binubuksan ang biniling distilled water. Nagtiyaga na lamang siya sa tubig.
Hindi ko malaman kung concern ba siya o gusto niya lang mang-inis.
"Are you waiting for someone?" Muling tanong ni Joanna. Mukhang wala siyang balak na tigilan ako.
"No. Gusto ko lang kumain," padaskol kong tugon. Hindi na ako makikipagplastikan sa kanya.
"Oh! I just thought that you are waiting for him."
Awtomatikong umangat ang kilay ko. Obyus naman kung sino ang tinutukoy niya.
"You know what? I've been waiting for this moment to get along with you... To know you better. "
"Hindi tayo close. Huwag kang feeling!" Kung hindi lang ako nagugutom, kanina ko pa siya nilayasan. Binilisan ko na lamang ang pagkain. Kulang na lang ay pagkasyahin ko sa bibig ang buong sandwich.
"But Jianne, I really like you to be my friend."
Kung hindi ko agad napigilan ang sarili, malamang ay naibuga ko kay Joanna ang laman ng aking bibig. Mabilis na dinampot ko ang botelya ng pocari sweat at sunud-sunod ang ginawa kong paglagok bago pa ako tuluyan mabulunan.
"Jianne, I'm serious. Gusto ko talagang mapalapit sa'yo."
Basta ko na lamang ibinagsak ang botelya sa ibabaw ng mesa at lumikha iyon ng ingay. Maang na napatitig sa akin si Joanna.
"Mabuti pa ang mga plastik nare-recycle, pero ikaw hindi!"
She blinked hard, bago tuluyan ma-absorp ng utak niya ang ibig kong sabihin. Sa isang iglap ay nagbagong-anyo ang kanyang magandang mukha.
"Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ka niya magustuhan," she said, smiling devilishly. "Wala kang breeding. Hindi ka nababagay sa isang tulad niya."
"At sino naman ang bagay sa kanya? Ikaw?"
"He likes me and he also cares for me."
"He also likes me, cares for me too. To the point the pinapakialaman na niya ang buhay ko. Ganon kami ka-close na dalawa."
Bumulanghit ng tawa si Joanna sa aking pagkamangha. Para siyang evil witch sa mga disney movie cartoons.
"Poor dear. Didn't you get it? For him you're just like a little sister that he lost."
BINABASA MO ANG
COLD HEARTED CUPID (Soon To Be Published)
RomanceDr. Love and Mr. Cupid. Iyon ang bansag kay Dr. Mark Mendoza ng mga kaibigan niya. Ngunit sa kabila ng mga naging kontribusyon niya sa lovelife ng mga ito, nananatili pa rin boring ang kanyang buhay pag-ibig. Cold hearted and Hitler- iyon naman ang...