Chapter One: Loner

149K 3.1K 222
                                    


A/N: Medyo late na ang post ko. Pero sabi nila huli man daw at magaling naihahabol din. This is the last sequel of magbabarkada. Hope you enjoy and like the whole story, katulad ng pagsuporta ninyo sa ibang mga boys. Happy new year in advance ;)


Chapter One: Loner


"Doc, malala na ba ang sakit ko?"

Bahagya akong nag-angat ng mukha at pinasadahan ng tingin ang kaharap na pasyante. I don't think I need to examine her. "Misis-"

"Miss pa po ako, doc."

"Sorry. Anyway, based on your record and test, you are very much healthy. Congratulation. Wala kayong sakit."

Imbes na matuwa ay tila nadismaya pa ang babae sa nalaman. "Pero bakit marami akong nararamdaman sa aking katawan. Hindi n'yo ba talaga masasabi sa akin kung ano ang sakit ko?"

"Misis-"

"Miss pa po ako, doc."

"Miss, this is the third time that I will tell you this, wala kang sakit. Mas malakas ka pa sa kalabaw at kakayanin mo pang magbuhat kahit mga tatlong katao."

"Pero doc..."

"Okay, let me put it this way. Iniisip mo kasi na mayroon kang sakit kahit wala naman. Your problem is in here." Itinuro ko ang bahagi ng aking ulo.

"So, ano po ang dapat kong gawin?"

I let out another sigh. "I can refer you to a psychiatrist. He can help you to understand what's on your mind."

"P-Psychiatrist?" Naroon ang alinlangan sa kanyang mukha.

"Don't worry, mas guwapo siya sa akin." Sa sinabi ko ay biglang nagliwanag ang mukha niya. "Here, maaari ka ng magpa-schedule ng appointment sa kanya."

Agad niyang inaabot ang binigay kong referral at tumayo. "Thank you po, doc."

"You're welcome."

Nangingiting sinundan ni Valjean ang palabas na pasyente. Siya ang nakatokang nursing aide ko dahil na rin sa maselan niyang kalagayan. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa tatlong buwan na ang kanyang pinagbubuntis. "Do you think hindi ka niya babalikan sa susunod na araw? Suki mo na ang babaing iyon."

"I hope Louie can handle like her."

"Don't underestimate your cousin. He knows how to use his charms."

Umangat ang kilay ko. "At ako hindi?"

"Ikaw ang nagsabi n'yan at hindi ako."

"Excuse me po, doc." Sabay kaming lumingon ni Valjean sa doorway. "Bumalik ako dahil may nakalimutan akong ibigay sa inyo. Merry christmas, doc."

"T-Thanks." Napilitan akong abutin ang isang hindi kalakihang kahon na naka-giftwrapped ng kulay pink. Nang makaalis ang babae ay basta ko na lamang iyon binigay kay Valjean.

"This is too much for today. Mahaba pa ang pila sa labas. Siguradong madaragdagan pa ang mga ito." Ang tinutukoy niya ay ang mga naipong regalo mula sa mga pasyente ko.

"You can take them home if you like."

"No thanks. Ayoko ng kalat sa bahay. Next patient please."

"Doc, madalas po akong nahihirapang huminga. Palagi na lamang pong naninikip ang dibdib ko."

"Iwasan mong kumain ng mga fatty foods. Live a healthy life, eat vegetables, do exercise and..." Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kaharap. "Avoid wearing tight clothes. Next!"

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon