Chapter Twenty Four: Date Crashers
JIANNE
Maaga akong nagising kinaumagahan. Nakakapagtaka na naunahan ko pa ang alarm clock at maiingay na alagang manok ni Manang sa likuran ng bahay namin. Malamang sa mga oras na ito ay nagtutulog pa sina Mama at Papa. Nevermind, Ate Lara, hindi na yata natutulog ang lukaret kong kapatid dahil kahit madaling araw na ay nakikipag-skype pa rin siya sa kanyang asawang nasa ibang bansa.
Kinatamaran kong maligo. Mamaya na lang pagkatapos kong mag-almusal. Hindi rin ako nag-abalang magpalit ng padjamas o kahit magsuklay man lang ng buhok. Hindi naman magrereklamo si Manang kahit ano pa ang itsura ko. Ma-appreciate lang ang mga niluto niya ay mapapangiti ko na siya.
Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso ako ng kusina nang bigla akong napahinto at bumalik ng ilang hakbang paatras. Sigurado ako na mayroon nahagip ang mga mata ko sa study room.
"what are you peeking at?"
I nearly jumped out of my skin when he suddenly appear in the door. Nasapo ko tuloy ang dibdib at gilalas na napatitig kay Mark.
"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot kung saan?"
"Kailan ka pa naging matatakutin?"
"Iba ang nagulat sa natakot!"
"Sshh..." Bigla niyang tinakpan ng kamay ang bibig ko. Sa isang iglap ay nakalapit agad siya sa akin. "Ang aga-aga, ang ingay mo!"
Hindi ako nakaimik. Hayun na naman kasi ang pasaway kong puso na forever loyal yata kay Mark. Sa simpleng pagkakalapit namin iyon ay napakalaki naman ng epekto sa buong sistema ko.
Tila nananadya na tinitigan ako ni Mark at inilapit pa ang kanyang mukha sa akin.
"Ji, ang cute mo pala kapag bagong gising!" He smirked. Umangat ang kamay niya at pinitik ako sa noo. That broke the spell. "Go back to sleep. You're sleep walking again."
"Hindi ako nag-i-sleep walk!"
Tinawanan lang ako ni Mark at walang likod-lingon na tinungo ang pintuan palabas. Good mood ang loko. Hindi pa siguro natutulog ang isang iyon kaya ang lakas mag-trip.
"Morning, Jiji!" Bungad ni Yuan nang pumasok ng kusina. Naabutan ko siyang nag-aalmusal sa kitchen island. "Ang aga naman ng manliligaw mo!" Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang tinutukoy niya.
"Ang sabihin mo ang agang mambuwiset!"
"Nabiktima ka rin ba ni Mark? Ako rin. Ginulat niya ako kanina. Akala ko tuloy ay siya 'yung multong kinukuwento ni Ate Lara na gumagala dito sa bahay ninyo."
I rolled my eyes. "Naniwala ka naman sa lukaret kong kapatid?"
"Kagabi pa nandito si Mark," sabi ni Manang habang naglalagay ako ng pancake sa plato.
"Kagabi pa?" Naunahan ako ni Yuan mag-react.
"Mayroon silang pinag-uusapan kagabi ni Sir Danny sa study room. Marahil ay ginabi na sila ng tuluyan at dito na natulog si Mark."
"So, natulog po siya sa study room?" Si Yuan ulit.
"Malamang. Doon siya nanggaling kanina." Ako, habang punung-puno ng laman ang bibig. Napapadalas na yata ang pagpunta ni Mark sa bahay namin. Pero ano naman kaya ang pinag-usapan nila ni Papa at inaabot sila ng ganoon oras? Napaisip tuloy ako.
"Aalis ka?" Tanong ni Yuan nang ligpitin ko ang pinagkainan at dinala iyon sa lababo. "Hindi ba sarado ang talyer tuwing linggo?"
"Matutulog ulit ako," sagot ko pagkatapos dumighay. Sa loob ng sampung minuto ay nakaubos ako ng limang layer ng pancake. "Kailangan kong mag-beauty rest para mamaya."
BINABASA MO ANG
COLD HEARTED CUPID (Soon To Be Published)
RomanceDr. Love and Mr. Cupid. Iyon ang bansag kay Dr. Mark Mendoza ng mga kaibigan niya. Ngunit sa kabila ng mga naging kontribusyon niya sa lovelife ng mga ito, nananatili pa rin boring ang kanyang buhay pag-ibig. Cold hearted and Hitler- iyon naman ang...