Chapter Fifteen: Concede

79.9K 2.1K 178
                                    

Chapter Fifteen: Concede


JIANNE

"I thought you would'nt come!" Nakangiti na sinalubong ako ni Tyron at kinuha sa akin ang mabigat kong knapsack, kasunod niya si Cyrhel.

"Jianne, buti naman at nagbago ang isip mo."

"Linggo ngayon. Sarado ang talyer. Besides wala rin naman akong gagawin sa bahay." Noong isang araw pa ako kinukulit ng magkasintahan na magvolunteer para sa isang outreach program sa Quezon province. Aminado ako noong una na nagdalawang isip akong sumama sa kanila. Pero pagkatapos nang ilang araw na pagmumukmok, naisip ko na kailangan ko rin mag-unwind at i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay.

"Tara lets!" Yaya ni Tyron at magkakasabay kaming sumakay ng sasakyan. Ang binata ang nagdrive, katabi niya si Cyrhel na nasa passenger seat, habang ako naman ay mag-isang nakapuwesto sa backseat.

"Madalas ba kayong magvolunteer sa mga outreach program?" Naisip kong itanong.

"Actually, this is also our first time," Tyron answered.

"Hindi niya kasi carry magdonate ng dugo," sabat ni Cyrhel.

"Anong koneksyon n'yon?" Kunot-noong tanong ko.

"It's either magdonate siya o maging volunteer. Iyon kasi ang kondisyon sa kanya ni-"

"Julianne, nag-breakfast ka na ba?" Agap ni Tyron sa sasabihin ng nobya.

"It's Jianne, not Julianne. Ang tanga mo talaga!"

Bago ko namalayan ay nagtatalo na silang dalawa. Gusto ko sana silang awatin ngunit sa tingin ko ay hindi rin iyon makakatulong. At kung mayroon man masasaktan sa kanila, sigurado ako na si Tyron iyon. Sinalpak ko sa tenga ang headset ng cellphone at nakinig na lamang ng music.

"Jianne, we're here." Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa akin ni Cyrhel. Nakaidlip pala ako sa kahabaan ng biyahe.

"Nasaan na tayo?" Bumaba ako ng sasakyan at nilibot ng paningin ang paligid. Nasa limang sasakyan ang halos magkakasabay na dumating at pumarada sa aming kaharapan.

"Kasama natin sila," wika ni Tyron. "At dito tayo mag-i-stop over sa munisipyo bago tayo magpunta sa Ibabang Owain."

"Ready ka na ba?" Tanong ni Cyrhel.

"Ready saan?"

"Sa mahabang lakaran," nakangising sagot ni Tyron. "We're going to walk for three hours."

"Three hours? Akala ko ba one hour lang! Bakulaw ka talaga, niloko mo na naman ako!"

Hay! Ito na naman sila, parang mga aso't pusa. Mabuti na lang pala at nakarubbershoes ako, bukod doon ay naikondisyon ko rin ang aking sarili. Walang problema sa akin kahit gaano pa iyon kalayo.

"Nandyan na siya!" Bulaslas ni Cyrhel sabay turo sa paparating na sasakyan. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita iyon. "Actually, siya talaga ang dahilan kung bakit ako sumama," pabulong na wika sa akin ng dalaga. "Dahil kung si Tyron lang, matutulog na lang akong maghapon sa bahay."

Hindi ko inalis ang tingin hanggang sa tuluyang huminto ang sasakyan at bumaba ang mga sakay nito.

"Mark!" Kinawayan ni Cyrhel ang binata. Ngunit nang makita na hindi ang-iisa ang doktor ay biglang sumimangot ang dalaga. "Tsk! May asungot palang kasama."

Hindi na ako nagulat na magkasama na naman sina Mark at Joanna. Hindi ko lang inaasahan na kasama pala sa outreach program ang dalawa. Lumingon ako kay Tyron at naniningkit ang aking mga mata. Bakit ba nagpauto ako sa lalaking ito?

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon