Chapter Seventeen: Moving On
JIANNE
"I'm back!" Sinopresa ko ang mga kaibigan. Ngunit sa ginawa ko mukhang hindi naman sila nagulat sa pagdating ko. "What? Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Umalis ka nang hindi man lang nagpaalam sa amin," wika ni Sonnie na bahid ng pagtatampo ang tinig. "At ngayon nakabalik ka na hindi mo pa rin ipinalam. Ano ba talaga kami para sa'yo, Jianne?"
"M-mga kaibigan ko," wala sa loob kong sagot.
"Exactly!" Bulaslas ni Gabby na nagpapitlag sa akin. "Mga kaibigan mo kami pero wala kaming kamalay-malay na nagpunta ka pala ng Paris. Kung hindi pa sinabi sa amin ni Bogard hindi namin malalaman."
"Guys, I'm sorry. Biglaan eh." Napakamot ako ng batok. Ako ang nasorpresa sa naging outburst nila. "Alam n'yo naman ang dahilan di' ba?"
"So, it's true? Nabasted ka nga ni Dr. Mendoza!"
Napangiwi ako sa sinabing iyon ni Cass. Kung minsan talaga may pagkabrutal siyang magsalita.
"Umoorder na kayo," pag-iiba ko ng usapan. "Sky is the limit. Treat ko."
"Talaga? Libre mo?" Si Gabby.
Tumango ako at ngumisi. "Wala akong pasalubong sa inyo kaya manlilibre na lang ako."
"Sa pasalubong ka na nga lang babawi sa amin, kinalimutan mo pa?" Si Sonnie kasabay ng panlalaki ng mga butas ng ilong.
"Sinadya talaga ni Jianne na kalimutan!" Inirapan ako ni Cass.
"Paano na ang inaasam kong chocolates?"
"Umorder na nga lang kayo bago pa magbago ang isip ko!" Inis na hinagis ko sa harapan nila ang menu. Pambihira! Mas gugustuhin pa yata nila ang pasalubong kaysa ang makita at makasama ako.
Hindi na ako nagulat nang umorder ng pagkain at inumin ang mga kaibigan nang higit pa sa inaasahan ko. Nananadya talaga sila. Mabuti na lang at mayroon akong dalang pera.
"Waiter, dalawang bucket pa ng San Mig Light!"
Magkakasabay na tumingin sa akin ang mga kaibigan.
"May balak ka bang magpakalasing?"
"Pagbigyan na natin si Jianne ngayong gabi. Heartbroken eh!"
Muntikan ko nang maibuga ang nasa bibig sa narinig.
"Jianne, hindi ka pa tapos sa pagluluksa mo? Mahigit isang linggo na iyan!"
"As if naman na isang linggo lang ang healing process."
"Kaya nga siya nag-hibernate sa malayong lugar to give her broken heart some time to heal. Dapat okay na siya."
"I'm fine. Really!" Gusto kong matawa sa reaksyon ng mga ito. Parang ayaw nilang maniwala sa akin. "Okay lang sabi ako. Do you think babalik ako ng Pilipinas kung hindi?"
"Nakamove-on ka na agad?"
"Ang bilis naman!"
"Kailangan ko pa bang patagalin?" Kinuha ko ang isang bote ng beer at tinungga lahat ng laman n'yon. "Tama na isang linggong pagluluksa. Nakakapagod din ang mag-emote at magngangawa buong gabi. Kung talagang ayaw niya sa akin, fine! Hindi ko kailangan ipagpilitan ang sarili ko sa isang tao na mas manhid pa sa pasyenteng tinurukan ng anesthesia."
"Ikaw mukhang okay na pero ang puso mo kamusta naman?" Tanong ni Cass.
Umangat ang sulok ng mga labi ko at wala sa loob na kinapa ang sariling dibdib. "Still beating."
BINABASA MO ANG
COLD HEARTED CUPID (Soon To Be Published)
RomanceDr. Love and Mr. Cupid. Iyon ang bansag kay Dr. Mark Mendoza ng mga kaibigan niya. Ngunit sa kabila ng mga naging kontribusyon niya sa lovelife ng mga ito, nananatili pa rin boring ang kanyang buhay pag-ibig. Cold hearted and Hitler- iyon naman ang...