Chapter Six: Birthday Girl

84.8K 1.9K 66
                                    

A/N: To my cutest watty girlfriend, HAPPY KAARAWAN JIANNE! May you have many more birthdays to come. Mwaah!


Chapter Six: Birthday Girl


JIANNE

Ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ang nagpagising sa akin. Kasabay ng paghikab ay nag-inat ako ng mga braso nang bigla akong may maalala. Agad na kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng bedside. But to my dismay, wala akong natanggap na text message kahit isa. Wala man lang nakaalala na batiin ako sa espesyal kong araw.

Katatapos ko lang maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Halos sunggaban ko iyon at natataranta na sinagot.

"Happy birthday, Jiji!" Masiglang bati ng binata sa kabilang linya. Siya ang kauna-unahang bumati sa akin.

"Yuan?" Tinignan ko ang screen at pangalan nga niya ang nag-register. Namalik-mata lang siguro ako at inakala na pangalan ni Mark ang nabasa ko.

"Sorry, I can't greet you personally. May business meeting kasi akong pupuntahan. So, what is your plan for today?"

"Nothing special. Maghapon lang akong maglalagi sa talyer," matamlay kong tugon.

"Do you want to go out later? My treat!"

"Sorry, Yuan, pero may lakad ako mamaya." Ang totoo ay inireserba ko talaga ang oras ko mamaya para sa taong gustung-gusto kong makasama.

"Ganun ba? Sa ibang araw na lang siguro," malungkot niyang wika.

Panay ang sulyap ko sa screen ng cellphone. Magmula kanina ay wala na akong ginawa kundi maghintay na tumunog iyon. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos.

Bakit hindi siya tumatawag o kahit magtext man lang sa akin? Nakalimutan na ba talaga ni Mark ang birthday ko? Pero agad din siyang pinagtanggol ng kabilang parte ng aking isipan, busy lang siguro ang binata sa ospital at baka marami lang siyang pasyente.

Naisip kong tawagan siya pero agad din nagbago ang isip ko. Ayoko naman na pangunahan si Mark. Syempre gusto ko pa rin na batiin niya ako dahil naalala niya. Subalit habang lumilipas ang oras ay lalo lamang ako napu-frustrate. Hindi ako mapakali at nangangati ang mga daliri ko na i-dial ang kanyang numero. Kung puntahan ko na lang kaya siya sa ospital?

"Bossing, aalis kayo?" Salubong sa akin ni Bogard nang lumabas ako ng opisina. Bitbit ko ang helmet at susi ng motorsiklo.

"May pupuntahan lang ako sandali. Ikaw muna ang tumao rito."

"Pero, bossing..." Nagkamot siya ng ulo. "Ano kasi... malapit nang maglunchbreak."

Sinipat ko ng suot na relo. Labinglimang minuto bago mag-alas dose ng tanghali. "Ano naman kung malapit ng maglunchbreak?"

"Hindi ba kayo magpapa-birthday blow-out?" Nakangisi niyang wika. "Lahat kasi kami ay hindi nagbaon ng tanghalian dahil akala namin-"

"Umorder ka na lang pagkain sa labas," agap ko sa sasabihin niya. Sa kakaisip ko kay Mark ay nakalimutan kong mag-treat para sa mga tauhan. "Sagot ko na ang tanghalian ninyong lahat."

"Narinig n'yo iyon, mga kakosa? Sagot daw ni bossing ang tanghalian natin!" Sigaw ni Bogard. Wala na talagang tatalo pa sa pagiging hyper niya. "Ano ang gusto ninyo? Max's o Savory?"

Napailing na lamang ako nang sumakay ng motorsiklo. Mukhang napasubo yata ako. Pang-Jollibee lang kasi ang inilaan kong budget para kanila.

"Nandyan ba si Doc?" Tanong ko kay Valjean nang makasalubong ko siya sa lobby.

COLD HEARTED CUPID  (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon