Chapter Twenty Eight: Used

49.2K 1.2K 48
                                    

Chapter Twenty Eight: Used


JIANNE

My heart raced as I stopped to step down the stairs. I was caught by surprise when I saw a man standing at the base of the grand staircase. Nakatalikod siya sa akin, wearing a black neat suit that matched his personality.

And then the man turned to my direction, as if sensing my presence.

"Wow!" I said quietly, unable to take my gaze off of him. Mark looks like a prince waiting for me, smiling and so handsome.

"Jianne, I can't believe this is happening," bulong sa akin ni Ate Lara na kanina pa hindi humihiwalay sa akin. "Umamin ka nga sa akin, anong ginawa mo kay Mark? Ginayuma mo ba siya?"

"Ate, huwag kang panira ng moment," ganting bulong ko sa kanya. Kung hindi ko lang inaalala ang kalagayan niya ay baka itinulak ko na siya sa hagdanan.

I continued to step down the stairs without taking my eyes off Mark. I

Parang panaginip lang siya. Panaginip na ayokong nang magising.

"Hi!" He said and reached out my hand without leaving his eyes on mine. "You didnt' realized how lovely you looked."

"Thanks!" Hindi ako sigurado kung naitago ko sa kanya ang pamumula ng aking mukha. Shet! Kinikilig ako.

Sabay kaming lumingon ni Mark nang tumikhim si Papa.

"Hindi pa ba kayo aalis o magtititigan na lang kayong dalawa?"

"Mauna na po kami ni Jianne," pagpapaalam ni Mark. "Huwag po kayong mag-aalala, hindi naman po kami magtatagal at iuuwi ko rin siya agad."

"Kahit hindi mo na siya iuwi!" Si Ate Lara.

"He's all yours." Si Papa.

"Take care of our baby." Si Mama.

Mabuti na lamang at hindi sineryoso ni Mark ang mga sinabi nila. Akala siguro niya ay nagbibiro lamang ang mga ito. Kung alam niya lang, botong-boto sa kanya ang buong pamilya ko.

"What?" I noticed he was looking at me quite differently. Hindi ko maiwasan mailang.

"You're gorgeous! Kung itanan na kaya kita?"

Hindi ako sigurado kung nagbibiro lamang si Mark. Ngunit nang lumingon ako, he was smiling sheepishly.

"Oo ba!" Sinakyan ko na lang ang biro niya. "Akala mo ba tatanggi ako na makipagtanan sa'yo."

"Tara let's!" Binuksan niya ang pinto ng kotse at inilahad ang kamay sa akin.

"Na magtanan?"

"Tara na sa party!" He grabbed my hand and help me to get in the car.

It was indeed a formal party. A wedding anniversary party and at the same time, it was also a business gathering for known businessmen.

Bagaman naihanda ko na ang sarili ko para rito, hindi ko pa rin maiwasan ma-out of place. Malay ko ba sa business nila. Ang alam ko lang business ay 'yung itinayo namin talyer ni Trisha.

Mabuti na lamang at hindi ako pinabayan ni Mark. Kulang na lang dikitan niya ako ng mighty bond upang hindi mapahiwalay sa kanya. Ngayon ko naintindihan kung bakit inimbitahan niya ako. Lahat kasi halos ng mga naroon ay mayroon mga ka-date at partner. Kaya pala madalas kasama ni Papa si Mama sa lahat ng pinupuntahan niyang gatherings, gayundin si Ate Lara at ang kanyang asawa. Now I know!

Sana lang ako pa rin ang yayain ni Mark na maka-date niya sa mga susunod niyang gatherings.

"Problem?" Kunot-noong tanong niya nang maaksidente kong matabig ang kanyang sapatos sa ilalim ng mesa.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon